Sen. Marcos: Dapat mag-apologize si Presidente Aquino kung sa palagay niya siya ay may ginawang mali sa taumbayan

Read the English version here.

Binalikan ni Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos si Presidente Aquino na palaging nagsasabi na dapat mag-apologize ang Senador sa taumbayan.

Sinabi ni Marcos na si Presidente Aquino mismo ay dapat mag-apologize kung sa tapat na pananaw nito ay nakagawa siya ng kamalian bilang Presidente ng Pilipinas.

“Maybe if he feels na talagang tapat siya na mayroon siyang pagkukulang o pagkakamali bilang Pangulo, then he should apologize for those things,” sagot ni Marcos nang siya ay tanungin kung dapat mag-apologize si Presidente Aquino sa programang ‘Executive Session’ sa DZRH.

Subalit idiniin ni Marcos na mas interesado ang taumbayan sa mga usapin na direktang nakakaapekto sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay at sa kanilang kinabukasan, “People are looking for answers why the drug problem in the country is getting so bad. Why are the prices of commodities so high? Why can’t I get a job?”

Sinabi nito na ang kailangan ng mamamayan ay solusyon sa kahirapan, kawalan ng hanapbuhay at iba pang problema.

“These are the questions the people ask. ‘Ano ang mangyayari sa amin?’” anito.

Back to Blog