Saksi Ngayon – Annulment of votes sa Mindanao, tuloy na – OSG, Comelec PROTESTA NI MARCOS BIBILIS NA

By Saksi Ngayon

NELSON S. BADILLA

KUMBINSIDO si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos II na bibilis at matatapos na ang kanyang protestang elektoral laban sa kuwestyonableng panalo ni Bise Presidente Maria Leonor “Leni” Robredo noong halalang 2016 nang walang pagdududang matukoy na ang solo at eksklusibong papel at kapangyarihan ng Korte Suprema bilang Presidential Electoral Tribunal (PET) sa kanyang kaso.

Ito ay matapos sabihan ng Commission on Elections (Comelec) at ng Office of the Solicitor General (OSG) si Associate Justice Marvic Leonen na ipawalang bisa ang mga boto sa Lanao del Sur, Basilan at Maguindanao na ginarantiya ng Konstitusyong 1987 at maging ng sariling alituntunin ng PET hinggil sa protestang elektoral sa eleksyon sa pagkapresidente at pagkabise-presidente ng bansa.

Inihain ni Marcos ang kanyang protesta sa Korte Suprema noong Hunyo 2016, higit isang buwan matapos ang halalan.

Sabi ng abogado ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez na “no more excuse for Leonen to evade a clear judicial function provided for by the Constitution, which as a sole judge “to hear all cases involving the election, returns and qualifications of the President and the Vice – President” (Artikulo 7, Seksiyon 4 ng Konstitusyong 1987).

Sa Ika-37 talata ng kanyang komentaryo, idiniin ng Comelec na “it is crystal clear that PET is empowered by the Constitution to declare annulment of elections without special election”.

Nilinaw ng OSG na ang espesyal na halalan ay wala sa kapangyarihan at teritoryo ng PET dahil saklaw ito ng Comelec.

Dahil sa napakalinaw na posisyong legal na mga ito, inihayag ni Rodriguez na nagpakawala si Leonen ng mga taktikang magpapabagal sa protesta ni Marcos, sa pamamagitan ng pag-uutos sa OSG at Comelec na magbigay sila ng kani-kanilang pananaw hinggil sa papel ng PET sa kaso ni Marcos na sumasaklaw hanggang sa garapalang dayaan ng eleksyon sa tatlong lalawigan ng Mindanao.

Iwinasiwas din ng tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Rodriguez na “nabaklas na ang delaying tactics ni Leonen with the positions of both OSG and the Comelec that PET has jurisdiction to hear Marcos 3rd cause of action which is the annulment of election results in Lanao del Sur, Basilan at Mindanao”.

Ang obserbasyon ni Rodriguez ay kayang ikumpirma sa teritoryo mismo ng Korte Suprema.

Una, makikita sa posisyon ng OSG na nagpaalala kay Leonen na mayroong sariling alituntunin ang PET hinggil sa mga reklamong dayaan sa halalan sa pagkapangulo at pagkapangalawang pangulo.

Binalangkas at inaprubahan ito ng lahat ng kasapi ng PET noong 2010.

Isa sa mga idiniin ng PET ay ang solo nitong kapangyarihan sa reklamo ng pandaraya sa eleksyon sa dalawang pinakamataas na posisyon sa pamahalaan.

Ikalawa ay ang ginawang pagpapaalala ng OSG kay Justice Leonen na mismong siya ay alam na alam ang eksklusibo at solong papel at kapangyarihan ng PET bilang “judge” sa reklamo ng pandaraya sa halalan ng pagkapangulo at pagka-pangalawang pangulo ng bansa.

“Justice Marvic M.V.F. Leonen, in his Separate Opinion in Rivera v. Comelec, upheld the exclusive nature of the PET’s jurisdiction over election contests involving the President and Vice President…” birada ng OSG.

Samantala, nilinaw ni Rodriguez na bagaman nakalasap ng ‘preskong hangin’ si Marcos tungo sa higit na mabilis na paglalabas ng resolusyon sa kanyang higit 4-taong kaso sa PET laban kay Robredo, maaari lamang maisakatuparan ang paniniwala ng kanyang kliyente kung bibitawan ni Justice Leonen ang pagiging ponente ng kaso.

“If there is still a miniscule of respect for the Supreme Court left in him, Justice Leonen must now inhibit and rescue from handling this case to spare the entire court and his colleagues from further embarrassment,” inulit na pahayag ni Rodriguez.

Napakalinaw ng paliwanag ni Rodriguez, “the matter of failure of elections is irrelevant for us because we never sought for that relief because we understand the law and jurisprudence. What we have been asking is for the annulment of elections which is purely a judicial function”.

“With the comment of both Comelec and the OSG, it has defanged the justice in charge of any more delaying tricks on his hat. We can now look forward to the PET’s immediate action on the Annulment of Elections which would give Sen. Bongbong Marcos a lead of more or less 45,000 votes over Mrs. Robredo,” patuloy ng abogado ni Marcos.

Ang senaryong ito “[will] move closer to [Marcos] proclamation, [Marcos was the] real, lawful and genuine winner for the vice president”, banggit ni Rodriguez.

Idinagdag pa ni Rodriguez ang isa pang napakahalagang usapin sa kaso ni Marcos na “The issue of jurisdiction on our annulment of election as our 3rd cause of action is crystal clear, PET is the sole judge. Both the Comelec and the OSG having spoken, Justice Leonen should be reminded of Section 1, Article 8 of our Constitution which states: “The duty of the court to settle actual controversies involving rights which are legally demandable and enforceable.” Enough of his delay; enough of his judicial evasion”.

Back to Blog