Sen. Marcos iginiit ang gov’t- business sector connection para sa imprastraktura

Read the English version here.

unnamed

Above and below Sen. Bongbong Marcos went around the various factories inside the Freeport Area in Mariveles, Bataan formerly known as the Export Processing Zone Authority which was initiated by his late father.

Hinimok ni Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang mga negosyante na umugnay sa pamahalaan bilang mahalagang hakbang lalo na sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga proyektong imprastraktura.

“We (in the government) should have more connections and consultations with you,” sabi ni Marcos sa mga locator ng Freeport Area of Bataan (FAB) sa dayalogo noong Miyerkules sa Oriental Hotel sa loob ng FAB sa Bataan.

Sinabi ni Marcos na ang regular na pag-uusap ng dalawang panig ay maaaring lumutas sa tila di magkaugnay na programang pang imprastraktura ng gobyerno at ng tunay na pangangailangan ng mga industriya at kung saan kailangan ang mga ito.

“What we need is a business-driven, business-related ​infrastructure program and not just a government infrastructure plan,” ayon dito.

Pinuri din ni Marcos ang administrasyon ng FAB sa pamumuno ni Chairman Deogracias Custodio dahil sa pagdami ng mga investor sa Freeport Area na nagbigay ng maraming trabaho.

Sinabi ni Custodio kay Marcos na mayroon na ngayong 26,000 na trabahador sa loob ng freeport na mahigit sa doble ng kabuuang bilang noong 2010.

Back to Blog