Sen. Marcos Nagpasalamat Sa Tulong Ng Ibang Bansa, Pribadong Grupo Sa Mga Biktima Ng Yolanda

Read the English version here.

unnamed-1

Senator Bongbong listens as a resident from the Anibong district in Tacloban shares how difficult life has been and how she and her family are coping since Yolanda.

Nagpasalamat ngayon ng lubos si Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa mga iba’t ibang bansa at mga grupong nagbigay ng tulong para sa mga biktima ng super-typhoon Yolanda na nanalasa sa Visayas dalawang taon na ang nakararaan.

“Hindi ko mapapalampas ang pagkakataon dahil hindi kumpleto ang paggunita natin sa Yolanda kung hindi natin pasasalamatan ng buong puso ang mga tao at grupo na tumulong sa atin, na marami ay nagpadala ng kanilang kinatawan ngayon,” ani Marcos.

Si Marcos, kasama ni Tacloban Mayor Alfred Romualdez, Leyte First District Rep. Ferdinand Martin Romualdez, kinatawan ng ibat-ibang bansa at grupo ay humarap sa media matapos ang unveiling ceremony para sa Yolanda Memorial sa Tacloban Astrodome.

Kabilang sa mga dumalo sa paggunita sa ika-dalawang taong anibersaryo ng Yolanda ay ang mga kinatawan ng United States na sina Col. Brian Bell (US Air Attache and Chief of Attache Operations) at Maj. Michael Rasinski (Assistant Air Attache).

Kasama rin sa mga dumalo sina Mr. Toto Waspodo (Minister Counselor ng Embahada ng Indonesia), Michael Hasper (Hepe ng Mission ng Embahada ng Germany), Gay Maureen Alagan (Senior Program Official ng Embahada ng Australia), at sina Abdulkerim Celik (Deputy Chief of Mission ng Embahada ng Turkey) at Burak Saritarla (Attache ng Turkish International Cooperation and Coordination Agency).

Naroroon din ang mga kinatawan ng mga international aid agencies at mga pribadong organisasyon tulad ng UNICEF(United Nations Children’s Fund), USAID, World Vision, SM Foundation, Inc. at iba pang mga katulad na grupo.

unnamed

Anibong Brgy. 67 Paseo De Legaspi Captain Charlie Tomanda Retuerto shows Senator Bongbong Marcos, Chair of the Senate Committee on Local Government and Public Works the extent of what government had done and not done.

Ayon sa Senador ang pagbuhos ng agarang tulong mula sa ibang bansa at iba pang mga grupo ay malaki ang nagawa para maisalba ang maraming buhay matapos manalasa ang bagyo hindi lamang sa Tacloban kundi sa iba pang mga kalapit na lugar.

“Hindi ko alam kung papano natin masusuklian ang pagtulong na inialay nila sa atin sa panahon ng malagim na kalamidad,” anang Senador.

Back to Blog