Remate Online – Pagpanig ng SolGen kay Marcos, para sa interest ng mga Pilipino – Roque

By Remate Online

Manila, Philippines – Iginiit ng Malakanyang na ang naging pagkilos ni Solicitor General Jose Calida, government’s lead lawyer ay para sa interest at kapakanan ng sambayanang Pilipino nang pumanig ito kay Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos sa kanyang poll protest laban kay Vice President Leni Robredo.

Si SolGen Calida, na nagkampanya para kay Marcos noong 2016 race, ay nagsumite ng mosyon na sumusuporta sa inihaing “strong manifestation” ng natalong 2016 vice presidential candidate na si dating Sen. Marcos sa Korte Suprema na humihiling para mag-inhibit sa kanyang electoral protest si Associate Justice Marvic Leonen.

“I suppose, ang motion had to be filed because it is the interest of our people na malaman natin kung sino talaga ang nagwagi para sa Bise Presidente,” ayon kay Sec. Roque.

“He is the statutory counsel for the government, and as statutory counsel, he has an interest in knowing who actually, who legally won in the Vice Presidential election. We have an interest as a nation to find out if there is merit in fact in that election protest,” dagdag na pahayag nito.

Sa ulat, batay sa mosyon ni Marcos, hiniling din nito sa Supreme Court na mare-raffle o mailipat sa ibang Associate Justice ang paghawak sa kanyang electoral protest laban sa nanalong Vice President Leni Robredo.

Kabilang sa grounds o pinagbatayan ng kampo ni Marcos sa hiling na inhibition ay ang dissenting opinion ni Leonen sa burial case ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon sa kanya, malinaw na may “palpable bias and partiality” o may pinapanigan si Leonen laban sa mga Marcos.

Binanggit din ng dating senador na ground for inhibition ang artikulong lumabas sa pahayagan na The Manila Times kung saan nakasaad, na bago pa nailipat ang assignment ng electoral protest case kay Leonen ay kinukumbinse na nito ang iba pang miyembro ng Presidential Electoral Tribunal (PET) na ibasura agad ang kaso.

Noong 2018 nang humiling din si Marcos sa Supreme Court na mag-inhibit sa kaso si Associate Justice Benjamin Caguioa.

Pero ibinasura ito ng en banc, kasabay ng pagbibigay babala sa dating senador hinggil sa posibleng kahinatnan ng kaso kapag nagbato muli ito ng akusasyon laban sa PET nang walang matibay na basehan. Kris Jose

 

Back to Blog