Rise Up, Philippines: Speech at Rizal Technological University, Mandaluyong

Maraming Salamat sa inyong pagpapakilala at sa promotion na ibinigay sa akin agad. Wala pang halalan, napromote na ako dito sa RTU. Maraming Salamat. Ang aking butihing namumuno ng lungsod ng Mandaluyong, Mayor Benhur Abalos. Kasama niya ang – mabibigyan nanaman ng lahat… lahat ngayon may promotion na so babatiin ko na – Mrs. Mayor Menchie Abalos, ang ating University President Dr. Jesus Rodrigo F. Torres na pinaalala sa atin kung ano yung mga pangyayari kaya’t nabuo noong panahon na iyon RTC at natuloy ang pagtakbo ng RTC hanggang ngayon na naging Rizal Technological University na. Ang payo ko lang kay President Torres, mahahalata tayo pagka-nagkukwento ka tungkol sa hinahanap mong mga typewriter. Mabibisto tayo sa ating mga tunay na edad. Kaya naman yung kanyang binabanggit, ang aking ate, si Aimee, yung kanyang “Boss Imee,” ay Gov. Imee na ngayon sa Ilocos Norte. Kaya naman ang biro niya sa mga kasamahan niya sa KB na ang kahulugan daw ng KB ngayon dati, “Kabataang Baranggay”, ngayon ang kahulugan daw ng KB ay “Katandaang Baranggay” na. Kaya’t wag niyo ng binabanggit yung mga typewriter hindi na naiintindihan ng mga bata yan, kung ano yung typewriter!

Dr. Salvacion Pachejo, the Vice President of Academic Affairs. Vice President for Student Services, Dr. Elmer Martin. Ang ating mga dean, mga director, faculty, the administrative staff, at itong malalakas ang boses ng isang grupo na andito sa harap, ang mga kababaihan, the ladies of Mayor Abalos, to the non-teaching staff and other personnel and employees of the university, the students of RTU Mandaluyong Campus in attendance this morning, esteemed guests and friends, magandang umaga sa inyong lahat! Maraming maraming salamat sa napaka init na salubong na ibinigay ninyo sa akin sa aking pagdating dito sa RTU. Nagpapasalamat din ako na lalong-lalo na sa kabutihang loob ng pangulo ng RTU na si Dr. Jose Jesus Rodrigo Torres, dahil ito ang ikalawang beses na ako ay nakapunta at bumisita at makipagbahagi ng aking kuro-kuro sa mga mag-aaral ng RTU. Noong nakalipas na dalawang linggo, bumisita naman ako sa Pasig campus ng RTU.

