Radio interview with Mr. Raffy Tulfo and Ms. Nina Taduran of TV5, “Wanted sa Radyo”

Raffy Tulfo: Magandang hapon po sa inyo Senator Bongbong Marcos.

Sen. Bongbong: Good afternoon, magandang hapon po sa inyo at magandang hapon po sa mga nakikinig.

Tulfo: Sir, itong nangyaring decommissioning ngayong araw na ito, magkakaron ba ito ng intact sa inyong pananaw as far as BBL is concerned o sa usapin ngayon dyan sa Senado?

Sen. Bongbong: Well syempre magandang hakbang ito dahil nasimulan na natin yung decommissioning at kahit papano eh ito’y makadadagdag din ito sa kumpyansa ng taong bayan na ang MILF ay talagang ginagampanan lahat ng kanilang mga inagreehan sa peace agreement at nagsimula na ang decommissioning. Alam naman natin ang dulo ng peace process ay ang decommissioning. Dahil kung walang baril, walang gera. So this is an important step, they only made a small one but this is an important step and isn’t it na kahit hindi natin sabihin na hindi talaga nabawasan kasi 15 thousand ang estimated na MILF fighters, as a symbol for their participation in the peace process, I think it is very important.

Tulfo: Yun nga sir eh. 10 thousand ang pwersa nila and then meron pang mga sabi sabi na meron pa silang gawaan ng mga armas. Kumbaga katiting lang yung pinakita nila. Isa pa nga sir eh sabi ng iba, eh paano po yung MNLF? Paano po yung ibang armed groups sa Mindanao? Ano mangyayari ngayon sir?

Sen. Bongbong: Eh yan na nga, natagpuan na talaga yung mga hindi lang bomb making kundi pati yung arms making factories na ginagawa sa iba’t ibang lugar sa Mindanao. Kailangan natin siguro sa mga AFP natin at saka sa mga pulis natin na hanapin yun at (…) lahat ng mga sinasabing arms factories nila. Para naman mabibigyan ng kabuluhan yung itong decommissioning process. Ito ngang tungkol sa ibang grupo, kaya nga nung kinukwestyon ko, sinasabi na the BBL will bring peace. Ang sabi ko, ang BBL kasi ay isang agreement, ay isang batas na nasulat at nagawa sa gitna ng OPAC at saka ng MILF. At kahit maging matagumpay ang usapan natin sa MILF, kung di tayo sinasamahan at di tayo sinusuportahan sa proseso ng kapayapaan, ng MNLF, pati na yung mga ibang armed groups kung sino man sila, ay hindi pa natin masasabi na nakamtan na natin ang kapayapaan. Kaya’t marami pa rin tayong kailangang gawin kahit na magkaroon ng Bangsamoro government, mapasa na ang BBL ng magandang verision, kahit na matapos lahat yan, marami pa rin tayong gagawin at kailangan parin nating lapitan ang iba’t ibang armed groups. Yung tungkol naman sa MNLF, sinusubukan nga namin na sila ay maging bahagi ng proseso dahil sa ginawa ng OPAC, na nakipag usap lamang sa MILF, na exclude ang MNLF. Kaya nga nagparamdam sila sa Zamboanga, nagparamdam sila sa mga bombing sa iba’t ibang lugar nung lumabas yung CA at yung BBL. Kailangan kasi… gusto namin isama. Ang problema kasi sa BIFF at saka sa Abusayaf saka sa mga ibang grupo, ay tinalikuran na talaga nila. Ang sinasabi nila “Tinatalikuran na namin ang peace process”. Ayaw nilang makilahok sa peace process kaya’t iba ang magiging solusyon dyan hindi lamang sa paglalaban lamang, kung hindi sa palagay ko, is ma-isolate sila politically. Kung kasama na natin ang MILF at kung kasama na natin ang MNLF sa peace process, eh magagawan na natin ng paraan na dahan dahan sila ay mawawalan na ng importansya. Kasama dyan ang military, kasama dyan ang political solution, kasama narin dyan ang development sa area ng Muslim Mindanao para naman makita ng ating mga kapatid ng Muslim na hindi sila pinababayaan ng pamahalaan.

