Sen. Bongbong Marcos Panauhin sa Liga ng mga Barangay National Convention

B1-300x214INAASAHANG hihimukin ni Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr, chairman ng senate committee on local governments ang mahigit 3,000 barangay chairman na aktibong makibahagi sa pag-unlad ng bansa sa nakatakdang National Convention ng Liga ng mga Barangay na gaganapin sa SMX Conventiion Center, Reclamation area, Pasay city ngayon, Setyembre 27, 2012.

Magsisilbing panauhing pandangal si Sen. Marcos, chairman din ng senate committee on urban and settlements, sa kumbensiyon na may temang “Nagkakaisang Liga ng mga Barangay sa Pilipinas, Tumatahak sa Daang Matuwid.

Kinikilala si Sen. Marcos bilang isa sa mga pambansang lider na nakapaglingkod nang mahabang panahon sa pamahalaan kung saan nagsilbi siya bilang pinakabatang bise gobernador ng Ilocos Norte sa panahon ng kanyang kabataan bago naging kongresista, gobernador ,at ngayon ay senador.
Kung mayroon mang may pinakamayamang karanasan bilang local executive, isa na rito si Marcos na may-akda ng panukalang batas sa pagbuo ng Department of Housing and Urban Development at ang bagong batas na Anti-Cybercrime Prevention Act at mga iba pang local bills.

Nagsisilbing national president si Ricojudge Janvier M. Echiverri ng Liga ng mga Barangay na may mahigit na 3,000 miyembro mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Back to Blog