Remate – Pamilya Dy, todo-suporta kay Marcos

By Linda Bohol | Remate

RemateBuhos ang suporta ng pamilya Dy sa kandidatura ni Sen. Bongbong Marcos bilang vice-presidentiable sa nalalapit na halalan.

Sinalubong si Marcos ni Isabela Gov. Faustino nang dumating ang senador sa Cauayan Airport nitong Martes para sa kanyang Unity Caravan at Campus talk sa bayan ng Echague at sa bayang ito.

Aminado si Dy na bagama’t hindi ang ka-tandem nitong si Presidentiable Sen. Miriam Santiago ang ieendorso nito sa pampanguluhan, tiniyak niya na si Marcos ang ieendorso nito bilang bise-presidente.

Kasama ni Gov. Dy na sumalubong sa vice-presidentiable si Isabela Vice Gov. Antonio ‘Tonypet’ Albano at Rep. Napoleon Dy ng 3rd Dist. ng Isabela.

“Hindi po maikakaila na dito sa Isabela, ‘yang Magat dam, mga irigasyon, elektripikasyon, at mga kalsada ay nagsimula noong panahon ng dating Pangulo (Ferdinand Marcos, Sr.) at alam ko na hanggang ngayo’y talagang susuportahan siya (Marcos Jr.) ng aking mga kababayan,” saad ni Dy.

“Isang lang ang ating prinsipyo at paninidigan. Ang kailangan nating tulungan ay ‘yung nakatulong na at nagpakita ng pruweba kung gaano nya kamahal ang ating lalawigan ng Isabela. Siya na ang susunod na Vice Presidente ng Republika ng Pilipinas, Kgg. Ferdinand “Bongbong” Marcos,” aniya.

Pinasalamatan din ng solon ang pamilya Dy at ang mga opisyal ng Isabela sa walang katapusang suporta sa kanya.

Hinimok din ang kabataang makialam sa halalan at alamin ang mga track record at karanasan ng kandidato kung karapat-dapat sa puwesto at kayang pag-isahin ang mga Pinoy.

Patuloy na nililigawan ni Marcos ang mga lalawigan na kasama sa ‘Solid North’ para sa dito simulan ang unity caravan.

Back to Blog