Radio interview with Rey Langit of DWIZ, “Kasangga mo ang Langit”

Sen. Bongbong: Magandang umaga!

Rey Langit: Naka call sa aking attention yung line ninyong, quotable line na, “It will only lead to perdition.” Nasabi niyo ‘yan? Ang Pilipinas ay nasasadyak lamang sa impyerno? Bakit po nasabi ninyo ‘yun Mr. Senator?

Sen. Bongbong: Pinag aaralan naming mabuti itong BBL na ibinigay sa atin ng Palasyo at nakita natin mayroong naging problema yung negotiation dito nga sa framework agreement at tsaka comprehensive agreement ng Bangsamoro. Ang naka usap lamang ng gobyerno ay ang MILF. MILF lamang ang lahat ng bagay-bagay na nasa loob ng draft BBL ay galing lamang sa MILF, hindi kinausap ang ibang stake holders, hindi kinausap ang mga IP’s, hindi kinausap ang mga Sultanates, hindi kinausap ang mga MNLF, hindi man lang kinausap ang mga Local Government. Kaya’t lahat naka linya lamang dahil ito ay hiningi ng MILF, Tinatanong ng iba, eh sino kamo ang stake holders dito, bakit hindi kami lahat na konsulta? Mag kakagulo lamang pagka ganyan. Kaya ganyan nalang ang sinabi ko, dahil gulo nalang ang aabutin natin pag ginawa natin yung BBL doon sa drafting version, dahil hindi naka usap, hindi na konsulta ang karamihan ng mga stake holders, kaya’t ito’y gulo lamang ang aabutin natin dito, at pagka ang gulo na ‘yan ay mas naging matinde, mauuwi ‘yan sa giyera ulit.

Langit: Mr. Senator, yung senaryo noong una rito… of course no comparison po ito, minadali ko lang ang reference nito Mr. Senator, with due respect. Yung senaryo noong una dito sa house of Representatives isinisigaw nila ay no less than eight provisions ang sinasabi nilang unconstitutional, ‘bat noong nagkaroon sila ng dialogue sa Malacanang ay medyo bumilis po ang proseso at ang nalaglag na lamang ay dalawa doon sa walo, mukang napaliwanagan sila. Dito po bas a Senate, dito sa inyong committee, is that posinle, ‘yang close coordination, para ma pin point yang mga gray areas at magamot?

Sen. Bongbong: Ang ginagawa namin, syempre tinitignan namin, medyo maraming nalungkot doon sa nangyari sa House of Representative, dahil hindi lang yung mga nakikita naming unconstitutional provisions kundi yung mga provisions na sa palagay namin hindi tama, kailangan tignan, pero ‘yun na nga noong naka usap ang pangulo ay nag bagong isip ang mga iba at ito’y naipasok at hindi lamang ‘yon, nadagdagan pa yung mga area na nasa listahan ng nasa magkakaroon ng plebesito. Kaya nagka gulo-gulo, ang nagyari itong mga LGU ay sinasabi, hindi daw dapat isama ang kanilang lugar at syempre naman kami dito sa Senado ay talagang kahit papaano hindi nila ipapasa ‘yan hanggang maliwanag na maliwanag na constitutional na ang bersyon na ipapasa namin at pangalaw,yung mga ibang problema tungkol sa administrasyon, tungkol sa power saving, tungkol sa mga economic provision ay lahat ‘yan ay naayos na at

Langit: Senador, mag impression po ang iba na mukang version, gagawa kayo ng sarili ninyong version ng BBL at mukang hindi katanggap tanggap po ang lahat ng probisyon na naka paloob dito sa draft BBL po ngayon.

Sen. Bongbong: Marami pa kaming nakikita dahil unang-una, yung mga napag uusapan ngayon mga unconstitutional infirmities, naginagawang unconstitutional ang draft BBL, kailangan lahat ayusin ‘yan hindi naman maaari na kung alam naming unconstitutional ang provision ay hindi namin aayusin bago ipasa sa Senado. Kaya’t ‘yan nga ang pinag uusapan at hindi malaman tungkol sa unconstitutionality. Kagaya ng OPT-IN provision, yung pwede pang sumama doon sa Bangsamoro pagka tapos ng halalan para sa Bangsamoro Government. ‘Yun, yung mga ganong klase. Tapos yung sa collection ng buwis, dahil naka lagay sa draft BBL, lahat ng makolektang buwis sa Bangsamoro ay walang sharing sa National Government sakanila lahat ‘yon. Tapos meron pang block grant na malalaking pondo na ibibigay sa Bangsamoro, tinitignan din namin kung may paraan na mas maayos para e-appropriate ‘yan. Marami pang magiging issue dito bukod dyan sa constitutional infirmities nung draft BBL. Syempre lahat ng attention ay napupunta sa unconstitutionalities pero marami parin kaming nakita na dapat pang pag isipan at dapat pang ipaliwanag kung paano ba ang talagang pag implementa nito pagka nagging batas.

