Remate Online – Comelec sa publiko: Magparehistro na hanggang Dis. 29

By Remate Online

Manila, Philippines – Pinayuhan ng Commission on Election (Comelec) ang mga nais magparehistro na mayroon na lamang limang araw bago matapos ang taong 2020 para magparehistro para sa 2022 election..

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, maaari pang magpa-rehistro ang mga tao ngayong Dec. 21, 22, 23, 28 at 29.

Ang mga magpapa-rehistro ay magtungo lamang sa mga Comelec field office at dalhin ang mga kinakailangang requirement. Kailangan din ang sumunod sa health protocols para iwas-COVID-19.

Wala namang voter registration sa Dec. 24, 25, 26, 27, 30 at 31, ayon kay Jimenez.

Ang Dec. 24 at 31, ay kapwa special non-working days; habang ang Dec. 25 at 30 ay parehong regular holidays.

Sa nabanggit na mga petsa, ang mga opisina ng Comelec sa buong bansa ay walang pasok.

Ayon sa Comelec, Enero 4,2021 na magbabalik ang operasyon.

Dito, magbubukas ang mga opisina mula Lunes hanggang Huwebes, 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon. Ang araw ng Biyernes kasi ng para sa disinfection. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Back to Blog