Sen. Marcos palalawakin ang 4Ps kapag nahalal na Bise Presidente

Itutulak ni Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang pagpapalawak ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sakaling ito ang mahalal na Bise Presidente ng Pilipinas.

Sinabi ni Marcos na ang 4Ps ay isang konkretong intervention na nakatutulong sa mga mahihirap kaya dapat umanong i-enroll ng gobyerno ang mas maraming household sa nasabing programa kasabay ng pagpapatupad ng iba pang istratehiya upang labanan ang kahirapan.

“Aside from expanding the coverage of 4Ps, we can implement ‘cash for work,’ ‘cash for reforestation,’ ‘cash for community service,’ and other projects,” pahayag nito sa isang kalatas.

Sinabi ni Marcos na dapat bigyan ang mga mahihirap na pamilya ng employment packages upang ma-compliment ang 4Ps sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng bagong kakayahan. “Ang 4Ps ay dapat mapalawig sa pagtuturo sa ating mga mahihirap na kababayan ng mga bagong skills sa pagtatrabaho para mapabuti ang kanilang buhay para sa kalaunan ay hindi na sila dumipende dito,” ani Marcos.

Ang 4Ps ay isang human development measure ng pamahalaan na nagbibigay ng conditional cash sa mga pinakamahihirap na pamilya upang maisaayos ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga batang may edad 0 hanggang 18.

Ang Department of Social Welfare and Development ang pangunahing ahensiya na siyang nagpapatupad ng programa.

“The 4Ps program is a package intervention of the government to help the poor. It should reach out to more qualified families. At the same time, more programs should be implemented to help those who languish in extreme poverty,” pahayag nito.

Back to Blog