Sen. Marcos hindi iiwan sa ere ang BLBAR kahit tatakbo siya bilang bise presidente

Read the English version here.

unnamed-2

Sen. Bongbong Marcos, Chair of the Senate Committee on Local Government listened intently to the sentiments of a representative of the Sultanates during one of the many BBL hearing conducted at the Senate.

May dahilan para magbunyi ang mga peace advocate dahil hindi hahadlang ang kandidatura para sa pangalawang pangulo ni Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa isinasagawang deliberasyon sa Senado ng kanyang pro-peace bill na Basic Law for the Bangsamoro Autonomous Region (BLBAR).

Pinawi ni Marcos, chairman ng Senate local government committee na siyang nag-sponsor ng Senate Bill 2894, o BLBAR, ang mga pangamba na tuluyan na niyang iiwan sa ere ang BLBAR para tutukan ang kanyang kandidatura sa darating na halalan sa Mayo 2016.

Sa katunayan, ayon dito, ipagpapatuloy niya ang deliberasyon ng panukalang batas sa sandaling matapos ng Senado ang lahat ng trabaho para sa panukalang 2016 national budget.

“Babalikan agad namin ang BLBAR, siguro Nobyembre o bago mag-Pasko pagkatapos na pagkatapos ng budget,” ayon kay Marcos.

Ang pinakahuling pahayag ni Marcos hinggil sa BLBAR ay mistulang malamig na tubig na ibinuhos sa ilang maliit na grupo na tutol sa kanyang panukala at umaasang hindi ito maipasa.

Ang BLBAR, substitute bill ni Marcos sa Bangsamoro Basic Law, o kilala sa tawag na BBL na galing sa Malakanyang, ay nakasalang ngayon sa period of interpellation, pero naka-adjourn ang Kongreso at itutuloy ang sesyon sa Nobyembre 3.

“Hindi ko kalilimutan ang BLBAR. Gagawin ko ang lahat para matapos ito dahil matagal na itong hinihintay ng ating mga kapatid na Muslim at Kristiyano sa Mindanao. Pero, hindi ako magbibigay ng pangako na matatapos namin ang proseso. Let’s hope against hope,” ani Marcos.

Si Marcos ay opisyal nang independent vice presidential candidate matapos maghain ng certificate of candidacy noong Oktubre 13 sa main office ng Commission on Elections sa Intramuros, Manila.

Bago maging senador nang mahalal ito noong 2010, ito ay naglingkod din bilang bise gobernador, gobernador, at kongresista ng Ilocos Norte.

Back to Blog