Sen. Marcos nagpapasalamat sa huling Pulse Asia Survey

Read the English version.

Nagbigay ng kanyang pasasalamat si Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa resulta ng pinakahuling Pulse Asia survey na nagpapakita ng kanyang pagbulusok sa Pagkabise Presidente sa pamamagitan ng paglaki ng kanyang rating ng 13 porsiyento.

Mula lamang sa 10 porsiyento noong Setyembre, tumaas ang rating ni Marcos sa 23 porsiyento sa pinakahuling survey ng Pulse Asia mula Disyembre 4 to 11 na may 1,800 respondents sa buong Pilipinas na may margin of error of plus or minus two percentage points.

Kahit na nasa pangalawang pwesto, nagawang tapyasan ni Marcos ang puntos ng nangunguna sa anim porsiyento na lamang mula sa 19 puntos.

“Ako po ay malugod na nasasayahan sa pinakahuling survey na nagpapakita ng pagtaas sa aking rating ng 13 porsiyento para sa pagka Bise Presidente. Isang malaking karangalan at pagpapakumbaba kong tinatanggap ang patuloy na pagsuporta ng ating kababayan,” ani Marcos.

Ngunit nagbabala si Marcos na ang mga survey ay isa lamang na magandang palatandaan ng sentimiyento ng ating mga botante sa isang panahon. Sinabi niya na ang pinaka importanteng survey ay ang eleksyon sa May 2016 kung saan ang ating mga kababayan ay pipiliin ang tunay na mananalo.

“Kahit ano man ang resulta, ang survey ng Pulse Asia at iba pang survey firms ay magsisilbing inspirasyon at patnubay na higitan pa ang aking paglilingkod upang makamtan ng bawat Pilipino ang pagbabago na kailangan at nararapat sa kanila. Tayo ang bukas!” ani Marcos.

Sa pinakahuling Pulse Asia survey, nagpakita ng malaking pagsuporta kay Marcos ang Metro Manila (28 porsiyento) at ang kabuuan ng Luzon (26 porsiyento). Si Marcos din ang isa sa unang pinili ng ABC at E class na may parehong 20 porsiyento.

Back to Blog