Ilang araw na lamang at darating na ang Santo Papa sa ating bansa

Ilang araw na lamang at darating na ang Santo Papa sa ating bansa. Liban sa Maynila, mararamdaman ng ating mga kabayan sa Leyte ang presensya ng Santo Papa. Ilan pa nga sa kanila ay makakasalo ang Santo Papa sa isang simpleng salu-salo.

Mataas ang respeto ko sa Santo Papa. Walang ere, simple at malapit sa mga mahirap ang ating Santo Papang tubong Argentina. Mapalad ang mga taong makakasalamuha siya.

Apela ko lang sa ating mga kababayang nagnanais masilayan ang Santo Papa sa Maynila, lalo at higit sa kahabaan ng Roxas Boulevard na magpakahinahon. Ipakita natin sa Santo Papa ang kaayusan. Huwag magtulakan. Magbigayan tayo.

Hanggang sa susunod…

This message was published in Bulgar on 12 January 2015. Catch Sen. Bongbong’s column every Monday and Thursday.

Back to Blog