Sen. Bongbong Marcos nakadama ng patikim ng suporta ng Solid North mula sa mga lider ng Ilocos Norte

Read the English version here.

unnamed

Senator Bongbong Marcos joined his mother Ilocos Norte 2ndDistrict Rep. Imelda Romualdez Marcos and sister Governor Imee Marcos as they filed their certificates of candidacy for re-election today.

Ilang araw lamang ang nakalilipas matapos mag-file ng kanyang kandidatura sa pagtakbo bilang Vice President sa 2016 elections nakatanggap ngayon si Senator Bongbong Marcos ng kanyang unang tikim ng suporta ng tinatawag na Solid North, partikular mula sa kanyang probinsya ng Ilocos Norte.

Nasa Laoag City ngayon ang senador para samahan ang kanyang ina, si dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos, at ipakita ang kanyang suporta sa araw ng pagpa-file ni Mrs. Marcos ng kanyang sariling kandidatura sa ikatlong termino bilang representative ng second district ng Ilocos Norte.

Bago ito nakasama ni Sen. Marcos sa tanghalian ang tinatayang may 300 mga lokal na opisyal, lider politikal , kinatawan ng mga non-government organzations at mula sa mga business groups na nagpahayag ng suporta sa kanyang kandidatura sa 2016.

“Maraming salamat sa inyong mainit na suporta. Malaking bagay ito sa akin at lalong nagpapalakas sa aking determinasyon dahil kung hindi ka suportado ng iyong mga kababayan paano mo hihingin ang suporta ng buong bansa?” ani Marcos.

Ayon pa kay Marcos, na nangakong ibalik ang pagkakaisa ng mga Pilipino, ang pinakamagandang tulong na magagawa sa kanya ng mga kababayan sa probinsya ng Ilocos Norte ay ipakita sa buong bansa na tunay silang nagkakaisa sa pagsuporta sa kanyang layunin para sa mas maunlad ng Pilipinas.

“Magagawa ko lamang na hilingin ang suporta ng buong bansa, ang pag-unawa ng buong bansa, kung masasabi ko na nagawa na namin ito sa Ilocos Norte: na tayo ay nagkakaisa, na tayo ay sama-sama, at sa ating pagsasama ay nandoon ang ating lakas. Ito ang dapat nating gawin,” ani Marcos.

Ang kultura ng mga Ilokano na bomoto bilang isang bloc para suportahan ang kandidato na kapwa Ilokano ang nagbunsod sa tawag na “Solid North”. Sa ngayon tinatayang umaabot sa 6 na milyon ang mga botanteng Ilokano sa buong bansa.

Back to Blog