Radio interview with Chona Yu and Isa Avendano of Radyo Inquirer

Radio InquirerQ: Magandang umaga po Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., welcome po sa palatuntunang 990 Report dito lamang po sa Radyo Inquirer. Good morning.

A: Good morning. Maganang umaga, magandang umaga sa mga nakikinig. Good morning po.

Q: Sir, bukas po ang simula na period of interpellation sa Senado. Ano po bang mga paghahanda ang ginagawa ninyo ngayon? Ito ba’y magiging smooth sailling kumbaga sa Senado?

A:Siguro naman smooth sailing dahil alam na natin kung ano yung mga subject matter na pag-uusapan at wala naman sigurong kailangan pang gawing paghahanda kung hindi dahil naman detalyado ang aming pagsusuri nung substitute bill kayat kung ano man ang tanong tungkol doon ay siguro maipapaliwanag ko naman kung bakit merong, kung sakali mang m ganong klaseng amendment o me ganung klaseng pagbabago. So ihihahanda lang namin yung material, halimbawa yung mga research material na nagamit namin sa pagsusulat ng substitute bill para maipakita sa lahat ng mga sinong magtatanong na senador kung ano yung mga dahilan kung bakit namin binago yung BBL.

Q: Senator sa ngayon ba meron nang mga attempt from the MILF camp na kausapin kayo regarding po dito sa substitute bill ng BBL dito sa Senado?

A: Meron na silang sinabi na gusto nilang mag-schedule ng isang meeting sa mga senador tungkol nga dito sa substitute bill. E ganyan din ang kanilang ginawa sa House of Representatives. Nung nakaraang linggo yata ay merong isang delegasyon na galing MILF at pumunta sa House of Representatives at kinausap sila at yun na nga yung 28 na provisions na tinanggal na gusto nilang maibalik kaya sa palagay ko meron din siguro kami, magkakaroon din siguro kami ng ganyang klaseng meeting sa Senado. Open naman kami sa lahat ng yan para mapag-usapan. Ako naman kung meron silang provision na sa palagay nila ay dapat ibalik sa original ay maganda ring pagkakataon yun para maipaliwanag ko kung bakit ano sa palagay ko ang mga dahilan kung bakit pinalitan namin. May kumpyansa naman ako na kung maipaliwanag ko ng mabuti, tatanggapin naman siguro nila.

Q: Senator mga kailan po kaya itong meeting na ito. And one question pa po, meron na po bang kumausap sa inyo from Malacanang naman dito sa substitute bill.

A: Yung meeting na yan ay wala pang naka-schedule at ito’y proposal pa lang at hindi pa nga namin nasisimulan ang interpellation. So wala pang definite schedule yun lamang ay may nakita nga ako sa pahayagan, may nakita akong report na ganun ang sinasabi ng MILF. Wala naman akong lumalapit sa akin. Syempre may mga kaibigan tayo sa administrasyon at nagtatanong lamang kung malapit na bang matapos, kung matagal pa. Pero ngayon na na-file ko na at nakita na yung substitute bill ay mula nun ay wala pa namang nagsasabi sa akin ng kahit na ano. In fairness sa lahat–lalo na sa leadership ng Senado–ay never naman akong sinabihan na magmadali, o bilisan yung schedule. Nagmo-monitor lang kung ano na ba ang status, gaano pa katagal bago mai-file. Pero nai-file ko na kayat palagay ko at least satistfied na ang lahat na at least nasa plenaryo na.

Q: Senator ngayon pa lamang sinasasabi na ni MILF chief negotiator Mohaguer Iqbal na hindi lang 80 percent ang binago sa BBL kundi more than 100 percent at ang sinasabi pa nga nya, inihahalintulad nya yung bagong BBL sa isang tao na walang kaluluwa? Pano kaya ito?

A: Nakakalungkot naman na ganyan ang kanyang interpretasyon. Hindi ko alam. First of all paano mo papalitan more than 100 percent, medyo imposible yata gawin yun. Siguro dahil sa palagay nila gusto nilang ibalik ulit dun sa original, ay hindi na maaaring gawin yun. Anyway it’s out of my hand now, wala na, tapos na. Ginawa ko yung substitute bill. I’m sorry na ganyan ang kanilang pananaw dun sa aking ginawa. But ginawa ko lang sa palagay ko ang kailangan kong gawin para maging legal yung substitute bill at pangalawa para yung mga problema na nakita namin sa orginal draft ng BBL ay inayos namin. At ito’y naging bunga, hindi naman lahat ay idea ko o lahat ay nanggaling sa akin kung hindi doon sa mga natutunan namin sa mga pagdinig namin sa Senado.

