Remate Online – Comelec nakapagtala lang ng higit 5K voters

By Remate Online

Manila, Philippines – Napansin ng Commission on Elections (Comelec) na mababa ang bilang ng mga nagparehistro sa mga unang araw ng voter registration sa National Capital Region.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, isa sa mga dahilan ay ang coronavirus disease 2019 o COVID-19 pandemic.

Aniya, nasa kabuuang 5,028 botante ang nakapagparehistro sa NCR.

“That, my friends, is a very low number. But it isn’t entirely surprising. While the interest in registering – especially among the youth – is unmistakable, there are several factors that push the numbers down. The first, of course is that people are (rightfully so!) afraid of COVID-19,” saad ni Jimenez.

Isa pa sa tinitingnang dahilan ang pagdadalawang-isip ng mga magpaparehistro na baka hindi sila payagan na lumabas at magparehistro.

“To be perfectly fair, I have yet to hear of a person arrested or even just accosted by the authorities for going out of their homes to register. Again, not surprising because the Omnibus Guidelines issued by the Inter-Agency Task Force clearly do not prohibit going out to register. Still, people are worried and I don’t blame them,” paglalahad ni Jimenez.

He said their call to make appointments before heading to voter registration centers may have also contributed to this. “For the record, prior appointments are recommended, but they are not mandatory,” dagdag pa nito.

Maliban dito, posible rin na kaya mababa ang mga nagparehistro ay dahil sa mabagal na website dahil maraming indibidwal ang nagda-download ng mga form.

“To help address this, we’ve set up alternate download sites. There’s a download site on the Comelec’s Facebook page, and another one in this very blog.https://jamesjimenez.com/jabjimenez/,” ayon pa kay Jimenez.

Sinabi pa ni Jimenez na isa rin ang mahigpit na protocols ng Comelec kabilang na ang “no face mask, no face shield, no entry” policy kontra COVID-19.

“They account for a significant number of turn-aways. It’s not the ideal situation but, all things considered, better safe than sorry,” lahad pa ni Jimenez.

Nabatid na inilipat ang pagpaparehistro nitong Setyembre 1 maliban sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) o Modified ECQ. RNT/LF

Back to Blog