Sen. Marcos nagmungkahi ng police, DTI desks sa mga mall para protektahan ang shoppers

Read the English version.

Iminungkahi ni Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang paglalagay ng police desks sa mga malls, night markets, supermarkets, at department stores upang pangalagaan ang mga mamimili.

Dapat din umanong maglagay ng complaint corners ang Department of Trade and Industry (DTI) upang mabigyan agad ng tulong ang mga consumer na magkakaproblema sa kanilang mga binili.

“Bad elements make heyday during Christmas victimizing shoppers who, because of excitement, have become careless about their belongings. We need visible and alert policemen inside shopping malls to protect the people from, mostly pickpockets, and other individuals who go to malls not to shop but to do devious intentions like kidnapping,” sabi nito sa isang kalatas.

Sinabi ni Marcos na bukod sa complaint desks, dapat din umanong magpakalat ng mga pulis na nakasibilyan na mag-iikot at lihim na magmamasid at pipigil agad sa sinumang magtatangkang gumawa ng krimen.

Ayon dito, maging ang DTI ay dapat magpadala ng representatives at magtalaga ng DTI corners na matatakbuhan ng mga mamimili upang magsampa ng reklamo hinggil sa presyo at kalidad ng mga produktong ibinebenta.

“We always hear of complaints of overpriced and substandard items. That’s why a DTI desk is necessary so that consumers can easily access government assistance,” sabi nito.

Nauna nang sinabi ni Marcos na dapat magpalabas ang DTI ng suggested retail price (SRP) ng mga pangunahing produkto na karaniwang binibili kaugnay ng Kapaskuhan tulad ng pagkain at kasuotan.

Back to Blog