Ngayon ay may pagkakataon pa na sasabihin: kung gusto ninyong baguhin kausapin ang mga senador, at kung sumang-ayon ang mga senador di pag-usapan natin at kung mapag-agreehan namin na palitan o ibalik sa dati e di yun ang gagawin namin. But again I’m sorry to hear Chairman Iqbal to be so inflexible, at yun tinitingnan lamang nila ay yung original–kailangan ibalik sa ori‌ginal, lahat kailangang ibalik sa original. E papano naman yun kung unconstitutional? At dun nga ako nagulat sa statement nila na sinasabi na it may be constitutional pero wala naman, hindi nila nakuha yung kanilang gusto. E papano naman namin ibibigay sa kanila? Kung hindi legal ay hindi namin maaaring payagan at kailangan naming ayusin para maging legal. So, hindi naman ako surprised na ganyan ang kanyang reaction dahil may mga napalitan nga.But wala na akong magagawa kung hindi gawing legal yung original bill.

Q: So ano ito senator, take it or leave it? Ganun po ba yun?

A: Hindi, not at all. Quite the opposite. Marami pang pagkakataon para pag-usapan, marami pang pagkakataon para palagay ko pagka ako’y magpaliwanag sa kanila para sabihin ganito ang ginawa namin—e di kung nais nila di pag-usapan ulit natin at kung sa palagay ng Senado ay dapat pag-usapan ulit ang ibang probisyon ay mahaba pa ang panahon para gawin iyon. So, hindi take it or leave it. At saka the process now is for the Senate, kagaya ngayon kung saan ang proseso ng House of Represenatives, ay meron pa ring pagkakataon para mapalitan pa–me period of parang fine tuning pa ito. Pero hindi kataka-taka dahil nga yung Palace version na ipinilit sa House of Representatives ay malapit na malapit na dun sa original draft BBL yun pero ayaw pa rin nila, na yung 28 provisions dapat ibalik. Kaya’t sa palagay ko ang pinag-babasehan lang nila ay kailangan basta’s ibalik sa draft BBL. Imposible na yun, hindi maaaring bumalik sa draft BBL.

Q: Senator dun sa House of Representatives po marami na ang nagsabi na pabor sila dun sa sa binuo ninyong substitute bill kumpara sa tinatalakay ngayon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Meron po ba kayong plano to talk with Ad Hoc chairman Rufus Rodriguez, para po magkatugma, ma-reconcile yung substitute bill ninyo saka yung BBL ng House of Representatives?

A: Nag-uusap kami ni Cong. Rufus Rodriguez at napapag-usapan nga namin syempre yung BBL. Wala naman tayong magagawa ngayon at yung proseso nga ay tumatakbo na at ang House of Representatives saka ang Senado ay nasa period of interpellation kaya halos sabay na ang Senado at saka yung House of Representatives sa parliamentary status nung batas. Siguro ang pwedeng magbago lamang, sa House of Representives yung mga kongresista kung meron silang gustong baguhin at kung gusto nilang ibase dito sa substitute bill ay walang problema doon. Pero as of the moment ang pwede lamang magbago sa House version ay ang mga House members, ang pwede lang magbago sa Senate version substitute bill ay mga senador.

Q: Sa Senado po ba, kasi sa House of Representatives hindi pa po tiyak yung numbers na susuporta kapag po nag t‏hird reading approval na. Dyan po ba sa Senado assured po ba kayo na lahat boboto in favor sa substitute bill nyo?

A: Depende kasi hindi pa naman kung ano yung na -file ko hindi pa naman yan yung magiging final version. Kung ano yung pi-nile ko mapapalitan pa yan sa period of amendment.

Q: Pero so far po senator, overwhelming po ba yung support?

