Sen. Marcos kumpyansa na paiigtingin ang seguridad sa APEC kasunod ng pag-atake sa Paris

Read the English version here.

Kumpyansa si Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na gagawin ng ating mga awtoridad ang lahat ng karampatang hakbang upang masiguro ang kaligtasan ng mga pinuno ng bansa na dadalo sa Asia Pacific Economic Cooperation summit kasunod ng pag-atake ng terorista sa Paris kung saan mahigit isang daang katao ang napatay.

Ayon kay Marcos bago mangyari ang pag-atake sa Paris sinabi sa kanya ng mga kaibigan nya sa kapulisan na ginagawa na nila lahat ng maaring gawin para masiguro ang kaligtasan ng mga delegado sa APEC.

“Sigurado, pagkatapos ng pangyayari sa Paris, siguradong titingan nila ulit at uulitin nila ang pag-inspeksyon ng lahat ng mga gusaling dadausang ng APEC para sa lubusang paghanda nila. Kailangan talaga nilang alamin ng mabuti kung may threat,” ani Marcos sa isang panayam sa radyo noong Sabado.

“Sa ngayon wala pa naman umanong nababalitaan ang ating mga intelligence agency na anumang seryosong banta sa kaligtasan ng mga delegado sa APEC.”

“Pero dahil sa mahigit sa 20 pinuno ng bansa ang dadalo sa APEC summit marapat lamang umano, ayon sa Senador, na muling busisiin ng mga kapulisan ang kanilang paghahanda para masigurong walang anumang masamang mangyayari sa panahon ng APEC summit na gaganapin dito sa ating bansa.”

“Syempre, sa mga ganyang karami na labis sa dalawampung Heads of State, ganyan karaming mga VIP na nasa isang lugar, kailangan talaga nating bantayan ng mabuti,” giit ni Marcos.

“Ang maganda,” ani Marcos, “hindi lamang ang ating pulis ang magbibigay ng seguridad sa APEC kundi pati na rin ang mga kasamang security forces ng mga pinuno ng bansa ang nakikipag-ugnay sa Philippine National Police at nakikipag-palitan ng impormasyon. “

Back to Blog