Radio interview with Orly Trinidad of DZBB

Orly Trinidad: Ang kanilang ginawang public hearing, public consultation ay nagpahayag po ng disgusto o hindi pag suporta dito po sa bersyon ng Malacañang sa Bangsamoro Basic Law. Atin pong kausapin at kung talagang half brother mo siya. Senator Bongbong Marcos. Senator magandang gabi po Senator Bongbong.

Sen. Bongbong: Magandang hapon po sa inyo at ako’y natatawa sa inyong pinag uusapan.

Trinidad: 

Sen. Bongbong: Hindi       .

Trinidad: Kasi mukang siya na ho ang kukuning kandidato ng oposisyon. Nagbigay ng… si Senator Grace Poe at hindi raw ho niya kayo half brother.

Sen. Bongbong: Actually tinatawanan lang namin yan at sinasabi nga namin yung tawagan namin sa senado. Tawag ko sa kanya ay ‘Sis’ at ang tawag naman niya sakin ay ‘Kuya’. At kinarir na namin yung tawagan na yun.

Trinidad: Yun ang magandang panlaban sa mga intriga. Anyway, senator nakikinig po ako sa bahagi ng privilege speech niyo kanina. At matindi po ang inyong paliwanag sa inyong pananaw na may nakikita kayong labag sa batas dito sa Malacañang version ng Bangsamoro Basic Law. Unang una, doon sa mistulang pagtatayo ng hiwalay na republika na sa ibang mga konteksto ni BBL eh parang merong parliament form of government, federal form of government na binubuo itong BBL. Tama po ba yun senator?

 Sen. Bongbong: Ganun na nga ang ating napag usapan dahit ito ang lumabas sa mga hearing namin dito. Sa mga salaysay ng ating mga constitutionalists… sa madali sinasabi “Ang oposisyon ay hindi papaya na tayo eh isang Unitarian Republican Government tapos may isang region na Parliamentary Ministerial” at sinasabi “Hindi pinapayagan ng konstitusyon yan at wala sa konstitusyon na magtayo tayo ng ibang sistema”. Yung nasabi mo, na parang may sovereign state – parang isang bansa. Sa pangalan pa lang na Bangsamoro Territory, eh hindi mo naman pwedeng sabihin na ito ay hiwalay sa Pilipinas.

Trinidad: Puputulin ko po dyan senator. Kasi laging binabanggit ng mga ilang opisyal ng OPAC. Yan nga yung ika nila na casual discussions, eh ang mga kinukuha daw kasi ng mga tutol eh yung sa salita lang like ‘Basic Law’. Pag sinabing basic law hiwalay na konstitusyon? Hindi naman daw ganun. Ika nga kung babasahin mo ang konteksto ng BBL, ito naman daw ay alinsunod sa batas. May basis ho ba yung pahayag na yun?

 Sen. Bongbong: Hindi ko alam, yan ang kanilang opinion. Ito ay mga opinion ng ating mga dating Chief Justice.

Trinidad: Si Chief Justice Davide.

Sen. Bongbong: Si Chief Justice Davide sang ayon siya. Sang ayon siya na may mga kailangang ayusin pa.

Trinidad: Yung isa si Chief Justice Puno.

Sen. Bongbong: Si Justice Puno sinasabi niya dapat tanggalin yung probisyon sa konstitusyon… ng autonomous region. At para maging maliwanag at hindi na tayo magka problema sa plebesito. At saka nandyan din si Justice Mendoza, at ito na yung pinaka magagaling na konstitusyonalista at sa kanilang opinion, kung susundan ang BBL, ay magiging state within a state. Eh yun nga yung pinagbabawal ng batas.

Trinidad: Sa pagkakataong ito, nanggaling na nga mismo sa inyo ang pagtutol sa Malacañang version. Open naman kasi yung iba na dumaan sa ibang proseso. Like pag amyenda sa umiiral na ARMM law. Merong nagsasabi kung pwedeng gawing palawakin yan, expanded version, okay naman. Ano po ba sa tingin ninyo ang kahihitnatnan ng BBL na to at wala ba itong conflict sa bersyon naman ng kamara?

Sen. Bongbong: Maaaring ganon. Kasi yan na nga ang napag uusapan at isang paraan yan para yung mga sinasabing constitutional infirmities ay mawawala na ngayon yung mga problemang yan dahil ginagawa natin, isa sa mga sinasabi ng batas sa konstitusyon eh wag magtayo ng panibagong autonomous region at wala naman daw sa konstitusyon yan. Kaya ang sinasabi “Imbis na magtayo tayo ng bago”, sinasabi nila may problema ang ARMM, edi ayusin natin ang mga problema ng ARMM. Yun na lang ang gawin natin. At kung ang gagawin natin, isang suggestion lang yan at medyo iba ang paraan para maiwasan natin ang mga tungkol sa constitutional. Ang magdedesisyon nyan eh yung mga miyembro ng mga tatlong committee pero ilan lang sa mga senador eh talagang yan ang kanilang proposal.

Trinidad: Kung sakaling magkakaroon ng amended version na lang ang ARMM yun law of the BBL, hindi naman siguro ito mahirap ipaliwanag agaya doon sa mga lugar na parang tinutukoy na isasailalim dito sa bagong Bangsamoro na ito.