Of course, I am equally honored to visit and address this morning the students from RTU on this side of Metro Manila, and on the other side of EDSA, especially on the theme of national development and progress.
Speaking of Metro Manila and EDSA, ano pa ang pinaka magandang pag-uusapan ngayon kundi ang katakot-takot na problema at perwisyo na hinaharap at dinadanas ng ating mga tiga Metro Manila. Lahat naman tayo, palagay ko di ko na kailngang ipaliwanag, lahat pare-pareho tayo, na alam ang pinaka malaking problema na ramdam na ramdam, araw-araw: ang buhol-buhol na trapik na nagdudulot ng pagbara ng mga lansangan. Samahan pa natin ng matinding pagbaha na dulot ng pagbabara ng ating mga drainage at estero dahil sa mga tone-toneladang basura. At meron pang isang klase ng pagbabara. Ito na ang pagbabara ng ating mga ilong at ating mga baga dahil ang kapal kapal na ng polusyon ngayon sa Metro Manila. Lahat ng ito ay sinasabing epekto daw na tinatawag na “urban congestion” o pagsisikip na dulot ng mga malawakang urbanisasyon sa Metro Manila.
This week, Metro Manila marks the sixth anniversary of Ondoy. Kung maaalala ninyo, napaka tindi ng naging karanasan natin sa Ondoy na nagdulot ng trahedya dito sa Metro Manila. At tulad ng inyong mga brod at sis sa RTU Pasig, walang ligtas ang Mandaluyong sa sakuna. Umabot pa nga sa hanggang tao ang lalim ng baha, sa ilang bahagi ng Shaw Boulevard, Boni, at Kalentong Avenue. But now let us ask: Mula noong 2009, how much has our flood control and drainage systems and other related infrastructure been improved?
Based on the experience in the past few weeks, mukhang hindi masyadong nagbago ang sitwasyon sa pagbaha, hindi masyadong nalagyan ng pagbabago ang infrastruktura para maiwasan ang pagkabaha dito sa Metro Manila. Ngayon, maulan lang ng kaonti, wala pang isang oras na umulan, ay nakikita niyo, nagbabara na, nagsasara na ang ating mga kalsada. Paikot ikot at paulit ulit na lang. Sabi nga ng isang sikat na teleserye, “Walang Forever”. Pero, gusto ko sana maniwala na walang forever pero hindi yata totoo. Ang linya na ito, ay parang may forever. Forever na may baha. Forever na may traffic. Baha pa more. Traffic pa more. Naku! Halatang-halata nanunuod talaga kayong lahat.
Sagot ng MMDA, “Sobra naman kayo. Hindi naman siguro forever. Fifteen years lang.” Ilang araw, linggo, o buwan man, o labing limang taon, ganoon parin ang resulta. Katumbas parin nito ang habambuhay na paghihirap ng ating mga mamamayan. Walang sinasanto ang baha at trapik sa Metro Manila. Mahirap at mayaman. Estudyante, empleyado, businessman, pulitiko, walang ligtas dito. Nakatira ka nga sa mataas na gusali o condo, pero ang problema, papano ka makakarating doon? Di ka naman puwede lumipad, ayaw mo naman lumangoy. At iba nga ngayon gumagamit na ng private helicopter para makaiwas ng mga problema na halos araw-araw na dinadanas at binu-buno ng isang residente ng Metro Manila. Pero ilan sainyo ang may private na Helicopter? Siguro, kakaunti lang sa buong Pilipinas, kaya hindi ito ang solusyon sa problema natin.
Kaya ngayon, nabigyan ng sariling pangalan etong ating dinadanas dito sa Metro Manila. Nabigyan na ito ng mga netizen ng kanyang sariling terminolohiyo. Ang tawag ngayon diyan ay “car-mageddon”. O diba galing? Kumpara, end of the world, katapusan ng mundo, rock and roll to the world!

Pero siyempre, tayo rin, ang buong bayan ang kawawa. Ayon sa mga pag-aaral, mahigit sa dalawang bilyong piso kada araw ang nawawala at nasasayang dahil sa matinding trapik sa Metro Manila. Kada araw, two point four billion pesos. Ano ang dahilan ng lahat ng ito? Kumbaga, sa ulam napakaraming mga rekado. Mahigit na dalawampung milyon na katao, dalawampu’t dalawa at kalahating milyong sasakyan, kulang, makikitid at sira-sirang mga daan, at yung climate change. At mas malakas na buhos ng ulan. Hindi magandang drainage, tone-toneladong basura, at higit sa lahat, kung minsan kailngan din nating amining, kulang ang disiplina sa pag gamit ng ating mga lansangan.

At hindi lamang iyan. Meron pang isa na tila forever din. Forever na pila sa MRT. Isa sa mga sinasabing sagot sa malalang trapik sa Kamaynilaan ang pagkakaroon ng sapat, maayos, at mapagkatiwalaang mass transit system. Tulad ng ating MRT or kagaya ng LRT. Mayroon nga tayong MRT at LRT. Tatlong linya pa nga. Pero kung ito man ay sapat, maayos at mapagkatiwalaan, ay ibang usapan. Tulad na lamang ng MRT sa kahabaan ng edsa. Naku, puro problema. Kung hindi na madalas na masiraan, ay nadidiskaril. At nahuhulog sa daan. Kung hindi sira aircon, sira ang riles. Kulang ang mga tren. Matagal ang agwat sa pagdating ng mga tren. Pilit pang pinupuno ng sobra-sobra hanggang sa hindi na magkasya at makasakay ang mga balisang pasahero na nag-aantay ng mga sumusunod na istasyon. Halimbawa, kapag rush hour sa MRT North EDSA station, ano na ang nag aabang sayo? Isang halimaw na pila na dalawang dipa ang lapad, at hanggang sa daan ang haba. Tulakan pa more! Balyahan pa more! Kawawa naman mga bata, mga buntis, mga may kapansanan, mga senior citizen, wala naman senior citizen dito noh? Puro bata lang nakikita ko e.

