Sen. Marcos iginiit ang pagbigay ng health insurance sa barangay officials, pondohan galing sa ‘sin’ tax

Read the English version.

Hinimok ni Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang pamahalaan na umpisahan nang magbigay ng health insurance sa mga opisyal ng barangay dahil mayroon na umanong pondo na pwedeng gamitin dito.

Sinabi ni Marcos na ang perang kailangan para sa health insurance ay maaari umanong kunin sa malaking “sin” tax collections dahil isa umano sa mga layunin ng Republic Act (RA) No. 10351 o ang Sin Tax Reform Act of 2012 na nagsimulang ipatupad noong Enero 1, 2013 ay matustusan ang universal health program ng pamahalaan.

Ang health insurance ng mga barangay official ay may mandato ng RA No. 7160 o ang Local Government Code of 1991.

“But since the enactment of the Local Government Code, not a single barangay official has been covered by a health insurance. The Philhealth said it has no money. But that was before,” ayon kay Marcos.

Sinabi nito na dahil sa Sin Tax Reform Law nagtaas ng buwis sa alak at sigarilyo na tinaguriang “sin” products kaya may kakayahan nang pinansiyal ang gobyerno para maibigay ang nasabing insurance.

Ayon sa ulat batay sa huling datos ng Bureau of Internal Revenue, sa unang sampung buwan pa lamang ng 2015, ang excise tax na nakolekta mula sa “sin” products ay umabot sa P105.5 bilyon. Sa kahalintulad na panahon noong 2014, ang koleksiyon ay umabot ng P86.5 bilyon.

“The government cannot argue anymore that there is no fund. There is funding and what the government should do is to allocate from the huge “sin” tax take for health insurance. It’s in the law that barangay officials be given this benefit and it should be followed,” ayon kay Marcos.

Back to Blog