Sen. Marcos bumisita sa puntod ng isa sa SAF44, muling nanawagan para sa katarungan

Read the English version here.

unnamed

Senator Bongbong Marcos paid his respects to the tomb of PO3 Omar Nacionales, one of the fallen SAF44 at Luna Memorial Park in Luna, La Union. Beside Senator Marcos is  the father of the deceased, Dominador.

Nagbigay pugay ngayon si Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa isa sa mga nasawing miyembro ng Special Action Force sa madugong insidente sa Mamasapano at muling nanawagan para mabigyan ng katarungan ang mga nasawing alagad ng batas.

Kasama si Luna Mayor Victor Marvin Marron, binisita ng senador ang puntod ni PO3 Omar Nacionales sa Luna Memorial Park sa La Union at nakipagkita sa asawa nitong si PO2 Gae Ann Nacionales, amang si Dominador, iba pang miyemro ng pamilya at mga kaibigan nila.

Si PO3 Omar Nacionales ay isinilang sa bayan ng Marcos sa probinsya ng Ilocos Norte kung saan nanilbihan ang senador bilang gobernador sa loob ng tatlong termino.

“Siyam na buwan na ang lumipas simula noong mangyari ang insidente sa Mamasapano noong January 25 pero hanggang ngayon nasa preliminary investigation pa lamang ang kasong kriminal laban sa mga suspek,” ani Marcos.

Kahit may naisampa nang criminal complaint sa may 90 katao, kabilang ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, at ilang indibidwal, mayroon pa ring hindi natukoy na mga nakilahok sa pagpatay sa mga SAF 44 sa Mamasapano, ayon kay Marcos.

“Hanggang kailan pa ba maghihintay ang mga pamilya ng SAF 44 bago nila makamit ang katarungan?” ani Marcos.

Hiniling ng senador sa bagong kalihim ng Department of Justice na si Benjamin Caguioa na siguraduhing walang delay sa imbestigasyon sa mga suspek para maisampa na sa korte ang karampatang kaso kung kailangan.

Bukod dito sinabi rin ni Marcos na hindi dapat tumigil ang National Bureau of Investigation sa kanilang paghahanap ng impormasyon para matukoy ang iba pang mga responsible sa pagpatay sa SAF 44.

“Sa paggunita natin sa ating mga yumao sa panahon ng undas, huwag nating kalimutan ang katapangan at sakripisyo ng SAF 44. Magtulong-tulong tayo at wag tumigil hanggat hindi nila nakakamit ang katarungan,” giit ng senador.

Si Marcos ang chairman ng Senate Committee on Local Government na siyang naatasang bumusisi sa panukalang Bangsamoro Basic Law na magpapatupad sana ng kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng MILF at ng gobyerno.

Matapos makita ng maraming kahinaan ng BBL, nagpasya si Marcos na gumawa ng substitute bill na ngayon ay kilala bilang Basic Law for the Bangsamoro Autonomous Region (BLBAR) na ngayon ay nasa period of interpellation sa Senado.

Back to Blog