Sen. Marcos lumakas ang loob sa resulta ng SWS survey; lalong magpupursige

Read the English version.

Nakapagpapalakas ng loob at nagbibigay ng inspirasyon na lalo pang magpursige ang pinakahuling resulta ng pre-election survey ng Social Weather Station, ayon kay Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na kandidato bilang Bise-Presidente sa elrction sa Mayo 2016.

Ayon sa SWS survey na isinagawa noong January 8-10, nasa pangalawang pwesto si Marcos na pinili ng 25% ng mga respondent bilang Bise Pesidente, na mas mataas ng 6% mula sa kanyang nakuhang 19% noong Disyembre at lumalapit na sa nangungunang si Sen. Francis Escudero na may 28% mula sa 30% noong Disyembre.

“Nakakalakas ng loob ang resulta ng survey. Buong puso akong nagpapasalamat sa ating mga kababayan sa kanilang suporta at paniniwala na mayroon akong magandang plataporma na makatutulong para umangat ang kanilang buhay at sa aking kakayan na isagawa ito,” ani Marcos.

Sa kabila ng resulta ng survey sinabi ni Marcos na hindi siya magiging kumpyansa at bagkus ay dodoblehin pa niya ang kanyang pagtatrabaho para maipaalam sa mas maraming mga Pilipino ang kanyang mga plano para maisakatuparan ang pangarap na pagbabago ng ating mga kababayan.

“Enero pa lamang ngayon at ang election ay sa Mayo pa. Sa politika sa Pilipinas marami pang pwedeng mangyari sa loob ng apat na buwan. Kaya naman malayo pa ang ating tatahakin at marami pa tayong dapat gawin,” ayon sa Senador.

Bagamat nagbibigay ang mga ganitong survey ng lawaran na damdamin ng ating mga kababayan sa isang panahon sinabi ni Marcos na dapat tingnan ito sa tamang konteksto at gamitin bilang isa sa mga batayan upang maisagawa ang plano sa kampanya base sa mga aktwal na sitwasyon sa mga lugar sa bansa.

Kagagaling lamang ni Marcos sa Tacloban City noong Huwebes para batiin ang kanyang pinsan na si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez sa kaarawan ng huli.

Pero ginamit na rin ng Senador ang pagkakataon para makipagpulong sa mga barangay official ng siyudad para iulat ang kanyang mga ginagawa para sa kanilang kapakanan, partikular ang pagpasa ng kanyang panukala na magbibigay ng retirement benefits para sa barangay officials at workers.

Maliban dito tumulong din ang Senador sa medical mission ng siyudad at pamimigay ng ayuda sa mga nasunugan noong Bagong Taon. Naging panauhing pandangal din si Marcos sa First Division Conference ng mga Public School Teachers ng Leyte na ginanap sa Leyte National High School.

Back to Blog