Sen. Marcos hiningi ang pagbubuo ng powerhouse council para sa jobs creation

Hinihingi ni Senador Ferdinand “Bongbong R. Marcos, Jr. ang pagbubuo ng isang powerhouse body na tututok sa paglikha ng trabaho para sa mga istambay na manggaawang Pilipino.

Sa Senate Bill No. 1862, ipinanukala ni Marcos ang pagtatatag ng “Inter-Agency Council” na binubuo ng mga “bigatin” sa gobyerno upang mapigil ang bumabagsak na employment rate sa bansa.

“Under this bill, an interagency body known as the ‘Inter-Agency Council for the Creation of Jobs’ is hereby established which is administratively attached to the Office of the President,” sabi ni Marcos.

Ang nasabing council ay magsisilbing overall advisory at coordinating mechanism na gagawa ng policy program directions para sa lahat ng job creation endeavors.

Sa nasabing panukala, ang 15-member na konseho ay bubuuin ng Labor Secretary bilang chairperson at ang mga miyembro nito ay secretaries ng Trade and Industries, Justice, Finance, Agriculture, at Foreign Affairs; administrators ng Overseas Workers Welfare Administration at ng Philippine Overseas Employment Administrations; director general ng National Economic and Development Authority, at presidente ng League of Provinces of the Philippines, League of Cities of the Philippines, at League of Municipalities of the Philippines.

Nakasaad din sa bill na itatalaga ng Pangulo ng bansa ang kinatawan mula sa Philippine Chamber of Commerce and Industry, Employer’s Confederation of the Philippines, at recognized employee’s union.

“Job creation is a multi-faceted endeavor that requires the joint efforts of different agencies to provide effective and holistic employment creation strategies. This will be the answer to the current dismal situation were around 11.2 million Filipinos are unemployed,” ayon kay Marcos, batay June 28-30, 2013 Social Weather Station survey.

Isa sa pangunahing trabaho ng council ay magmungkahi sa ehekutibo at local government units (LGUs) ng mga istratehiya sa paglikha ng trabaho.

Aayudahan din ng konseho ang mga LGU na maglatag ng business opportunities sa kanilang mga lokalidad at i-ugnay ang mga ito sa mga mamumuhunan at tatanggap din ang council ng mga investment complaints na isusumite naman nito sa kinauukulang ahensiya ng pamahalaan upang ma-aksyunan.

Napagalaman ng Department of Labor na ang ekonomiya ng Pilipinas ay nagtala ng modest grown rate na 4.7 percent per annum sa loob ng sampung taon (2001-2010).

Sa naturang 10-year period, naging mabagal naman ang employment rate na lumago lamang ng 2.9 percent at hindi sumabay sa steady growth ng GDP (gross domestic product).

“The real challenge now to the government is how to translate the country’s economic gains into employment opportunities for all,” ani Marcos.

Back to Blog