Remate – P100-M matitipid sa pagpapaliban ng SK polls

By Johnny Arasga | Remate

remateTINATAYANG P100 milyon ang matitipid ng pamahalaan sa pagpapaliban sa halalan ng Sangguniang Kabataan(SK) ngayong Oktubre.

Bukod rito, mababawasan rin ang trabaho ng ahensya sa ginagawang paghahanda para sa nalalapit na Barangay elections, ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Chairman Sixto Brillantes.

Ito ang reaksyon ni Brillantes sa naging desisyon ng Kongreso na ipagpaliban ang SK election na nakatakda sanang gawin sa darating na Oktubre 28, kasabay ng barangay elections.

Una rito, nakalusot na kahapon sa bicameral conference committee ang isinusulong na panukalang batas.

Ayon kay Senate local government committee chairman Sen. Bongbong Marcos, batay sa napagkasunduan sa bicam, walang mangyayaring holdover o pananatili sa puwesto ng mga SK officials at wala ring appointment, ibig sabihin mababakante ang puwesto ng SK council sa loob ng mahigit isang taon.

Nilinaw ni Marcos na reporma lamang ang ipatutupad at hindi tuluyang pagbuwag sa SK ang nakapaloob sa panukala.

Back to Blog