Gusto mo mang umiwas sa trapik sa daan, pero trapik naman sa pila ng tren ang magiging katapat mo. Siguro kung may “car-mageddon”, ay palagay ko’y panahon na na magimbento narin ang mga netizens, ng pangalan para sa katakot-takot na pila na dinadanas natin sa MRT. Ngayon, parang mas mahaba na yata ang pila sa MRT kesa orihinal na LRT sa monumento. Anong nangyari dito? Noong 1999, binuksan ito. 16 years old palang. Halos kaedad lang ng ladies of Mayor Abalos. Ngunit yung LRT ay 1984 binuksan. 31 years ago. Pero parang baliktad yata. Sana ayusin na itong MRT sa lalong madaling panahon. At panatilling palaging maayos ang LRT 1 and LRT 2. Tatlo lamang ang linya natin. Pag ikumpara ninyo sa ating mga kasama sa ASEAN, sa Singapore, halimbawa, ay walo ang linya nila. Sa Hong Kong na kaliit-liit kung ikukumpara natin sa Metro Manila, sampo ang linya nila. Pero ang pinagmamalaki ko, sinasabi ko sa mga kaibigan kong tiga Hong Kong, taga Singapore, pagka binibiro ko tungkol sa MRT dito sa atin, kako yung MRT ninyo, yung pinagmamalaki ninyo, hindi kasing ganda nung MRT namin. Bakit daw, sabi nila. Eh kako yung MRT namin kaya lumipad. Lumilipad samin, naglalanding doon sa may EDSA. O wala kayong ganyan. Iyon na lang ang kaya kong sagutin, nakakahiya na sa nangyayari.

Kahit walang trapik, kahit mabilis man ang biyahe, kung ikaw naman ay ma-ho-holdap sa daan o sa jeep o sa bus, o kaya sa kotse mo ay maka-carnap, wala rin! Pati ang cellphone mo, tablet o laptop, na pinaghirapan mo o ng magulang mo na mabili, pati ang pinaghirapang allowance mula sa magulang o ang suweldo ay matatangay ng ganun-ganun na lang sa masasamang-loob! Problema pa rin! Sadyang napakahirap talaga ng buhay ng Pilipino, lalong lalo na ng mga taga-Metro Manila! Nakakatakot isipin na ayon sa ulat ng atin mismong Kapulisan, umakyat ang bilang ng krimen sa bansa nang 46% nitong taong 2015. 46%! Halos kalahati ang itinaas ng bilang ng krimen!

Sadyang dumami lang ba ang mga kriminal at masasamang loob sa ating bansa? O nabawasan ba ang bilang o kasipagan ng ating kapulisan? Ano kaya ang nangyari? Ano ang ginagawa ng ating DILG at PNP tungkol dito? Sobrang nakakabahala ng balita na ito. Ako mismo ay sobrang nangangatog sa bahala at sa takot sa ating mga kapwa Pilipino. Buti na lang dito sa Mandaluyong, dahil daw sa pagbabawal ng “riding-in-tandem” ng motorsiklo, nabawasan di-umano ang bilang ng krimen. Naging matagumpay daw ang eksperimentong ito, kung kaya naman ito ay patuloy daw na ipapatupad sa susunod na tatlong taon pa.

At ano naman ang magiging solusyon dito sa ating mga hinaharap nating problema? Gumawa tayo ng bagong daan? Mainam din naman siguro ito, pero hanggang sa lumipas na panahon ay mapupuno rin yan. Mas marami pa at mas maayos na mga tren? Siyempre! Malaki ang maitutulong nito. Pero, kumbaga sa baterya ng kotse, hindi ito ang mga “tested na pangmatagalan” and “kum-binsing” na mga solusyon.

