Sen. Marcos iginiit ang tambalang gobyerno-pribado sektor

Read the English version.

Isinulong ni Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang tambalang gobyerno-pribadong sektor bilang istratehiya upang palaguin ang ekonomiya ng bansa.

Sa kanyang pakikipagdayalogo sa mga negosyante sa Nueva Ecija noong Lunes, iginiit ni Marcos na ekonomiya pa rin ang dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno dahil ang kahirapan at kagutuman ay mabubura lamang kung masigla ang ekonomiya.

“Ang problema ng ating mga kababayan ngayon ay nakadikit sa sikmura kaya ang dapat natin intindihin ay ang ekonomiya. Palagay ko, walang magagawa ang pamahalaan kung hindi kasama ang ating mga negosyante, professional, bangkero, trader, at lahat ng pribadong sektor,” ayon dito.

Sinabi ni Marcos, kandidatong biose presidente sa eleksiyon sa 2016, na muli’t muling mabibigo ang gobyerno na makamtan ang macro-economic goals nito kuing walang kooperasyon at partisipasyon ang pribadong sektor.

Bilang halimbawa, ipinaliwanag nito na ang mahigpit na pagtutulungan ng gobyerno at sektor ng negosyo ay mag-aangat sa ekonomiya kung saan ang gobyerno ang magsasanay ng mga mangagagwa hinggil sa trabaho na kailangan ng mga industriya, pabrika, shops, at iba pang establishments.

“Lagi kong ipinapaalala sa aking mga kasamahan sa gobyerno na 90 percent ng trabaho ay nasa private sector pero malaki ang gagampanan ng ating pamahalaan para ihanda ang ating mga mangagagwa para makapasok sa private sector,” anito.

Sabi pa niya: “Sa ngayon ay nakakalungkot na makita na imbes na nagsasama at nagkakaroon ng synergy sa trabaho ng pamahalaan at ng private sector ay parang nagdedebate pa, parang naglalaban pa, parang hinihila ang ekonomiya sa maraming ibat-ibang direksiyon.”

Back to Blog