Sen Marcos kumilos para sa modernisasyon ng PAGASA, pag-taas ng sweldo ng staff

Kumilos si Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. upang palakasin ang PAGASA (Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration) bilang unang depensa laban sa bagyo at mapigil din ang brain drain sa ahensya.

Ito ay makaraang ihain ni Marcos ang Senate Bill 2097, may pamagat na “The PAGASA Modernization Act of 2014,” para magpatupad ng 3-year modernization plan sa ahensya.

“There is a need to modernize the equipment and facilities of PAGASA, further train its personnel, and increase the base pay and benefits of its officials and personnel to improve the agency’s service and enhance professionalism and patriotism among its employees,” ayon kay Marcos.

Mandato ng PAGASA na magbigay ng proteksyon laban sa atmospheric, astronomical at iba pang mga weather related at natural calamities dulot ng bagyo, baha, landslide, storm surge, extreme climactic event, climate change, at ibang weather phenomenon, at gumamit ng syentipikong kaalaman bilang epektibong paraan para masiguro ang kaligtasan at economic well-being ng mamamayan.

Ngunit napansin ni Marcos na ang mga maling weather forecast dahil sa kulang-kulang, kung hindi man obsolete, na kagamitan, dagdag pa ang kawalan ng kahandaan ng gobyerno at publiko, ang dahilan ng kabiguan ng ahensya na protektahan ang mamamayan laban sa mga weather calamity. Tinatayang 20 hanggang 25 bagyo ang dumadaan sa Pilipinas kada taon.

“These errors committed by the agency are attributed to the inadequate equipment and technical know-how to its personnel to cope up with the changing weather and climate conditions in the country,” sabi ni Marcos.

Sa panukalang batas, ipatutupad ang 3-year modernisasyon plan ng PAGASA upang pag-ibayuhin ang operasyon nito sa pamamagitan ng pagkuha ng state-of-the-art na mga instrumento, kagamitan at pasilidad na may kakayahang magbigay ng timely, accurate at reliable weather, flood at climate monitoring forecasts.

Bahagi ng nasabing plano ang pagtatalaga ng regional weather services, pagpapalago ng public awareness hinggil sa weather systems, bagyo, baha at iba pang kaugnay na impormasyon sa pamamagitan ng mga proyektong pangkaalaman at social media.

Kasama din sa plano ang pgde-develop ng mekanismo para sa integrated disaster management at socioeconomic urban and rural development planning, at technology-based at financially self-sufficient data center bilang central information para sa real time weather update sa publiko.

Kabilang din sa modernization plan ang pagtutukoy ng mas mainam at competitive base pay at ibang pang benepisyo para sa mga kawani upang mai-angat ang propesyunalismo at commitment to service ng mga ito.

“Recently, there have been reports of dissension among, and exodus, of employees of the agency due to low wage and insufficient benefits given to them considering the highly technical nature of their functions and the hazards they face on the job,” ani Marcos.

Back to Blog