Sen. Marcos Isinisi Ang Mataas Na Presyo Ng Mga Bilihin Sa Kapabayaan Ng Gobyerno Sa Agrikultura At ‘Import-Oriented Policy’ Sa Farm Products

Read the English version here.

Binakbakan ni Vice Presidential candidate Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang gobyerno dahil sa “import-oriented policy” nito sa mga produktong agrikultura habang pinababayaan naman ang pag-uunlad ng agrikultura ng bansa.

Sinabi ni Marcos, miyembro ng Senate Committee on Agriculture and Food, na ang pagpapabaya ng gobyerno sa agrikultura na umaasa na lang sa importation ang isa sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

“Sa nakaraang ilang taon, ay walang ginawa para tulungan ang agrikultura at import na lang nang import kaya naman ang mahal ng bilihin sa palengke,” ayon dito.

Hinimok ni Marcos ang gobyerno na ipihit na ang patakaran nito mula sa pag-aangkat ng mga agricultural products patungo sa pagpapatupad ng mga programang mag-aangat sa estado ng agrikultura ng bansa na magreresulta sa mas mataas na antas ng ani at magpapababa ng presyo ng mga farm products.

Sinabi nito na dapat siguruhin din ng pamahalaan na nasa farm-gate price lamang ang mga produkto upang maabot ng mga mamimili.

Isa umanong paraan upang ito ay magawa ay ang sistema kung saan minimal lamang o regulated ang partisipasyon ng middlemen, kung hindi man tuwirang alisin sa kalakalan ng mga produktong agrikultura.

“Kailangang gumawa ng sistema ang gobyerno para ang presyuhan ng bilihan ay farm-gate price. Huwag yung maraming middlemen dahil paakyat nang paakyat ang presyo kapag maraming middlemen,” conclusion ni Marcos.

Back to Blog