Sen. Marcos Duda Sa 51 Porsyentong Natapos Na Umano Para Sa Yolanda Rehab

Read the English version here.

unnamed

Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos joined the people of Tacloban City in a commemorative walk at dawn Sunday to mark the second anniversary of super-typhoon Yolanda that devastated the city and nearby areas last November 8, 2013. “Together with my family I join people of Tacloban and other areas devastated by Yolanda not only in keeping alive the memories of the loved ones they lost but also in praying and in doing my part to help them rebuild their lives,” Marcos said.

            Marcos had personally spearheaded his own relief efforts in Tacloban and nearby areas a week after Yolanda struck. The commemorative walk began with the assembly of participants in three points in the city: Magsaysay Boulevard, Sagkahan National High School, and in the vicinity of the Coca-Cola compound near the rotunda. The commemorative walk converged at the Tacloban Astrodome where a holy mass was held. With Senator Marcos is Leyte 1st District Representative, Congressman Ferdinand Martin Romualdez.

Nagpahayag ngayon ng pagdududa si Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa sinasabi ng gobyerno na umano’y umabot na sa 51 porsyento ang nagawa nito para sa mga proyekto upang tulungan ang mga lugar na sinalanta ng super typhoon Yolanda dalawang taon na ang nakararaan.

Masyado umanong “optimistic” ang pagtantya ng gobyerno sa nagawa na nito dahil halos hindi pa nasisimulang ipatupad ang master plan para sa rehabilitation na ihinanda ni dating Sec. Panfilo Lacson.

“Hindi ko alam kung papano nila nasabing 51 percent na ang natapos. Mismong sa ulat ng gobyerno sa pagpapagawa ng permanent housing sabi nila kulang pa sa 10 porsyento ang natapos nila—17,000 mula sa kailangan 250,000, mga 6 na porysento nga lang yun,” ani Marcos.

Nakiisa si Marcos sa commemorative walk na humantong sa Tacloban Astrodome kung saan isang misa ang isagawa at ang inagurasyon ng memorial sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Ang hirap pa nito, ayon sa senador, ayaw mag-ulat ang gobyerno kung hanggang saan na ang nagawa nito para matulungan ang mga biktima ng Yolanda.

“Hindi nila sinasabi kung ano ang kanilang ginagawa, hindi nila sinasabi kung ano na ang natapos, magkano ang nagastos, at magkano pa ang natitira sa mga pondo. Wala silang pakialam at ayaw nilang ibigay ang facts and figures,” pahayag ni Sen Marcos.

unnamed-1

After the mass, Senator Bongbong gives Mayor Alfred a tight hug of comfort and support.

Habang nasa Tacloban gagamitin niya umano ang pagkakataon upang personal na makita kung ano na ang kalagayan ng mga programang para sa mga biktima ng Yolanda.

Nauna dito hiniling ng senador na ilahad na buo ng gobyerno lahat ng detalye ukol sa mga pondo para sa Yolanda, ang mga donasyong natanggap at pati na ang naabot sa mga rehabiitation program para sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Yolanda.

Back to Blog