Saksi Ngayon – MASUSUBOK ANG TIBAY NI LEONEN SA IMPEACHMENT LABAN SA KANYA

By Saksi Ngayon

NGAYON masusubok kung gaano katibay ang dibdib at kung gaano karaming kakamping mga mambabatas itong si Supreme Court Associate Justice Mario Victor F. Leonen.

Noong nakaraang Disyembre 7, 2020 nagtungo sina Atty. Larry Gadon at Edwin Cordovilla, Secretary General ng Filipino League of Advocates for Good Governance (FLAG) para isampa ang impeachment case laban kay Leonen sa House of Representatives.

Inendorso naman ito agad ni Congressman Angelo Marcoa Barba ng probinsiya ng Ilocos Norte.

Sa interview ng PUNA kay Atty. Gadon sinabi niyang dalawa ang kanilang pinagbasehan para masibak sa Korte Suprema si AJ Leonen.

Una, hindi siya nagdeklara ng kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) noong siya ay nasa Unibersidad ng Pilipinas (UP) pa.

Ayon pa kay Atty. Gadon, ang hindi pagbibigay ng SALN ni AJ Leonen ay nagpapatunay na hindi siya tapat bilang isang opisyal ng gobyerno.

Awtomatiko kasi ang isang tao pag pumasok at humawak ng posisyon sa gobyerno ay kailangang magbigay siya ng kanyang SALN.

Dito kasi malalaman ang yaman at pagkakautang niya bago siya pumasok sa gobyerno.

Nang sa gayun madaling makukuwenta ang kanyang kinita habang nasa gobyerno siya.

Pangalawa, nakita ng kampo ni Atty. Gadon at ni Cordovilla ang napakaraming kaso na nasa ilalim ni AJ Leonen ang hindi pa nadedesisyunan.

Kung baga sabi nga ng mga kaibigan nating mahilig bumangka ng kwentong barbero nilulumot na ang mga kaso sa tanggapan ni AJ Leonen.

Tanong tuloy nila, magkano raw… ang ginagastos ng mga may kaso na nabibinbin sa opisina ni Leonen?

Ayon pa kay Atty. Gadon, 82 undecided cases ang dapat resolbahin ni Leonen pero hanggang ngayon ay wala pa ring desisyon ang mga ito.

Tatlumput pito (37) nito ay napakatagal nang walang desisyon.

Sabi ni Atty. Gadon dapat daw ay nadesisyunan na ang mga kaso sa loob lamang ng 24 buwan pero hindi ito ginagawa ng tamad na mahistrado.

Abay!… Bobo!, sabi pa ni Atty. Larry Gadon.

Ngayon baka matulad daw si AJ Leonen kay ­dating Supreme Court Chief Justice Lourdes Sereno na kaya nasibak sa kanyang pwesto ay dahil din sa usapin din ng kanyang SALN.

Sa unang pagdinig kasi ng inihain ni Atty. ­Larry Gadon na ­impeachment laban kay Sereno ay nakita ni Solicitor General Jose Calida na pwedeng sampahan ng ‘quo warranto’ ang chief justice.

Kaya ayun ang bilis ng proseso tulayang napatalsik si Sereno sa Korte Suprema.

Ang ginawa raw ng ­Office of the Solicitor General kay Sereno ay maaari rin gawin kay AJ Leonen, ayon pa kay Atty. Gadon.

Balik po tayo sa impeachment laban kay AJ Leonen. Dito masusubok ang katatagan niya at kung gaano siya ­karaming kakampi sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Si AJ Leonen ay ­appointee pa ni ­dating ­Pangulong Noynoy ­Aquino. Iba na ang panahon ­ngayon marami nang galit sa ika nga mga dilawan.

Sa tibay ng kanilang basehan sabi pa ni Atty. Gadon laban kay AJ Leonen sa SALN pa lang laglag na siya.

Idagdag pa ang nakaparaming kaso na hindi niya naso­solusyunan.

Malamang simula Enero ay umpisa na ang paggisa sa Kongreso laban kay AJ Leonen.

Siguradong kaladkad ang kanyang pangalan.

Abangan na lang natin.

Back to Blog