Sen. Marcos sa mga kandidato: Tama na ang walang kwentang madumi at masasakit na pananalita; mga isyu ang dapat pag-usapan

Read the English version.

Nakiusap si Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa mga kandidato sa eleksyon sa Mayo na ipagpatuloy ang “ceasefire” sa pagbabatuhan ng putik at paninira ng puri na ipinatupad noong nagdaang panahon ng Kapaskuhan.

Sa halip, sinabi nito na dapat tumutok ang mga kandidato sa mga isyu at ilatag sa taumbayan kung paano nila lulutasin ang mga problema ng bansa.

“Now and during the campaign period, we candidates should present to the electorate discourses, speeches, and statements that are issue-based and in a dignified and decent manner,” pahayag ni Marcos na tumatakbo bilang Bise Presidente.

Ang mga mahigpit na magkakalaban sa halalan ngayong taon, lalo na iyung ilang magkakaribal sa mataas na national position na nagkapalitan ng maaanghang na salita ay pansamantalang tumigil sa kanilang patutsadahan sa isa’t-isa noong nakaraang Kapaskuhan dahil panahon umano ito ng pagmamahalan.

“Well, we have done it. I can’t see any reason why it could not be done during the entire campaign period. The people are waiting to hear solutions to the lingering problems of the country and it should be given to them. It would be an insult to their intelligence if this is sidelined by non-sense quarrels,” sabi ni Marcos.

Back to Blog