Tulfo: So sir, ito ho ah. Pabulabog. Nasabi niyo lang kanina na sabi ng MNLF at saka ng BIFF na ayaw nilang sumama sa peace process, halimbawa eh natuloy na itong BBL, pano po pag nanggulo ‘tong MNLF, pano pag nanggulo itong BIFF at sinabi “Kami rin gusto rin namin gumaya sa peace process na kayo ay nakipag enter into an agreement with MILF. Pano naman kami?” Pano sir? Nagka gulo gulo uli.

Sen. Bongbong: Unang una, we will welcome them back to the peace process dahil ibig sabihin nais na nilang makipag (…). Dahil (…) yun ang proseso ng negosasyon. Kailangan maipaliwanag ng mabuti sa ating konstitusyon na dalawa lamang ang autonomous region. Ang autonomous region ay yung sa CAR sa Cordillera, at saka sa Muslim Mindanao. Kaya’t kailangan din sila maging bahagi sa autonomous region sa Muslim Mindanao. Kung ano ang role na gusto nilang gampanan, eh nasa sakanila yun at yan ang inenegotiate natin sa kanila. Ngunit magiging magandang development yan dahil sila at bumabalik sa peace process. Ayan ang importante dyan. Kasi kahit papano habang nagsasalita, may pag-asa. Habang nag uusap, nag ko-communicate, may pag asa na magkakaroon ng kasunduan na sasabihin “Magbababa na kami ng armas namin at kami ay sasama at tutulong sa republika ng Pilipinas and within a peaceful arrangement.” Yun ang mahalaga dito sa lahat.

Interviewer: Okay senator Marcos doon po sa inyong new version ng BBL, alin po doon yung magiging sagot para po sa concerns ng lahat ng mga stakeholders po sa Mindanao?

 Sen. Bongbong: Unang una, sa palagay namin, ang hindi dapat na exclude sa usapan ay ang MNLF. Dahil ang kanilang sinasabi, eh nagbuwis din sila ng dugo at ng buhay para lumaban at ipaglaban yung kanilang pinaninindigan. At ginive up naman nila ang kanilang pag pilit na humiwalay. At sinabing papayag sila na maging mamamayang Pilipino. Kaya’t sabi nila “Pagka na abolish ang ARMM, anong nangyari sa lahat non?” Ibig sabihin parang nawala ng binigay samin ng gobyerno, lahat ng nakuha namin sa gobyerno, mawawala naman. So naghahanap kami ng paraan upang ang involvement ng MNLF ay palakihin dito sa proseso ng Bangsamoro Government. Pati sa transition commission at sa pagpapatakbo ng pamahalaan. Pati sa mga appointed positions, eto lahat siguro eh bibigyan namin ng magiging mas malawak ang pagpipilian ng magiging opisyal para kahit sino eh masasabi natin na may pagkakaton na pumasok dyan.

Interviewer: Paano po ito senator mangyayari?

Sen. Bongbong: Well for example sa transition commission, ang hinihingi ng MNLF… kasi ang nakalagay doon “The transition commission will be led by the MILF”. Ang sinasabi na kung bakit hindi natin ilagay dyan eh since sa ARMM din naman nanggaling yan, “With equal partnership with the MNLF”. Sa palagay ko pupwede naman siguro yun. Pangalawa, hindi lamang sa MNLF, meron ding mga specific issues ang IPs – ang mga indigenous people. Marami naman silang gustong ipasama sa BBL tungkol nga sa ancestral land, tungkol sa ancestral domain para maging maliwanag. Dahil in the case of the IPs, ang problema talaga, eh hindi naman kami tumututol doon sa nakalagay tungkol sa IPs sa BBL, kung hindi, parang hindi maliwanag kung ano ba talaga ang kanilang karapatan. Hindi maliwanag kung ano ang kanilang mga gagawin sa ancestral land. So ibebase namin sa (…) para maging maliwanag na yung mabibigyan ng karapatan para magkaroon ng equal law, ay hindi mababawasan. So yan ang some of the main stakeholders na kailangan na bigyan ng pansin kasi meron naman talaga silang (…) concerns.