A: So far mukhang okey naman. Mukhang marami sa yung mga nakausap kong senador, sinasabi nila na nabasa na nila, meron silang nakikita na tama, maganda yan pero meron pa rin silang mga gustong itanong, meron pa rin silang gustong i-suggest na mga amendment kayat hindi natin masasabi na kahit suportado nila, sang-ayon sila dito sa substitute bill, e magbabago yan e kayat tingnan natin kung ano yung magiging final version. At sa palagay ko naman yung final version kasi maisasama na natin lahat ng mga suggestion, lahat ng amendment, lahat ng mapapag-usapan, lahat ng mga isyu. Di sa palagay ko sa dulo ng prosesong iyon ay parang nasagot na lahat ng pangamba, lahat ng tanong, lahat na ng iniisip na isyu ng ibang senador. Kayat palagay ko by that time, naisama na yung kanilang mga ideas di palagay ko maganda ang pag-asa na papasa.

Q: So senator hahaba kaya yung deliberations given that many of senators who signed your bill intend to pose amendments? And what’s your projection? How soon Senate can be done?

A: Naku napakahirap magsabi. It’s very hard to anticipate kung gaaano katagal yung mga debate. Palagay ko yung period of interpellation palagay ko lahat ng mga senador may mga tanong and in the period of amendments ganun din. Marami rin siguro silang mga sariling–they have their own ideas kung ano yung how to make the bill better. So it’s just impossible to predict. Dahil although napapag-usapan namin with the other senators in general terms, hindi namin napapag-usapan yung detalye pa. So that will come during the floor debates.

Q: So ano to senator, dapat matapos by September para hindi umabot ng October kasi filing na ng certificates of candidacy so otherwise tuloy pa rin yung elections as ARRM sa October?

A: Hindi. Matutuloy—ang ARMM elections ay synchronized din sa national at saka sa local. Ang deadline ay naging October dahil nga sa deadline of the filing. Kailangan nga mag-file yung mga ARMM assemblymen kung hindi pa nabuo ito. But again that is something that can be accommodated. Actually kung mangyari man na mag-file ang mga ARMM assemblymen at nahalal na sila bago naging batas ang basic law sa Bangsamoro ay meron naman mekanismo kaming inilagay doon sa batas para nga magkaroon ng magandang transition. So whatever happens kung matapos by October, kung hindi man ay may paraan, may magandang transition para maging smooth ang pagpalit, pag-abolish doon sa ARMM at pag-establish ng Bangsamoro government.

Q: Opo. So yun po ba senator meron kayong Plan B sakaling hindi tanggapin ng MILF yung bagong version ng BBL?

A: Well, wala na sa amin yun. That’s going to be up to the peace panel, that’s going to be up to the negotiating panel—the MILF and the government. Kami, legislator kami, ang gagawin lang namin, gagawin lang namin yung pinakamagandang batas na kaya naming gawin. If they do not accept it, e nagi-speculate nga kami kung anong mangyayari. But palagay ko, dapat maging detalyado at maging kumpleto ang aming usapan para nga makita kung anong mga dahilan kung bakit namin pinalitan. And I think if we can be given the chance to explain at kung maging flexible ang ating mga kasama sa peace process—wag naman sila yung basta yung original lang, original lang, wala na silang tatanggapin kundi yung original. E kung ganun e wala tayong magagawa. But what will happen after that is really up to the two parties, the Philippine government and the MILF.

Q: Opo. Lipat naman tayo sir sa politika. Kanina po na-interview sa isang programa si Sen. Antonio Trillanes IV, na kasamahan nyo po sa Nacionalista Party. Kayo po ba na miyembero ng Nacionalista Party desidido na rin po ba kayo na tumakbo bilang VP or President? Why not?

A: Wala pa. Ito’y isang napaka-importanteng desisyon at marami pang kailangang tingnan at marami pang kailangang pag-aralan. Sa Nacionalista, yung party position, yung kung ano yung magiging involvement, anong role namin sa darating na halalan siguro end of September pa yan malalaman dahil makikita natin by the end of September kung ano ang galaw ng ibat ibang kandidato, lahat na rin ng mga ibang partido, para makapag-desisyon ng mabuti. Dahil napaka-importante naman ng desisyon na yan, hindi naman basta’t pabigla-bigla pwedeng pumasok. Kailangan natin tingnan ng mabuti kung ano ba ang mga options, sino ba ang magka-alyado, saan ba pupunta ang mga partido? Lahat yan ay kailangan ay at least meron tayong idea. So kahit na medyo marami na nga ang nagtatanong kung anong plano, I have to ask them to be patient para maging tama ang ating desisyon sa napakalaking bagay na yan.