Langit: Sa proseso Mr. Senator, halimbawa dito sa House ay mayroon na silang tinaggal, nadelete na dalawa yung isa, yung pag hingi ng permiso ng pangulo ng bansa tsaka ng chief of staff sa Bangsamoro Government. Pagka papasok at mag de-deploy ng Arm Forces sa kanilang teritoryo, ito’y deleted napo, tanggal na ito. At yung ikalawa naman ay yung power ng Bangsamoro government na sila ang mag iimbestiga sa opisyales ng Bangsamoro ay if and when ay gumawa ng katiwalian, ito’y tinanggal narin po, dahil nakita naman natin na Ombudsman naman talaga. Ang proseso po ba pagka delete na sa House, dito po bas a Senado automatic ‘yan ay ikokonsidera nila o nanatili parin sa draft BBL ngayon?

Sen. Bongbong: Ngayon yung sa House, yung na approve palang na bersyon ay doon sa committee level, yung sa Adhuc committee na tinatawag, ‘yun palang ang na approve nila, at ‘yun palang ang nakikita natin. Sa kasalukuyan, nasa plenary sila ngayon nag de-debateat magbabago pa ‘yan at meron pang, marami pa tayong nakitang pag babago pero hindi pa tapos ang kanilang debate kaya tinitignan pa namin ang final version na ipapasa ng mga Kongresista. Sa amin naman, hindi automatic ang proseso na ‘yan kumbaga, ang Senado separately ang pag aaral sa draft BBL, separate pati yung sa House of Representatives, tapos kung ano man ang pagkakaiba sa bersyon ng House at bersyon ng Senado ay pag me-meetingan namin sa bicameral committee at sa bicameral committee gagwin na naming pareho yung bersyon ng House tsaka ng Senado, para meron na tayong buong batas na ipapasa ng buong congress.

Langit: So talagang malabo pong maka hapol po ito bago po, before recess. Bago po rito sa pag babakasyon po n gating mga legislators.

Sen. Bongbong: Well, kung matatapos, mag a-adjourn kami next week, last session day namin ay Wednesday, ako sasabihin ko, hindi pa matatapos ito before the adjournement, kahit sa House of Representatives. Kami sa Senado, marami pa kaming gagawin, dahil wala pang committee report, wala pa yung substitute bill, sa committee level, hindi pa kami nakapag approve, pagkatapos ng committee level, meron pang plenary debate, kaya’t palagay ko, matutuloy ang proseso sa Senado ay matutuloy sa pagbalik namin, pagbalik namin sa July 27, hindi na siguro mahahabol sa House of Representatives tsaka sa Senado yung June 11 na deadline na binigay samin ng palasyo.

Langit: Matutuloy pa po ba yung meeting niyo sa pangulo, na sina-suggest ninyo na dapat e-cover ng media at telebisyon.

Sen. Bongbong: Well, nagulat nga sa nagyari sa House of Representatives, pagbalik daw nila galling sa meeting sa Palasyo ay yung tinatawag na Palace version or LP version ay hawak hawak na nila, at noong ibinigay sa kongresista ay take it or leave it daw yung sa version na ‘yun. Maraming nagulat sa nangyaring ‘yun at sinabi namin, hindi naman maaaring mangyari sa Senado ‘yan. Kaya’t noong nag offer ang pangulo, lahat kami, ang sabi namin ay baka naman susubukan sila kung ano man yung ginawa nila sa House of Representatives, ay hindi maaari sa Senadong gawin ‘yun, hindi kami papaya, kaya’t yung meeting, siguro mashado pang maaga, wala pa kaming version na mapag uusapan although kung magkaroon siguro ng deadlock doon sa Senado, baka pwedeng ayusin ng pangulo, pero ‘wag idadaan sa politics ‘yun,. Sa ibang issue, ang dapat pag usapan, ang ibang pag babagong kailangan sa draft BBL, kagaya ng sabi ko, asahan ninyong hindi ko hahayaang ma rail-road ‘yan.

Langit: E set aside lang ho natin sumadali itong BBL Mr. Senator. Kayo po ba ay signatory doon sa Sub committee ng Blue Ribbon committee, dito sa kanilang draft report?

Sen. Bongbong: Hindi ako pumirma doon sa draft report ng Blue Ribbon committee, actually hindi ko pa nakikita yung report dahil tinatrabaho namin itong BBL, so far hindi ko pa nakikita, pero so far sa nakikita ko sa mga report ey sapat na yung mga naka pirma, kaya pwede nang e-file ‘yung committee reposrt ng sub0committee.

