Right to privacy ni Sen. Miriam dapat respetuhin

Read the English version here.

unnamed

Senator Bongbong Marcos defended the privacy of non-disclosure of the medical records of Senator Miriam Defensor-Santiago during his guesting this morning at Unang Hirit with Arnold Clavio and Rhea Santos.

Iginiit ngayon ni Sen. Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na dapat lamang respetuhin ang right to privacy ni Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Nauna rito, tinanggihan ni Santiago ang hiling ng isang doktor para ilabas ang kanyang medical record sa pagsasabi ng senador na protektado ito ng kanyang right to privacy.

Ayon kay Dr. Sylvia Estrada Claudio dapat ilabas ng senadora ang naturang mga dokumento para patunayang kaya niyang gampanan ang tungkulin ng Presidente kung mananalo sa darating na halalan.

“Ako, pagka sinabi niya na kaya niya ang mangampanya, na magaling na siya, edi sino pa ba paniniwalaan ko kung hindi si Senator Miriam,” ayon kay Marcos nang tanungin sa kanyang pagharap sa pang-umagang programa na “Unang Hirit” ng GMA-7.

Bago maghain ng kanyang certificate of candidacy para tumakbong Presidente sa 2016 sinabi ni Santiago na nagwagi na siya laban sa sakit niyang kanser.

Matapos ito, sinabi ni Santiago na si Sen. Marcos ang napili niyang maging katambal na tatakbo bilang Bise Presidente.

Ayon kay Marcos patuloy pa rin ang usapan sa pagitan ng kanyang kampo at ni Santiago upang maplantsa ang mga detalye ng kanilang alyansa.

“Mabuti naman ang takbo ng usapan namin dahil ang ginagawa namin ay we are forming a loose coalition sa aming mga kampo,” ani Marcos.

Back to Blog