Salamat, UST

Read the English version.

Nagpapasalamat si Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa mga Tomasino dahil sa kanyang pagwawagi sa isang survey na isinagawa ng The Varsitarian, ang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas (UST) na ipinaskil sa kanilang webpage noong Disyembre 13, 2015.

Ang survey na kabilang sa populasyon na higit sa 40,000 na mga estudyante ay isinagawa mula Oktubre 26 hanggang Disyembre 10, 2015, na may nilalaman na 1,366 na katugo. Ang nasabing survey ay isinagawa sa bawat departamento at kolehiyo sa unibersidad na lumahok. Tinanong ang mga katugon kung sino ang kanilang iboboto bilang Bise Presidente kung sakaling maganap ang halalan sa araw ng survey.

Si Sen. Marcos ang numero uno sa lahat ng mga kumakandidatong Bise Presidente na naglikom ng 29 porsyento.

Si Sen. Marcos ay nagsusulong ng mga full scholarship grant para sa lahat ng mga estudyante ng mga State Universities and Colleges (SUCs) upang patibayin ang Iskolar ng Bayan Act ng 2015 na nagbibigay lamang ng mga scholarship sa mga nangungunang nagtapos sa lahat ng mga pampublikong paaralan.

Si Sen. Marcos din ang nagpasimuno sa National Youth Commission noong kanyang unang termino sa ika-9 na Kongreso upang himukin ang mga kabataan na lumahok sa ‘Nation Building’.

“Bibigyan ko ng halaga ang pagtitiwalang ito na ipinagkaloob niyo sa akin. Marami pa akong gustong gawin para sa inyong kapakanan at kinabukasan pati na rin sa inyong mga pamilya at sa buong sambayanan,” ani Marcos.

Back to Blog