Sen. Marcos pabor sa pagbalik ng BNPP subalit may mga kondisyon

Read the English version.

Pabor si Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa muling pagbuhay ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP), ngunit mayroong mga kondisyon dapat ito.

Sabi ni Marcos na kung sakaling balik sa operasyon ang BNPP, ito ay dapat sulit sa presyo, makakabawas sa gastos ng kuryente, matibay ang panustos at hindi dapat nakapipinsala sa kalikasan.

Ipinaliwanag ng Senador ang kanyang posisyon tungkol sa nakatenggang power plant nung sinagot niya ang tanong ng isang estudyante sa “Engineering Seminar and Forum” na ginanap ngayong araw (Miyerkules) sa Laguna State Polytechnic University (LSPU) sa Santa Cruz, Laguna kung saan siya ang Guest of Honor at Speaker.

“Kung cost-effective pa, bakit hindi natin balikan at paandarin ang Bataan Nuclear Power Plant at mayroon agad tayong 650 megawatts,” sabi ni Marcos.

Ayon sa Senador, dapat suriin ito nang mabuti ng gobyerno at alamin kung ang muling pagbuhay ng BNPP ay makabubuti sa ekonomiya dahil kung sa teknical na aspeto ito ay maaari pang paandarin.

“Kailangan pag-aralan natin mabuti. Kailangang desisyunan at seryoso ang pamahalaan na tingnan kung talagang maaari pang gamitin ang Bataan Nuclear Power Plant. Kung maaari pang gamitin, gawin na natin,” ani Marcos.

Back to Blog