Sen. Marcos: Maglagay ng PAO lawyers imbes na DOJ prosecutors sa NAIA

Read the English version here.

Kinuwestion ni Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang pagtatalaga ng pamahalaaan ng mga Prosecutors sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil maling reaksyon umano ito sa “tanim-bala” extortion racket na nagaganap sa pangunahing paliparan ng bansa.

Inirekomenda ni Marcos na sa halip ay mga Defense Lawyers mula sa Public Attorney’s Office (PAO) ang ipadala sa NAIA dahil ang mga biktima umano ng scam ang siyang nangangailangan ng libreng Defense Counsels.

“Ang Prosecutor ang tagasampa ng kaso. Sino ang magdedepensa doon sa mga sasampahan ng kaso?… Bakit sila maglalagay ng Prosecutors doon….Para sampahan na naman ng kaso kung sinuman ang nataniman ng bala?” pahayag ni Marcos sa interbyu ng dwIZ noong Sabado.

Nagsimulang magtalaga ang Department of Justice ng mga taga-usig sa NAIA pagpasok pa lang ng buwang makaraang noong madiskubre kamakailan ang modus operandi na pinapatakbo umano ng ilang tiwaling airport personnel, bagama’t naniniwala si Marcos na ito ay nangyayari na noon pa.

“Ang maganda, lagyan natin ng opisina ng PAO o representative ng PAO sa NAIA dahil ang PAO, Public Attorney’s Office, ang dedepensa doon sa mga naakusa na walang pinansyal na kakayanan para magbayad ng abogado,” ayon kay Marcos.

Back to Blog