Sen. Marcos: Tiwala at palakpak ng tao ang nagpapalakas sa akin

Read the English version.

Ang tiwala at mainit na pagtanggap ng mamamayan na ipinaparamdam sa pamamagitan ng maingay na palakpak at mainit na pagtanggap ang nagbibigay kay Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ng kumpiyansa sa kanyang pagtakbo bilang Bise Presidente.

Kaugnay nito, nagpahayag si Marcos ng pasasalamat sa mga taong kanyang nabisita na nagpahayag na ng suporta sa kanyang kandidatura at nagsabi na mas gusto niyang direktang makipag-usap sa mga tao bilang pangunahing paraan ng kanyang pakikipag-ugnayan sa mga botante.

“Talking directly to the people, face to face with the commoners, vendors, teachers, drivers, farmers, students, labor sector and the jobless, and all the other ordinary citizens gives me confidence that I am accepted to be their Vice President. I am deeply humbled,” pahayag ni Marcos.

Si Marcos ay nag-iikot sa iba’t-ibang lugar at nakikipagdayalogo sa mga tao hindi lamang kaugnay ng kanyang kandidatura kundi upang hikayatin ang mamamayan na magkaisa pagkatapos ng halalan sa Mayo.

“Unity will make our country strong and stable. Let us not allow ourselves to remain divided by partisan politics after we have already installed new leaders in our government,” ayon sa kanya.

Sa kanyang public consultations, idiniin nito na malaki ang kailangang gawin upang mapuksa ang paglaganap ng bawal na droga, linisin ang burukrasya sa mga tiwali, gawing abot-kaya ng presyo ng mga bilihin, tapusin ang kahirapan, gawing ligtas ang kapaligiran at loob ng mga tahanan, lumikha ng trabaho, at lutasin ang iba pang problema.

“We cannot achieve these goals unless we work as one. Isang bansa, isang diwa, isang gawa. This is the mantra that we have to follow by heart for the country to be progressive,” aniya.

Back to Blog