Sen. Bongbong: Oo nga. Dahil ang mga sinasabi nga, tulad kaninang umaga, ay nakinig kami, lahat ng mga executive, yung mga gobernador, yung mga mayor ng affected areas. Hindi lamang sa loob ng ARMM kundi pati doon sa mga nakapaligid na probinsya. Ang kanilang mga sinasabi eh “Bakit kailangan pang palitan ang ARMM?” well totoo naman yung sinasabi na may kakulangan. Pag aralan natin kung bakit hindi nagkaroon ng magandang serbisyo. Gawin natin yung organic law ng ARMM, ayusin natin yung mga problemang yan para sa gayon, yung mga pagkakamali o pagkukulang ng ARMM ay hindi na mauulit.

Trinidad: Sir pano po yan? Edi sa SONA ng pangulo ay mababanggit yung pagpasa sa BBL na yan senator Bongbong?

Sen. Bongbong: Hindi ko alam kung ano yung plano nila pero palagay ko, kahit house of representatives… inaakala nga namin na kayang kaya nilang tapusin by June 10 pero mukang hindi yata… ng ARMM ay sinasabi baka hindi rin matapos. Dito sa Senado ay ngayon pa lang namin sisimulan ang pagsulat ng substitute bill saka yung committee report. Eh medyo kumplikado pa ata yung BBL kaya marami pa kaming gagawin so palagay ko matatapos namin during the recess pa.

Trinidad: May binabanggit nga kasi si Senate President Franklin Drilon na kung hindi kaya sa SONA, eh sa Oktubre daw po, yung sa time table ng senado. Kaya po ba ng Oktubre?

Sen. Bongbong: Palagay ko baka pupwede bakit hindi. Kasi nga kung matapos ang committee report at saka yung substitute bill at maibigay ko sa… habang kami ay naka recess, ay pagbalik namin ng July 27, pwede na namin pagusapan yan at napag agreehan na yan at pagdedebatihan sa plenary. Maaari talagang matapos ng Oktubre pero meron paring isang bahagi sa progreso na hindi natin masasabi kung gaano katagal. Yun ay yung bicameral committee kung saan gagawin lahat pareho ang mga probisyon dahil hindi pupwede na hindi pareho sa House version at saka sa Senate version. Depende ito kung gaano kalayo yung dalawang version. Kung masyadong malayo, edi matatagalan. Pero kung hindi naman, palagay ko baka sandali lang.

Trinidad: Pananaw ko siguro dyan Senator eh matatagalan eh dahil yung kanilang bersyon eh talagang after the meeting with the palace people, halos walang nabago eh. Senador?

Sen. Bongbong: Walang nabago pero mas lumayo pa. Halimbawa yung tinatawagan na Opt-in. Eh nadagdagan ng probinsya eh pati yung plebesito imbis na nadagdagan. Kaya marami sa mga local executives kanina eh sinasabi “Bakit kami sinama?” at ayaw nilang sumama. Hanggang Palawan, yung governor ng Palawan nandito kaninang umaga at sinasabi “Hindi naman kami dapat kasama dyan dahil eh wala naman ang Palawan”. Palagay ko, pinagmamasdan namin yung nangyayari sa house, mukang yung mga amendments ay hindi natuloy dahil di na approve sa adhoc committee, eh pinaglalaban naman ng ibang mga kongresista so may pag-asa na maipasok sila. Pag nakapasok yan, mas lalapit…

Trinidad: Yung inyong binabanggit na bersyon na hahalili sa Malacañang version, tatagal ba to ng ilang araw?

Sen. Bongbong: Palagay ko pag tinignan natin siya, kaya siguro ng… yan. Palagay ko mahaba haba na yan para…

Trinidad: Sa pakikinig ho kasi kanina talagang mukang maraming sablay na nagawa ang mga taga OPAC.

Sen. Bongbong: Yung kanilang proseso ng pag negotiate, pinag uusapan nila ang halos buong Mindanao pero ang kausap lang nila ay ang MILF. Hindi nila kinausap yung mga IPs, hindi nila kinausap ang mga… hindi nila kinausap ang MNLF, hindi naman kinausap ang sultanates, hindi nila kinausap itong mga LGUs, kaya’t yan ang aming ginagawa, kaya binibiro ko nga sila na “kami na nga ang gumagawa ng trabaho niyo dahil dapat ito’y mga inuna ninyo eh” kaya kung sana makuha niyo ang pagkokonsulta sa mga grupong ito, ay hindi na namin kailangang gawin at yung ibinigay niyo sa amin, mas mabilis namin maipasa dahil lahat ng mga problema napagusapan na, lahat ayos na, so hindi na namin kailangang baguhin. Pero hindi nagawa, yan ang kailangan naming gawin para maging maayos at maging legal ang BBL.

Trinidad: Senador nagpapasalamat po kami at sa uulitin po. Makikiuso na lang po kami sa iyong half sister.

Sen. Bongbong: Salamat.

Trinidad: Thank you po. Okay si Senator Bongbong Marcos po.

Back to Blog