Ang sinasabi ng ating mga dalubhasa, the experts say that the most effective major and long-term solution that is being proposed to address this gigantic traffic and urban congestion in Metro Manila is to develop the areas around Metro Manila. For example: Cavite, Batangas to the South; Bulacan, Pampanga, Olongapo and Tarlac to the North; and Rizal to the East. The focus should no longer be developing what used to be called the National Capital Region, now we should shift our focus to developing what is called the “GCR” or the “Greater Capital Region”.

Ito ang tinaguriang “DREAM PLAN” para sa Metro Manila. Kung mangyayari ito, hindi na kailangan pang lumuwas at makipagsiksikan sa Maynila para maghanap ng magandang trabaho, dahil maganda ang ekonomiya at maganda ang buhay sa probinsya! Major infrastructural developments are being laid down in order to pave the way for the development of this “GCR”, consistent with the so-called “Dream Plan”. Pero tulad ng sikat na awitin, nagtatanong tayong lahat: “Pangarap ka na lang ba? O magiging katotohanan pa?” Sana naman sa lalong madaling panahon, magkatotoo ang lahat ng ito para makinabang na ang ating mga nakararami na naghihirap na mga kababayan!

Dumako naman tayo, lalong lalo na sa mga estudyante, sa mga kabataan. Ito ay palagay ko ay alam na ninyo at di ko na kailngang ibida sa inyo. Ngunit, pag usapan naman natin ang konting pagka “high-tech”. According to a study, Filipinos love using the internet and social media. We love it so much that the Philippines has been called the “Social media capital of the world”! Totoo nga naman. 42% of Filipinos are active on Facebook. 44% or 44 million na aktibong gumagamit ng internet. At sobrang babad din daw ‘to sa pag gamit, dahil tatlo hanggang anim na oras ang inilalaan natin dito—BAWAT ARAW!

Halimbawa sa “Yaya-Dub” na lang noong Sabado, halos 26 million daw ang bilang ng mga tweet! Kung gagawing boto ‘yun, kayang-kayang makapagpapanalo ng eleksyon! Kahit na president, kahit na anong klase, 26 million! Sa 26 million tapos na ang halalan.

And this Filipino’s fondness for the internet and social media has its recognized practical benefits. Hindi lang naman ito laruan. Maganda rin naman ang dinudulot nito na serbisyo. Sabi ng mga pag-aaral, hindi lang naman pakikipag-sosyalan at aliw ang silbi ng internet dito sa Pilipinas. Alam na rin ng mga Pinoy na puwedeng gamitin ang internet para sila ay lalong matuto at gumaling sa kanilang mga buhay, at higit sa lahat, para maghanap buhay. Hindi lang “tsismis” at kalokohan ang kumakalat dito, kundi mga mahahalagang balita at impormasyon, pati na rin mga patok na mga business ideas at employment opportunities!

Marami tayong naririnig na mga success stories ,online businesses, mga buy-and-sell- olx.ph, “ikawna”, mismong Facebook, at iba pa. Ito ang katotohanan ngayon: ang komersya, ang hanap-buhay, ang negosyo, na ginagawa sa internet ay lumagpas na – mas maraming pinagbibiling gamit, mas maraming nagagawang, mga deal na dinadaan sa internet – kesa sa nangyari nung nakaraan, ay harap-harapan naguusap. Kaya’t ibig sabihin napaka laki ang importansya ng internet. Hindi lamang sa pagsosyalan, kung hindi sa hanap buhay ng ating mga kababayan dito sa Pilipinas at sa global market place. Dahil, dahil sa internet, kahit saan ka man, ay nakakausap mo ang kailngan mong makausap kahit saan man sila. Ibig sabihin mahalaga sa buhay ng isang Pilipino ang internet. Sa katunayan isa na itong pangangailangan. Hindi na ito tinatawag na laruan, hindi na tinatawag na luxury, kung hindi necessity na.