Langit: Kung sa bagay, dadaan pa poi to sa plenary, magkakaroon pa ng debate, pero malinaw na malinaw na yung intension po ng draft report ay kasong pkunder laban po sa mg Binays’.

Sen. Bongbong: ‘Yun na nga ang parang nagging conclusion nila, mayroong rekomendasyon sila na mag file ng kaso ng plunder sa mag amang Binay, nakalagay ngayon doon, pero hindi pa ata tapos, interim report palang at ito, at magkakaroon pa ng mga hearing at hindi patio ang katapusan ng proseso.

Langit: Meron parin ho akong idadagdag Mr. Senator, hindi parin po tayo tapos, hindi po pulitika, pero may bahid ng entertainment. Meron po bang ibinulong sa inyo ang yumaong Ferdinand Marcos, higgil po dito kay Sen. Grace Poe bago po siya namaalam?

Sen. Bongbong: Ok, napunta tayo sa tsismis. Well, yung balitang ‘yan, yung istoryang iyan ay lumabas noong 2013 na kampanya, noong kumakampanya si Senator Grace sa Senado. Tinatawanan nga namin, at noong una ko siaynag makita doon sa Senado, sabi ko, ipakita talaga nating may pagka half brother at half sister talaga tayo, so tinatawanan nalang namin, kaya ang tawagan namin sa Senado ngayon, ang tawag ko sa kanya ngayon ay si “Sis” ang tawag namna niya sa akin si “Kuya”. We have to embrace the story.

Langit: Bagamat hindi natin alam kung ano pong eksaktong force nang balitang ‘yon dahil lumilitaw, dahil ngyon nahahalungkat po na yung youngest sister ni Madam Susan Roses ay parang napalapit sa inyong tatay, parang ganon nga agad ang bersyon, ano ho.

Sen. Bongbong: Parang ganon nga ang istorya, pero…

Langit: Pero dineny nap o ni Senator Grace Poe.

Sen. Bongbong: Kaya nga. Tatawa-tawa nga, hindi nga malaman kung saan nag simula ang istorya na ‘yan. Nagsimula nga ang istorya na ‘yan mula noong 2013, eh wala na, anong gagawin natin, imbes nalang na mainis siya at magalit, dahil hindi naman totoo ay tinatawanan nalang namin. Wala namna, walang pinag basehan ‘yan, siguro mayroon lang naka isip ng magandang istorya, kaya siguro ikinalat yung ganyang bagay. I think pagka pinag isipan ang ganyang bagay, pag pinag aralang mabuti ‘yan, makikita nila na ito’y istorya lamang, tsismis lamanng.

Langit: ‘Yon ho, kasi sa modern time ngayon, meron tayong DNA, eh. Madali naming ma trace ‘yan, pero doesn’t matter di’ba ho? Kayo naman’y katanggap tanggap naman si Senador Grace Poe sa pamilya ninyo.

Sen. Bongbong: Well, Si Senator Grace at tsaka ako, hindi ko na mashadong, hindi kami magka kilala halos bago kami naging matalik nalang magkaibigan noong nagging senador na siya, doon sa ginagawa namin sa trabaho namin, at talagang una naming pinag usapan ang tsismis na ito, dahil ng tawa kami ng tawa dahil may magandang inimbento kung sino man, kasam kami sa istoryang ‘yon kaya ginagawa nalang naming, kagaya ng sabi ko kinrir nalang namin.

Langit: Oo, pero dis advantage po ata, sabi nila, sabi ni Senator Grace, ayaw kayong bigyan ng more time during the Mamasapano dahil baka pagbintangan ngang magka patid kayo. Pero advantage naman ito ni Senator Grace Poe sa North, eh pag naging Marcos siya ay magiging solid nanaman ang North dyan.

 Sen. Bongbong: Talaga, dahil alam naman natin na pagka mga ganyang mga bagay, hgindi naman ma verify, hindi naman pinag uusapan ng siryoso, eh syempre nag eenjoy ang mga tao sa istoryang ‘yan.

Langit: Kung sa bagay, pero susuportahan ho ba ninyo, sabi ni Pareng Alex Sanos dito’y, pakitanong pareng Rey, kung susuportahan niya si Senator Grace Poe pagka tumakbong president, kung hindi po kayo tatakbo.

Sen. Bongbong: Wala pa namang mga usapang ganyan, hindi pa nag de-deklara si Senator Grace na siya’y kakandedato at ang mga bagay-bagay naman na ‘yan ay hindi dine-decide ng isang indebidwal na tao, kung hindi, syempre titignan natin yung alliances. Anong mga partido namin, saan kami papanig. Miyembro ak ng Nacionalista party, so kailangan kung ano nag desisyon ng Nationalista party, kung sino, kung kanino kami papanig, kung saan kami susuporta ay desisyon ‘yan ng partido.

