Radio interview with Vic Lima and Jasmin Romero of DZMM

Vic Lima: Senador, magandang hapon po si Vic at Jasmin.

Sen. Bongbong: Magandang hapon po sa inyo at magandang hapon sa mga nakikinig. Good afternoon po.

Lima: Pagpapakita raw ng sinseridad ang pagsusuko ng 55 armas ba yun at mga dating myembro ng MILF. Your reaction Mr. Senator.

Sen. Bongbong: I think kasi, dalawa ang pagtingin natin dyan. Kung tutuusin natin, kung ang bilang ng MILF eh higit sa sampung libo, ang pagbigay ay 50 or 57.

Jasmin Romero: 75 firearms po yun senator.

 Sen. Bongbong: 75 firearms ay hindi significant in a sense dahil walang naibawas masyado sa kanilang fire power. Pero as a symbol, it is important dahil syempre symbolically, pinapakita na, ito talaga. Kung tutuusin natin, lahat ng peace talks na ito eh ang puno’t dulo nito ay mawala ang mga armas. Pagka walang armas, walang gera. So it is a significant step because symbolically, eto ang parang sinasabi na talagang itinitigil na ang pag gegera ng MILF sa gobyerno ng Pilipinas.

Lima: Are we expecting na may ganito pang mangyaring kaganapan sa mga darating na araw. I’m sure hindi lang 75 ang armas nila.

 Romero: Hindi partner meron kasi yang mga steps. This is just the first step.

Sen. Bongbong: Merong mga steps pero hindi masyadong nasunod ang steps ng commissioning. Meron pang isang annex sa comprehensive agreement ay tungkol nga sa decommissioning. Sa decommissioning merong sinasabi na bawat event ay may sinasabi na may cease na magsisimula. Nauna yung (…) weapons pero hindi pa nga natuloy lahat yan eh. Nagbago ng konti yung decommissioning process kasi ang dapat mauna ay yung tinatawag na (…) weapons yung malalaki na kanyon na kailangan more than one person ang gumagamit. Hindi pa nagagawa yun. Gusto kong patibayin sa BBL yung proseso ng decommissioning kasi ang palagay ko… may suggestion na wag nang gawing annex yung decommissioning kundi ilagay na mismo doon sa batas. Para mas maging maliwanag kung ano ang mga phases, ano ang steps para sa decommissioning.

Romero: Pero senator is it too much to ask… kasi kung titignan natin ang parehong panig, mahirap talaga makuha ang trust ng bawat isa. Parang sinasabi ng MILF, “I will trust you if you trust me. So I’m giving you the symbolic action for you to know that I’m trusting you already.” Pero, kung titignan din natin yung pangalawang phase ng decommissioning, parang mahirap din kung titignan mo. Kasi the second phase partner, pag na ratify yung BBL, doon pa lang sila magsasawa ng second phase ng decommissioning. So papaano kaya yun senator?

Sen. Bongbong: Well as I’ve said, as a substantive action, hindi nga malaking bagay dahil iilan lang yan but the point is that papaano pinapakita and yung kumpyansa ng tao ay siguro madadagdagan yung kumpyansa ng tao na ang MILF ay talagang ginagawa… kahit na maliit na hakbang na pagsimula ng pag dis-arma. At yan naman ang pinaka importanteng parte. As soon as again, the arms will be (…), eh we will not talk about war anymore. Yun naman ang habol natin. So it is important symbolically and because kahit papaano you can tell. Kapag nakapag bigay ng armas na ganito, ay simula na ngayon at sana ay tuloy tuloy. This is a confidence building leisure dahil mas magiging malaki ang tiwala ng magkabila na ang proseso na ito ay talagang totoo na.

Romero: Ano po ang general sentiment ng mga lawmakers po? Lalo na dyan sa senado siguro, nung symbolic turn po na ito.

 Sen. Bongbong: well again, unfortunately, this kind of symbolic act do not change whatever infirmities the law has. We still have to attend to those things dahil kung may problema, unconstitutional parin, eh kailangan nating ayusin yon. At again, confidence and trust is a very very important part of the process, napakalaking bagay. Konting kumpyansa, konting tiwala, kapag may sumunod, dadami, lalakas. May momentum yan. Pagka nagka momentum edi mas lalong maganda.

Lima: But still, we don’t have to forget the SAF 44 issue.

 Sen. Bongbong: I don’t think we can until we can say that nabigyan na natin ng katarungan ang kanilang mga pamilya, nabigyan na natin ng katarungan ang mismong mga pulis na napatay at hindi lamang pulis. Pero it is an important time to remember, yung sinasabi nating SAF 44, may namatay ding MILF na hindi naman natin binibilang. Kaya’t despite the fact na yung magkabilang panig ay naglaban at nakikita naman na parehong namatayan, ay dahan-dahan, we are expecting back from violent. That’s the important point.

Romero: Bago yung next phase ng decommissioning, is there any other way para… alam mo yun, para magbigayan ng trust para sa isa’t isa? Kasi ang hirap nito eh. At the end of the day, peace parin ang gusto natin but the process is long and hard and grueling at minsan nakakasakit pa ng loob. Meron po bang parang in between symbolic gestures that would build trust?

Lima: Para tuloy tuloy na ika nga. Hindi yung nagsasalitaan tayo pag nakatalikod tayo sa isa’t isa.

Sen. Bongbong: Sa palagay ko we have to move on from symbolic gestures into substantive gestures. Pagka isang libo ang itinurn over na armas, lahat tayo ay magsasabi “totoo na talaga ito”. At kung talagang malaki nga, i-dentify nila kung may suspetsa na ang arms factory ay sinira ng legal na arms factory, yung substantive na. Because symbolic has its place. Pero it is only a symbol. But if you can feel na talagang substantial yung kanilang ginagawa, talagang nabawasan from let’s say from 100 naging 50, from 100% naging 50%, nobody can say then na “hindi totoo ito”. Ibig sabihin there’s something that is happening here, going the right direction.

Lima: Well said. Mr. Senator thank you so much for your time maraming salamat po.

Sen. Bongbong: Thank you very much magandang hapon po sa inyong lahat. Maraming salamat po.

Back to Blog