Dahil sa kahalagahan ng internet sa buhay ng Pinoy, dala ng mga mahahalagang silbi nito, may panukala ngayon sa Senado na magbigay ng libreng Wi-Fi signal sa mga pampublikong lugar sa buong Pilipinas. Tatlong bilyong piso (P3 billion) ang nais na ilaang pondo para sa proyektong ito.

Siyempre, wala tayo masabi, maganda siguro yan. Pero ang akin lang, parang may kulang yata sa plano. Kailangan natin ng free Wi-Fi signal. Pero ano ang kagandahan ng libreng Wi-Fi signal kung sobrang bagal naman nito? Pagdating sa internet connection, ang Pilipinas ay ikalawa sa Asya, at pang-pito naman sa buong mundo! Ang galing, nakakahiya! Ang problema, ito ay hindi sa pabilisan ng internet, kundi sa pabagalan! Tayo ay number 2 sa internet na pinaka mabagal sa buong mundo! Alam niyo ba kung sino yung number 1 na pinaka mabagal sa buong mundo, na nauuna sa ating mas mabagal ang internet? Hulaan ninyo anong bansa ang mas mabagal sa Pilipinas. Afghanistan! May gera dun! Kaya naman maiintindihan mo kung bakit mabagal ang internet. Hindi sila makapagpatayo ng mga fiber optic, ng mga kable. Hindi naman po siguro gera dito, bakit tayo naiiwan iwanan? Ito ang dapat bigyang pansin ng ating pamahalaan. Ito ay kagaya ng ating nabanggit, ay kailngan ng mamayan para sa kanilang kabuhayan.

