Sen. Marcos, napiling magbigay ng keynote address sa 5th Philippine Cooperative TEAMshop

Read the English version here.

Si Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang napiling magbigay ng keynote address sa 5th Philippine Cooperative TEAMshop na gaganapin ngayon (Nov. 13, 2015) sa La Carmela de Boracay Hotel and Convention Center sa isla ng Boracay, Aklan na lalahokan ng higit sa 1,200 lider ng mga kooperatiba sa bansa, mga non-government organizations, kinatawan ng mga local government unit, at miyembro ng academe.

Si Marcos, Vice-Chairman ng Senate Committee on Cooperatives o8 ang nagpanukala ng Senate Bill 424 na naglalayong amyendahan ang charter ng Cooperative Development Authority at palakasin ang kilusang kooperatiba sa bansa.

Ang patitipon sa Boracay, na may temang “Celebrating 10K Diamond of Cooperation-Trends and Prospects” ay magbabalik-tanaw sa karanasan ng mga kooperatiba sa bansa at maglalahad ng mga nagawa kaugnay sa 2020 vision para sa mga kooperatiba na ayon sa International Cooperative Alliance.

“Ako ay lubos na nagagalak na makipag-uganayan sa pagtitipon na nagbibigay ng pagkakataon upang magpalitan ng mga best practices at insights sa pagpapatakbo ng mga agro-industrial enterprises ng mga kooperatiba.”

“Dagdag pa rito sabik akong marinig ang mga tatalakayin tungkol sa mga pagsubok na haharapin ng mga kooperatiba kaugnay sa Asean Economic Integratio,”ani ni Marcos.

Back to Blog