Sen. Bongbong Marcos Says President Aquino has No Word of Honor

QUESTION:  Sir Pres. Aquino rules out state burial for FM, any reaction?

SEN. BONGBONG MARCOS: Mukhang sarsuela lang pala lahat ng ating ginawa. Mahirap kasi kapag ang kausap mo ay walang isang salita at pabago-bago ang sinasabi. Nagtataka ako kung bakit pa tayo pinag-aksayahan ng panahon kung hindi  naman talaga susundin ang mga rekomendasyon, yun study pati ang resolution ng House of Representatives. Lahat naman ‘yun ay mukhang walang kabuluhan sa ating pangulo, sa kanyang pananaw. Katulad ng sinabi ko mahirap makahanap ng solusyon  kapag ang katapat mong kausap ay pabago-bago at walang isang salita.

Noong kampanya, ang ipinangako niya nang siya’y nangangampanya sa northern Luzon ay isang  bagay—sabi nya, pag-upo niya ay pag-aaralan niya ito at nagpagawa pa siya ng study kay Vice President Binay. Pero ang puno’t dulo ay ganun din pala. Ang ang bagsak ay hindi naman pinagbasehan ang lahat ng sinasabi ng iba’t ibang grupo. Balik din pala tayo doon a dati.

It is very hard to deal in good faith with somebody who does not have one word on the subject. Nagulat nga ako, lahat pala ng pag-uusap na ito at pagdedebate ay sursuela lang pala.

Question: So ititigil na ng pamilya Marcos ang pakikipag-usap sa administrasyon?

SEN. BONGBONG MARCOS: Ano pa ang gagawin namin?  Lahat ng gusto namin sabihin ay wala naman saysay, binasura lang lahat ng aming sinasabi. Binasura lang naman ang rekomendasyon ng Vice President. Binasura lang naman ang resolution ng House of Representatives. Hindi ko na alam kung ano ang dapat naming gawin dahil sa aking pananaw ay nakapag-decide na pala siya bago pa ang lahat ng ito. Ang salita nya noong kampanya ay para makakuha lang pala ng ng boto. Hindi pala siya tapat sa kanyang sinabi at hindi siya tapat sa kanyang sinabi nang siya ay maupo. Hindi siya tapat sa kanyang sinabi tungkol sa pag-study niya  na inutusan pa niya si Vice President. Kaya ang salitang napunta sa isip ko kaagad nang mabalitaan ko ang lahat ng ito ay sarsuela lang pala ang lahat ng ito.

Question: Ang sinabi nya sa kanyang speech ay hindi daw siya ready para kalimutan ang lahat ng human right violations?

SEN. BONGBONG MARCOS: That is why for me, he has wasted a very good opportunity to unify the nation. Ang trabaho ng Presidente ay hindi ang makipaglaro sa partisan politics kundi pagkaisahin ang ating bayan. And that is apparently not his tendency, he would like to continue what division we have in our country. Obviously he does not want to heal those division. He wants to widen those division which brings to the conclusion that he is not a natural leader.

Question: Ano ang gagawin nyo ngayon sir?

SEN. BONGBONG MARCOS: What option do we have left? None

Question: The late president will stay in Ilocos?

SEN. BONGBONG MARCOS: He will lay in state in Ilocos. Hindi kami ang nagsasara ng mga  pintuan tungkol sa mga bagay na ito. We have never close the door, we have always been open to discussion, we have been open to negotiations. But unless there are two parties who are open to negotiation, open to discussion then there is no point- it is a futile exercise. And that is what happened now. It turns out, it was  a futile exercise, it was play acting on his part, on the president part.  And I am very disappointed that we can not count on our President to have one word na isang salita we cannot count on our president to exercise and exhibit leadership unifying our country. Inaksaya lang natin lahat ang panahon natin sa sarsuelang ito.

Clearly the thing to do for a leader is to unify our country and to continue this division and to widen those division is not the act of a leader, not the act of a head of state, is not the act of somebody who is trying to bring the country together. It is the act of somebody to promote the divisiveness of partisan politics.

Back to Blog