Q: Pero kayo po yung pinakamaugong na posible daw pong maging running mate ni Vice President Jejomar Binay sa 2016. Meron na po ba talagang meeting, personal na pag-uusap sa posibleng tandem ninyo by 2016?

A: Hindi naman natigil ang mga usapan, hindi naman natigil ang mga diskusyon bilang isang kandidato sa lahat ng kandidato at lahat ng mga ibat ibang mga potential na presidentiable, na candidate kahit Vice, kahit sa ibang senador. So lahat ng yan ay hindi natigil dahil napapalapit na nga tayo sa Oktobre sa deadline ng filing ng COC. So syempre e lahat ng yan kailangang ma-decide ng Oktubre. So tuloy-tuloy ang aming pag-uusap, ako bilang individual candidate pati na rin yung Nacionalista Party, ay hindi naman natigil ang aming usapan sa ibang mga partido, ibang mga grupo, para makita nga kung ano yung mas magandang maging role ng Nacionalista sa 2016.

Q: Sir, what if ano ang suportahan ng Nacionalista Party yung presidential bid ni Sec. Mar Roxas? Kayo po ba ganun din po ba, susundin ninyo yung party stand?

A: Isa ako sa kasapi, miyembro ng Nacionalista Party, lahat naman ng mga desisyon na yan ay pag-uusapan. Sa ngayon ay pinag-didiskusyunan ng ahat ng mga party leadership yan. Hindi pa natin alam, wala pa tayong alam na posisyon ng Nacionalista Party. But of course I am a party member at kung ako man ay tatakbo sa isang national position ay syempre kailangan ko ang suporta ng partido ko, ng Nacionalista. Kayat syempre kung ano ang mga i-decide ng Nacionalista Party kasama ako sa mga usapan na yan. I will have to say my piece, kung sang-ayon ako, kung hindi but what the party decides—e syempre tayo’y kasama sa partidong iyan kayat kasama tayo sa magiging stand o magiging positioning ng Nacionalista.

Q: Senator sabi po kasi ni Sen. Trillanes, meron syang sense na yung NP members may not support Mar. May ganito bang usapan within NP?

A: Sa ngayon we are technically in coalition with Liberal Party. Kung walang gagawin we are still in coalition. Pero palagay ko lahat ng mga miyembro me sariling idea yan e. So ang mangyayari dyan ay pagmimitingan namin, first with the executive committee—yun yung leadership ng partido. And then eventually with the rest of the members. Malapit na sigurong mangyari yun. I’m sure many of the members have their own ideas, yung iba nga nagsasabi na. Baka naman pagdating ng panahon ay lilinya lahat sa Nacionalista Party, kung ano man ang desisyon. I’m sure as I said that many of our members have their own ideas. I have not taken a poll kung malaman kung anong gusto ng majority. But that time will come at pagdating ng panahon na yun ay mas magiging maliwanag na. By that time na mas maliwanag na ang sitwasyon sa politika, e mas madali nang magdesisyon, both for the party and the individual candidates.

Q: Senator yun pong inyong mother si Cong. Imelda Marcos, meron po ba siyang say sa political plans nyo for 2016? Meron po ba syang suggestion kung okay na po kayong senador, meron po bang ganun?

A: Ikaw naman, alam nyo naman yung stand ng mother ko. Binibiro ko nga e bata pa ako e stand na nya na dapat akong maging Presidente, dapat magiging presidente daw ako.

Q: Ayaw nyo po bang mag-presidente na lang?

A: That’s my mother’s opinion.

Q: Ayaw nyo pong tuparin? Ngayong 2016 na?

A: Ang desisyon tungkol dyan, sa palagay ko kung ano ang pagdecide kung ano ang gagawin sa 2016, could very well be the most important decision I will ever make in my life. Kaya’t hindi lamang isang bagay ang pinag-uusapan, ang tinitingnan kung hindi ang lahat ng ibat-ibang pwersa, lahat lahat ng mga circumstances, na mga sitwasyon. Of course my mother’s opinion is valuable because she is a very astute politician in that regard. But that is not the only consideration. Of course we take it into account but it’s not the only consideration. As I said marami pang ibat-ibang variables at marami pang kailangang isama sa usapan at pag-analyze dito sa political situation.