Tulfo: Kanina sir, yung idol ng bayan, si Congressman Manny Pacquiao, at marami pa rin sa mga legal experts ay sinasabi nila, unconstitutional daw po ang BBL kasi nga po parliamentary ang sinusulong niyo samantalang tayo naiiba yung style of government dito sa republika ng Pilipinas. How can you reconcile that? Eh magkakaiba at magkakasalungat ang (…) ng constitution.

Sen. Bongbong: Malaking debate yan kasi maraming nagsasabi na maaari namang gawin. May nagsasabi na sa ilalim ng ating konstitusyon, eh very well defined na republican unitary at presidential ang sistema natin. At walang nakalagay doon na sinasabi na pwedeng magkaroon ng regional government na parliamentary and ministerial. Yun ang isang binanggit sa report ni Senator (…) na galing sa kanyang pagdidinig ng kanyang committee na isa pang problema ng BBL. Kaya pag aaralan pa namin dahil nga, pag kausap mo ang mga constitutionalists at saka mga abugado, medyo hapit ang opinyon. Meron dyang mga constitutional questions na almost synonymous na unconstitutional dahil sa ilang dahilan. Although this one sa parliamentary, meron ding magagaling na abogado at constitutionalists na sinasabi “pwede naman yan” dahil wala naman sinasabi sa constitution na bawal. Kasi very (…) sa proposal ng MILF eh so baka naman pag masyado natin pinalitan at sinabi natin na di maaari, ay hindi na tatanggapin ng MILF yung gusto namin. So kailangan din maging maingat (…) gagawa din tayo ng amendment and it is still true to the original intent ng (…) sa comprehensive agreement at sa kung ano man ang agreement na ninegotiate sa MILF.

Tulfo: Dalawa na lamang na katanungan. Buti na lang yung Opt-in natanggal na yun. So ano pa po sa mga probisyon ng BBL ang sa tingin ninyo po eh problema at kailangan pong mabago?

Sen. Bongbong: Halimbawa yung Opt-in, dahil talagang lahat ay inoobliga at sinasabi na kung saan saan na mga lugar ay nasama sa Opt-in. eh ika nila eh hindi naman sila kasama sa usapan dati, papano sila biglang nasama dyan pero ito ang nagiging problema tungkol (…).

Tulfo: Tawagan ulit natin. Paliwanag natin. Opt-in kasi mga kapatid ay maraming probinsya na masasama at kahit 10% lang ng voting population ay magsasabing “Yes gusto naming makasama”, then kasama na. Kaya maraming pumapalag. Maging buong Palawan masasama na yan. Davao, masasakop na yan. Eh samantalang iilan lang yung Muslim dyan sa Davao, iilan lang yung mga Muslim sa Palawan. In fact nakausap ko yung mga classmate ko na Palaweño. Wala pa atang 5% eh. So ang paliwanag, 95% ng (…) population, sasakupin mo 5% lang. Dapat yung nakararami.

Interviewer: Tapos yung parang majority na.

Tulfo: Tapos sa botohan parang 10% lang. Pwede ba yun? The mere 10% nasa plebesito sinabi “Yes gusto namin eh sumama dyan, isama niyo kami”, after 10 years eh ok na? Hindi ata fair yan.

Interviewer: And ultimo yung mga Mindanao Governors, at yung mga major stakeholders ng Mindanao, sinasabi nila “Ayaw namin ng BBL”.

Tulfo: Senator magandang hapon po ulit.

Sen. Bongbong: Good afternoon. Sorry at naputol ang linya natin.

Tulfo: Sir ano ano pa po yung mga ibang probisyon na nakikita niyong may problema? Na may sakit at kailangang gamutin bago mapasa ang BBL?

Sen. Bongbong: Well (…).

Tulfo: Well mahirap ang signal. Tayo ba ang may problema o… baka pwede pasabi kay senator Bongbong na maghanap. Ah nasa loob. Baka pwedeng pumunta muna siya sa balkonahe o sa labas ng building. Yun ang importante (…). Gusto nating malaman (…) Kailangan maidaan muna sa chemotherapy bago magamot ito na para totally magamot na para katanggap tanggap na sa lahat.

Interviewer: Pag cancer-free na.

