Saksi Ngayon – Banta sa pagkamit ng katarungan – Marcos LEONEN IGNORANTE SA BATAS

By Saksi Ngayon

NAKATAKDANG maghain si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ng mosyon na humihiling ng pag-inhibit ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen bunsod ng ipinakikita nitong matinding pagkaignorante sa batas, na maaaring maglagay sa alanganin sa kanyang protesta at nakaambang maging banta sa pagkamit ng katarungan.

Ayon sa unimpeachable source, ang desisyon ni Marcos ay bunsod ng pagsang-ayon ng Solicitor General at Commission on Elections (Comelec) sa Presidential Electoral Tribunal (PET) “that it is crystal clear the Tribunal is empowered to declare annulment of elections without special elections”.

Ito ay makaraang sa hindi inaasahang pangyayari, biglang ibinalik ni Leonen ang kaso sa OSG at Comelec para humingi ng impormasyon hinggil sa isyu ng hurisdiksyon ng PET, matapos dinggin ang kaso ni Marcos sa loob ng limang taon.

Nauna rito, sinabi ni Marcos na ang desisyon ni Leonen, ang mahistrado na may hawak ng election protest, ay lalo lamang magpapatagal sa resolusyon ng kanyang kaso na nanganganib nang maging ‘moot and academic’ dahil sa maigsing panahon na lamang na nalalabi sa ‘term of office’ ng pinag-aagawang posisyon.

Dagdag ng source, kumbinsido si Marcos na habang “dilawan” ang may hawak sa kanyang kaso ay hindi siya makatatanggap ng parehas at walang kinikilingang pagtrato dahil na rin sa hayagang pagpapakita ni Leonen ng kanyang pagiging bias at ‘prejudice’ laban sa kanya at sa kanyang buong pamilya.

Si Marcos ay maaaring lumamang ng tinatayang 45,000 boto kung ang resulta ng tatlong lalawigan sa Mindanao ay ipawawalang bisa ng Tribunal bunsod ng iba’t ibang dayaan sa eleksiyon katulad ng massive substituted voting.

Sinabi ni Atty. Vic Rodriguez, abogado at spokesman ni Marcos, isusulong nila ang agarang proklamasyon kay Marcos kapag matagumpay nilang naiprisinta ang kanilang pangatlong hakbang para sa pagpapawalang bisa sa resulta ng 2016 election para sa bise presidente sa mga erya ng Lanao del Sur, Basilan at Maguindanao.

“The audacious display of (Leonen) ignorance, real or feigned, betrayed much of his unfitness to be part of an all elite Court traditionally reserved for the most erudite members of the legal profession” dagdag ni Rodriguez. (SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

Back to Blog