Sen. Marcos hinimok si PNoy na magdeklara ng state of calamity sa Regions 7, 8

Hinimok ni Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. si Pangulong Aquino na magdeklara ng state of calamity sa sampung probinsya at sampung lungsod na bumubuo sa Region 7 at 8 na napinsala ng husto ng monster typhoon na “Yolanda.”

Ito ay kasabay ng pagdedeklara ng Pangulo ng state of calamity sa Leyte, Samar, Cebu, Iloilo, at Negros Occidental.
Inihain ngayong ni Marcos ang Senate Resolution 349 “Expressing the Sense of the Senate Amidst the Massive Devastation and Insurmountable Loss Wrought by Super typhoon “Yolanda” in Regions 7 and 8, and urging the President to Declare a State of Calamity in these Critically Battered Areas.”

“Regions 7 and 8 suffered immeasurable damage where 90 percent of their areas have been flattened by this monstrous typhoon that left an undetermined extent of destruction to properties, and countless corpses lying along the streets, and the survivors desperately begging for much needed assistance and relief,” saad ni Marcos sa panukalang resolusyon.

Ang Region 7, o Central Visayas, ay binubuo ng mga probinsya ng Bohol, Cebu, Negros Oriental, at Siquijor; at mga lungsod ng Cebu, Lapu-Lapu, at Mandaue.

Ang Region 8, o Eastern Visayas, ay binubuo naman ng mga probinsya ng Biliran, Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, Samar, at Southern Leyte; at mga lungsod ng Ormoc, Baybay, Maasin, Calbayog, Catbalogan, Borongan, at Tacloban.

“Ang deklarasyon ng state of calamity ay kinakailangan upang mabigyan ng easy entry ang mga foreign aid at assistance sa mga nasalantang lugar. Kaya ako ay nananawagan sa Pangulo na magdeklara ng state of calamity sa dalawang napinsalang rehiyon. It’s a welcome development that now the President, ayon sa balita, ay nagdeklara na ng state of calamity sa Leyte, Cebu, Samar, Iloilo, at Negros Occidental. Agad nang makakarating sa mga lugar na napinsala ang mga international aid agencies upang makapagbigay ng tulong,” ayon kay Marcos.

Inihain ni Marcos ang nasabing panukala matapos siyang maglunsad ng malawakang relief operation sa Tacloban City, kabisera ng Leyte, na isa sa matinding sinalanta ng super typhoon kung saan naglaan siya ng Php2-milyong halaga ng relief goods na ipamumudmod sa mga bitkima.

Ipinag-utos nito ang paggamit ng Php.8 milyon mula sa kanyang pondo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang matulungan ang mahigit sa 3,200 na pamilya, dagdag pa dito ang mahigit isang milyong pisong halaga ng goods na donasyon ng private sector sa kanyang tanggapan na inaasahang dodoble sa kabuang bilang ng benificiaries.

Personal na nakikipag-ugnayan si Marcos kay Tacloban City Mayor Alfred Romualdez at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez at ipinadala na niya sa lungsod ang kanyang staff.

Kabilang sa relief items na ipamimigay ni Marcos ay pagkain, tubig na maiinom, gamut, damit, at iba pang pangangailangan.

“Kapag maayos na ang magiging sistema kung paano ipamimigay ang relief goods, ipapadala ko agad ang mga ito sa Tacloban para makarating agad ang tulong sa mga nasalanta,” ayon kay Marcos.

Nagpasamat din si Marcos sa mga agad na nagbigay ng tulong sa mga biktima at sa mga foreign government, humanitarian mission at organization na agad na nagmobilisa ng ayuda.

“Muli, nakita natin ang pagiging maawain ng ating mga kababayan at dapat natin silang pasalamatan. Pero ito ay umpisa pa lang ng ating humanitarian work. Sa mga susunod na araw, linggo, at buwan, makikita natin ang talagang nangyari. Ang trahedyang tumama sa ating mga kababayan ay agad na nagbigkis sa ating lahat para sa isang noble cause. Huwag nating silang iwan hanggang sa muli silang makabangon,” ani Marcos.

Back to Blog