Reaction on the signing of the sin tax measure by President Aquino

“Ngayon lang ako humihiling na maging mali. Ngunit tapat ang paniniwala ko na hindi makokolekta ng pamahalaan ang buwis na sinasabi nila. Mawawalan ng hanapbuhay ang ilang milyong Pilipino at lalaganap ang smuggling. Sana mali ako.”

Ito ang reaksyon ni Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa paglagda ni Presidente Aquino sa sin tax measure o Republic Act 10351.

Si Marcos ay bumoto ng “No” o laban sa panukala noong ito ay ratipikahan sa Senado dahil sa ang malaking dagdag na buwis sa local tobacco products ay tuluyang papatay sa industriya, magpapalala ng smuggling ng imported tobacco products at magdudulot ng kawalan ng trabaho sa milyung Pilipino na umaasa sa local tobacco industry, partikular ang mga tobacco farmers.

Back to Blog