Kung gusto nating palakasin ang ekonomiya ng bansa at ng mga karatig na bayan ng Maynila, kailangang maganda at mabilis ang ating internet connection, para maka-akit ng mga negosyo at investments! Government has to ensure that the present duopoly of Smart and Globe genuinely and ethically work together to bring better and faster communications and internet service and more competitive prices. Isa pang problema, hindi lamang sa internet, kundi sa ating telepono. Sa ating mga ellphone. Ang ating cellphone system, kung titignan niyo, kung ikukumpara ninyo, sa ibang cellphone system sa ibang lugar, ay maliwanag na maliwanag na ito na ay isa sa pinaka mahal nanaman sa buong mundo. Dahil ang daming hidden charges na pinababayaran ng NTC. Halimbawa, kapag ikaw ay nag load. At sasabihin, mag eexpire yung load mo pag natapos yung buwan. Pagka nasa Malaysia ka, may batas. Kung may natitira ka pang load, kahit na supposed to be expired na iyon, magagamit mo pa din yun. I-cacarry over yun, sa susunod na buwan. Dito sa Pilipinas, pag nag-expire, anong mangyayari? Wala na. Kukunin na sayo kung ano yung natira. Dalawampung piso, makukuha na iyon. Sa dala-dalawampung piso sa bawat gumagamit ng cellphone, bilyon bilyon ang kinokolekta ng ating mga telecommunications corporation. Kailangan nating baguhin yan. Kailngan may sympatiya naman an gating mga telco sa ating mga gumagamit ng cellphone na isa parin, na hindi na laruan, hindi na luxury, kundi maliwanag na maliwanag ay ito ay necessity na.
Kanina binanggit ko na mahalaga ang DISIPLINA sa ating lipunan. Kapag may libre at malakas na internet connection, dapat nating gamitin sa magandang paraan, at hindi naman abusuhin at magpunta lamang sa hindi mga kaaya-ayang websites o para makapag-“Clash of Clans” na 24-hours-a-day, 7-days-a-week!
Kaya naman, ito ang mga problemang hinaharap natin at ito ang ating mga tinatanong sa pamahalaan. Paano nangyari na napunta tayo dito sa kalagayan na ito? Matagal na nating naririnig a itong mga bagay-bagay na ito ay aayusin at bibigyan ng solusyon. Ngunit, nakaraan na ang ilang taon ay wala pa tayong nakikitang pagbabago. Wala pa rin tayong nakikitang maganda sa ating mga Sistema, sa ating mga infrastraktura at wala pang dinudulot na serbisyo ang pamahalaan para maging kahit kaunti mas maginhawa ang buhay ng ating mga kababayan.
Napakaraming problema. Kung gaanong karami ito, ganoon ding karami ang mga solusyon na minumungkahi at mga nagmumungkahi. Nakasulat ang lahat ng ito sa tubig, kung ang nagpapatakbo ng pamahalaan ay walang-malay, walang pakiramdam at walang malasakit sa taumbayan!
Kaya mahalaga ang papel ng ating mga lingkod-bayan dito. Lahat ng ating napag-usapan ngayon ay nagsisilbing mga hamon para sa ating mga pinuno ng bayan—ngunit sa palagay ko’y sinuswerte, mapalad ang mga tiga Mandaluyong. Dahil itong mga hamon na ito ay kitang-kita isinagot nan g inyong Chief Executive Mayor Benhur Abalos. At ipapagpatuloy siguro, sa pagpatuloy ng administrasyon na isa pa, Mayor Abalos.
On my part, you can count on my support. Before the entire RTU (Rizal Technological University) family, I pledge my continued commitment to be at the forefront of all of these initiatives. For the proffered solutions to bear fruit and create positive impact, and cause the entire Philippines to finally RISE UP to its proper position in the community of nations and the international community.
Makakaasa po kayo ang inyong lingkod ay mananatili bilang inyong kinatawan at boses sa pamahalaan upang hanapan at bigyang-lunas ang mga problema at pagsubok ng ating lipunan. Ramdam ko pong lahat ang mga hinaing at mga panaghoy ng ating mga taumbayan, para sa pagkakaroon ng mas magandang buhay.
Pero eka nga, sabi nanaman balikan natin ang “Yaya Dub”. Lahat ng bagay pinaghihirapan. lahat ng bagay pinagsusumikapan. At lahat ng bagay ay nasa tamang panahon. Palagay ko, tama na ang panahon. Ito na ang pagkakataon na para maramdaman ang pagbabago sa pagtatakbo n gating pamahalaan. Para lumapit ang pamahalaan sa taong bayan. Para maramdaman ng taong bayan na dapat idinudulot na serbisyo n gating pamahalaan. Lalong lalo na, dito sa RTU ay napag usapan natin ang edukasyon. Lalong-lalo na sa ating mga kabataan. Lahat ito ay dapat nating pag-aralan. Dahil alam naman natin na darating tayo sa kampanya. Darating tayo sa halalan sa susunod na taon. Kailngan, ito lang ang pagkakataon na pang karaniwan na mamamayan na magbigay boses sa inyong pag iisip na makapag pili at makapagsabi kung ano ang inyong ninanais para sa ating bansa. Ito na ang pagkakataon. Huwag natin wawaldasin. Huwag nating pababayaan ang pagkakataon na ito’y lumipas. Tayo ay gamitin natin ang boto natin sa tama pag-aralan natin ang ating mga kandidato. At kailngan bukod sa lahat, huwag niyong iniisip na ipagbibili ang inyong mga boto. Dahil ito na ang pagkakataon ng bawat mamamayan na marinig ang boses kung sino ang pipiliin na magiging lider ng Pilipinas, ng mga lider ng (29:20). Ito lang ang pagkakataon na ang pang karaniwan na mamamayan na magsabi, “Ito ang gusto naming sa aming bansa! Ito ang dapat na maging progreso at pag paganda n gating ekonomiya! Ito ang panahon! Ito and direksyon na dapat habulin n gating pamahalaan para sa taong bayan!”

Kung kailan ang “tamang panahon” na ito… palagay ko ay ito na. kaya’t palagay ko e marami kayong itatanong, ang sasagot ko muna sainyo, abangan ang susunod na kabanata.

Sama-sama sana tayong mangarap at magtulungan para sa mas magandang buhay sa Metro Manila at sa buong Pilipinas!

Mabuhay ang Rizal Technological University, lalong-lalo na ang Mandaluyong campus!

Mabuhay ang lungsod ng Mandaluyong!

Maraming salamat at magandang tanghali po sa inyong lahat.

Back to Blog