Sen. Marcos sa PAO lawyers: Ipagtanggol n’yo ang ‘maliliit na tao’

Read the English version here.

Hinimok ni Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang mga miyembro ng Public Attorney’s Office (PAO) na ipagpatuloy ang pagtatanggol sa karapatan at kagalingan ng mga “maliliiit na tao.”

Ang tinutukoy ni Marcos ay ang mga magsasaka, manggagawa, informal settlers, at iba pang mga pinagsasamantalahang sektor na walang kakayahang magbayad ng mga sariling pribadong Avogadro sa kanilang mga problemang ligal at umaasa lamang sa libreng PAO lawyers.

“These ‘little guys,’—the lowly farmers, the underpaid and oppressed laborers, the homeless and informal settler families threatened by eviction—are all your clientele,” sabi ni Marcos sa mga dumalo sa PAO-National Capital Region Convention na pinangunahan ni PAO chief Atty. Persida Rueda-Acosta sa Bayview Hotel noong Martes ng gabi.

Ayon dito, kailangang ding labanan ng PAO lawyers ang mga mapang-aping landowners na iligal na kumakamkam sa maliliit na bukirin ng mga magsasaka at iligtas din ang mga pinagsasamantalahang manggagawa.

Pinansin din ni Marcos ang laganap na underpayment ng sahod at iba pang monetary benefits ng mga obrero at ang hindi pagbabayad ng mga negosyante ng SSS (Social Security System), PHilHealth, at Pag-IBIG ng mga manggagawa.

Sinabi ni Marcos na isinasadlak ng mga sakim na negosyante ang mga mangagawa sa “5-5-5” na mas kilala sa tawag na “endo” o ang pagtatanggal sa empleyado matapos ang limang buwan.

Pati umano ang informal settler families ay marahas na tinatanggal sa kanilang bahay bagamat tungkulin ng estado na bigyan ng disente at abot-kayang paninirahan ang mga mahihirap na walang sariling tirahan.

“Protect them from the scourge of unbridled capitalism and urbanization, and uphold their rights under the Constitution and our laws. Kayo po ang pag-asa nila. Ini-aasa po nila ang kanilang buong buhay at kinabukasan sa inyo, mga magigiting na Pampublikong Tagapagtanggol, tulad ng mga akusado na mga walang pambayad ng sariling abogado na siya ring umaasa sa inyo,” ani Marcos.

Idiniin din ni Marcos na dapat bigyan ng forensic science training ang PAO lawyers dahil inamin umano mismo ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ng Amerika ang “gross forensic failure” at 90 percent ng mga ebidensiyang kaugnay nito ay naglalaman ng “erroneous statements” na nagagamit na basehan ng criminal conviction na kung minsan ay death penalty ang parusa.

“It is because of these reported occurrences of flawed utilization and unreliable results of forensic evidence in a highly developed country like the US that, all the more, we have to guard against the possibility of injustice in our own imperfect legal system through indiscriminate introduction of these kinds of evidence in our courts,” Marcos said.

Back to Blog