Q: Meron po ba kayong kino-consider or kinukuhang sign para ay gusto ko nang maging Presidente, senator?

A: Parang hindi ganun ang takbo ng isip ko. As I said, hindi ganun ang pag-analyze dyan e, na sasabihin o panahon na. Hindi ikaw ang magde-decide kung panahon na e. Pwede mong palitan ng konti ang sitwasyon, syempre me campaign period; pwede mong palakasin ang suporta mo—lahat yan ay maaring gawin. Pero hindi mo sasabihin: ah, this is the year or this is the time. Tapos kahit na walang pag-asa basta sinabi mong this is the year, this is the time, tumakbo ka na. Hindi ganun. Kailangan natin, kung pag-analyze, sasabihin uy maganda ata ang sitwasyon a, baka ngayon na. Yun ang magiging proseso, hindi yung basta gigising ka isang umaga, pagbangon mo sasabihin mo eto na ang magiging kampanya, eto na ang magiging eleksyon kung kailan ako tatakbo kung anuman.

Q: Pero kayo senator naniniwala po ba kayo na mayroon pa ring kumbaga malakas pa rin pag sinabi mong Marcos?

A: Palagay ko marami pa talagang nagsusuporta sa pamilyang Marcos at ako nga ay nagpapasalamat sa kanilang suporta. At hindi naman siguro mababanggit ang pangalan ko kung hindi nakikita na meron talagang suporta, meron talagang grupo na kung sakali man na ako’y tatakbo ay nandyan naman at tutulong sa kandidatura ko. So yes, malakas pa ang kumpyansa ko na marami pa ang susuporta dahil ako’y Marcos. Pero sana naman ay meron din dyan, at kailangan hindi lamang yung mga susuporta dahil ang apelyido ko ay Marcos. Kailangan ko na magkaroon ng suporta sa taong bayan dahil sa kanilang paniniwala sa aking kakayahan. Yun ang pinaka-mahalaga at yun ang pinaka-imporante sa ngayon para malaman nga kung ano yung dapat na maging desisyon.

Q: Ano bang good side saka bad side ng pagiging Marcos?

A: Ako wala akong nakikitang bad side. Sa aking naging experience ay lagi ko nang sinasabi napaka-palad kong tao, napaka-swerte kong tao, na ipinanganak akong anak ng isang Pangulo na maraming nagawa, maraming naitulong, maraming pagbabago ang dinala sa Pilipinas. Tapos yung aking ina na ganun din, na maraming isinerbisyo. Palagay ko wala nang kasing-swerte ko na tao, as far as I know. As I always say, I think I am the luckiest person that I know.

Q: Senator Marcos sa tingin nyo po ba ay handa na ang Pilipinas sa isa pang Marcos presidency?

A: Yan ang ating ina-assess. Exactly, that is the question that needs to be answered. Hindi na nga maliwanag ang political situation sa ngayon. It is already August at wala pa tayong nakikitang maliwanag na tandem, wala pa tayong nakikitang maliwanag na coalition. So, iyan ang mga titingnan natin para ma-assess nga kung ano ba talaga ang political situation.

Q: Baka may gusto pa kayong gustong sabihin sa publiko na hindi natin naitanong. Please go ahead po.

A: Wala naman at gusto lamang natin sabihin sa ating mga kaibigan na ipagpatuloy ninyo ang inyong interes dito sa aming ginagawa sa Senado, sa lehislatura, dahil ito lahat ay mga isyu na kahit na sa inyong pagtingin ay akala ninyo ay hindi kayo involved, ay tingnan po ninyo na mabuti para malaman ang mga isyu. At lahat ng ito na aming ginagawa, kasama na rin dyan yung sa Basic Law for Bangsamoro ay kailangang mapag-usapan ng ating mga kababayan nang makita nila kung papano maaapektuhan sila at to be involved sa discussion, it’s very important.

Q: Maraming salamat po Senator Bongbong Marcos sa inyo pong pagpapaunlak sa aming programa ngayong umaga.

A: Thank you very much. Magandang umaga sa inyo.

Back to Blog