Sen. Marcos: Lahat ba ng mga senior citizen ay tumatanggap ng benepisyo mula sa PhilHealth gaya ng itinatakda ng batas?

Read the English version here.

Nanawagan si Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa gobyerno na magsagawa ng malawakang imbentaryo sa mga senior citizens upang malaman kung lahat sila ay nakatatanggap ng benepisyo mula sa PhilHealth na itinatakda ng batas.

Si Marcos, miyembro ng Senate Committee on Health and Demography, ay co-author ng Republic Act 10645, o ang Expanded Senior Citizens Act na naging batas noong Nobyembre 5, 2014 na nagbibigay ng mandatory PhilHealth coverage sa lahat ng senior citizens.

“We would like to find out whether all senior citizens are really receiving their entitlement from PhilHealth. If not, there is a need to initiate the necessary action to ensure that the benefits reach all its intended recipients,” ayon kay Marcos.

Sa rekord ng PhilHealth, noong 2014 ay maabot na sa 5,881,871 ang members at beneficiaries ng ahensya sa ilalim ng RA 10645.

“Ang RA 10645 na amyenda sa RA 9994 ay nagbibigay ng PhilHealth benefits sa lahat na ng senior citizen lalong lalo na para sa mga mahihirap na dati ay walang kakayahang magbayag ng buwanang hulog sa ahensya.”

“Ang pinakauna at orihinal na batas na nagbibigay ng benepisyo sa mga matatanda ay ang RA 7432 na ang sakop ay iyung mga Pilipino na may edad na 60 pataas na binibigyanng priveleyo ng 20 percent discount sa lahat ng establishment na may kaugnayan sa paggamit ng transportasyon, hotel, sinehan, karnabal, at iba pang bilihin o bayarin.”

Back to Blog