San Juan City Mayor Guia Gomez inindorso ang vice presidential candidacy of Sen. Marcos

Inindorso ngayon ni San Juan City Mayor Guia Gomez ang kadidatura para bise presidente ni Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.

Ginawa ni Gomez ang pag-inderso at pagpapahayag ng buong tiwala na si Marcos ay magiging isang mahusay na bise presidente sa flag-raising ceremony sa harap ng City hall ng lungsod kung saan panauhing pangdangal ang senador.

“Mga kababayan samahan ninyo ako na itaguyod ang kandidatura ng ating susunod na bise presidente na walang iba kundi ang mahal ko, mahal ninyo at mamahalin pa natin at tayo ay talagang hindi titigil hanggat hindi siya mailuklok na bise presidente. Ang ating vice president, Senator Bongbong Marcos… Ngayon pa lang kine-claim na natin he is our vice president,” pahayag ni Gomez.

Buong lugod at pagpapakumbabang tinanggap ni Marcos ang endorsement at nagpahayag siya ng pasasalamat sa tinanggap na malaking suporta mula sa mamamayan ng Lungsod ng San Juan.

Pinuri nito si Gomez at ang pamahalaang lungsod sa pagbibigay ng prayoridad sa edukasyon kasabay ng pagbati sa Polytechnic University of the Philippines-San Juan sa 8th anniversary ng unibersidad.

“Napakalaking priority sa Lungsod ng San Juan ang serbisyo ng edukasyon. Kaya I congratulate PUP and I also congratulate San Juan for having the foresight and for having the understanding and supporting education,” ayon sa kanya.

Ang libreng edukasyon sa State Universities and Colleges ang isa sa mga polisiya na nais ipatupad ni Marcos kung mahahalal siyang bise presidente.

Sa kanyang talumpati, nagbiro si Marcos na ang mga residente ng Lungsod ng San Juan ay hindi dapat bumati sa kanya ng “welcome” kundi “welcome back home” dahil dati na siyang nakatira sa San Juan kasama ang kanyang pamilya noong ang kanyang ama, si dating Presidente Ferdinand Marcos, ay congressman pa lamang.

“204 Ortega St., San Juan, Rizal ang dati naming address. Ginawa na po ni Mayor Erap (Estrada) na 204 Marcos St. For the first few years of my life, I was a citizen and a resident of San Juan and so was the rest of my family. Kaya ‘pag sinabi na ‘let’s go home,’ ang ibig sabihin uuwi na kami ng San Juan…It’s always nice to be home,” aniya.

Back to Blog