Langit: So, itong factor na maaring mag tulak sa inyo, if and when kapag nag desisyon ang party para po kayo tumakbo sa pang panguluhan o hindi?

Sen. Bongbong: Well, kung ano mang maging desisyon ko, kung anong gagawin ko sa 2016, syempre kasama ‘yan sa usapan sa loob ng Nacionalista, pero syempre yung mga comment rin siguro sa mga mangyayari, well kung ang Nacionalista ay magkakaroon ng kandidato, well sigurado, doon sila susuporta, kung hindi, mag hahanap kami ni role na gagampanan namin sa 2016 election.

Langit: ‘Yun, dahil kasi si Senator Grace, alam niyo namang independent siya, kung open kayo doon sa adaptation, sa pulitika ho ito, ah. Hindi yung sa …

Sen. Bongbong: Well, alam naman nating ganyan ang mangyayari. Habang lumalapit ang kampanya, pagkatapos niyan maliwanag kung sino talaga ang tatakbo, ang partido ay mag de-desisyon kung anong gagawin, kung meron nga kaming miyembro na tatakbo, hindi lamang pagka pangulo kung hindi pati yung ibat-ibang posisyon sa national at tsaka sa local government, ‘yun ang magiging kandidato namin. Malayo pa nag October, hindi pa natin matitiyak, kung sino talaga ang tatakbo, kung ano talaga ang tatakbuhan nila, at saan sila sasailalim na partido at ito nga ay magiging bahagi sa diskusyong kung ano nga ang gagawin ng Nacionalista, nang buong partido sa darating na halalan.

Langit: Reading between the lines, pagka binuksan po ang social media, visible na visible po doon ang paramdam ng inyong clan, at pagka yung iba ang nag i-interpret, hindi naman tayo analyst, pero sbihin, meron ding balak sa higher position si Senator Bongbong.

Sen. Bongbong: Well marami, maraming nag babanggit, lumalabas ang pangalan ko, at mga possible na candidates na sa 2016, ako naman, nag papasalamat ako sa suporta at kumpyansang ipinapakita nila sa akin, pero sa palagay ko… sa darating na election na ito ay kadalasan pagka ganitong one year before the election, maliwanag na maliwanag na kung sino ang mga kandidato, kung saang mga partido, kung anong mga alliances ng bawat partido, pero sa ngayon napala volatile pa ng mga political career, hindi pa talaga maliwang kung sino ang mga tatakbo, ano ang tatakbuhan, kailangan ay tignan muna natin. Sa totoo lang ako’y hindi ko naiisip ‘yan, marami pa kaming trabahong ginagawa, hindi lang dito sa BBL, pero kundi sa mga ibat-ibang issue sa committee ko ng local government, at tsaka sa committee ko na public works. So ‘yun muna ang uunahin natin, mag trabaho muna, mag handa para kung sakali mang may mangyari kung may pagkakataon, atleast tayo ay handa kung ano man ang mangyari sa 2016.

Langit: ‘Yon, Well said Mr. Senator, dahil ang sinasabi ng iba yung mga lumalandan ngayon sa dami ng mga snipers, aba’y medyo nakakapanganba din kapag lumantad ay maraming tuma-target agad eh, ano.

Sen. Bongbong: Ganyan naman talaga siguro, siguro hindi na nakakapanibago ‘yan, ganyan talaga kung minsan sa pulitika, pero ang pamumulitika, hindi naman natin maiiwasan ‘yan, dahil darating at darating ang kampanya, darating at darating ang election. So sa ngayon ang asikasuhin muna natin ay mga problema na hinaharap ng bansa. Basta’t kung ano an ang sa palagay kong tama, yun ang aking gagawin.

Langit: Within the family Senator Bongnong, the Congresswoman Imelda at tsaka itong sister po ninyong si Irene ano po ba ang kanilang next move sa pulitika?

Sen. Bongbong: Ang katotohanan, hindi pa namin napag uusapan ‘yan, dahil ang para nga sa amin ay mashado pang maaga para mag desisyon tungkol diyan, dahil nga hindi pa maliwanag ang mangyayari sa larangan ng politika. Hindi ko pa masasagot ‘yan, hindi pa namin napapag usapan ‘yan ni minsan.

Langit: ‘yun lamang for the mean time Senators, maraming salamat po and good morning. Regards nalang po kay Madam Imelda tsaka kay half sister po ninyo.

Sen. Bongbong: Papaabutin ko yang pag bati mo sa aking ina at sa aking matalik na kaibigan, kay Senator Grace po. Maraming salamat. Maganda umaga sayo, magandang umaga sa mga nakikinig.

Back to Blog