Tulfo: Eh sa ngayon, mukang nasa stage 2 papuntang stage 3. Dahil pinipilit nila. Stage 4 meaning eh cancer na yan, hindi na magagamot yan at nagkaka gulo gulo. Yan na nga po… pati ang MNLF manggugulo yan. Sigurado tayo dyan. Yung BIFF manggugulo yan sigurado tayo dyan. So paano nga? Buti may sinabi si senator Bongbong Marcos na kausapin at kung paano sila mapapasama dito na hindi sila manggugulo. Para naman mapakinggan nila yung kanilang boses. Senator Bongbong Marcos magandang hapon mula sa inyo sir. Sir ano ano pa po yung mga ibang probisyon dapat sa tingin niyo eh dapat baguhin bago po tuluyan ito ay maipasa na?

Sen. Bongbong: Merong mga pinag uusapan tungkol sa bangsamoro police. At yung constitutional bodies kagaya ng COA, ng comelec, ng civil service, ng ombudsman’s office, human rights commission. Lahat ito ay nasa original na proposal na may sarili ang Bangsamoro government. At sa constitution ay maliwanag na hindi pwedeng bawasan ang powers and function ng isang constitutional bodies so ang ipopropose ko sa committee, is ibagay na lang sa mga regular na regional offices ng mga constitutional bodies. Lahat naman ng region may comelec, lahat naman ng region may COA, lahat naman ng region may civil service na opisina. So maliwanag na maliwanag nayung constitutional bodies ay nasa ilalim ng central office dito sa Maynila. Ganun din tungkol sa pulis. Naging mahirap ang proposal dahil nakalagay sa BBL na ang pulis ng Bangsamoro ay kumukuha sila ng order sa Chief Minister. Yung Chief Minister na ihahalal ng parliament government. Pero hindi naging maliwanag sa aming pagdinig kung ano ba talagang relasyon ng Bangsamoro Police sa PNP at sa headquarters dito sa krame. Kaya’t kailangan maging maliwanag na maliwanag kasi may nasabi pa na pag hindi tumutugma ang mga order ay ang gagawin nila ay makipag negotiate sa National Government. Eh sa hindi kako pwede yan.

Tulfo: So tayo pa ang makikipag negotiate sa kanila sir?

Sen. Bongbong: Ang namumuno eh yung national government. Kung yung ibang local government hindi naman nag nenegotiate kahit kalian sa national government dahil kung ano ang policy sa national government, inuutos sa local government.

Tulfo: So parang tinanggalan ng ipin ang ating PNP. So sir, yan ba ay babaguhin?

Sen. Bongbong: Yan ay gagawin nating maliwanag na ang Bangsamoro police, unang una, kung sino ang magiging pulis, kailangan dumaan din sa schooling, at saka sa examination na ginagawa ng lahat ng pulis. Pangalawa, maging maliwanag na maliwanag na ang sinusundan na utos ay yung galing sa commander ng PNP at eventually, sa krame sa Maynila at sa Pangulo. So yun ang isang pagbabago na gagawin natin. Meron ding sinasabi na yung PNP hindi pwedeng pumasok sa Bangsamoro hangga’t may permiso sa Bangsamoro government. Hindi rin praktikal yun at hindi rin tama yun. Dapat ang PNP – siya ang may mandato mula sa constitution to protect and defend our borders for our national security. So hindi naman maaari na ang nagmamando sa kanila ay isang local government. So meron pang mga ibang probisyon na sinasabi na maaaring palitan ang national law ng Bangsamoro parliament. Hindi rin maaari yan dahil ibig sabihin nga na sila ay pantay o mas mataas kesa sa kongreso ng Pilipinas. Hindi maaari yun dahil kung local regional government sila, ang batas na napasa – the acts of the congress, can only be amended or revealed by another act of congress. Hindi pwedeng gawin sa local level. So ito yung mga basic na prinsipyo na nasa loob ng BBL na napag aralan na namin at sa palagay namin, hindi maaaring ganung klaseng sistema dahil kung ganun ang klase ng sistema, eh ang tinatawag na state within a state ang ating (…).

Tulfo: Sir medyo maiba tayo ng konti. Kayo daw po ay pumapabor sa federalism at kapareho kayo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Wala ho daw bang posibilidad na sabi nila eh pagdating sa eleksyon eto ay magsanid pwersa?

Sen. Bongbong: Well ineexpect ko na sayo yan at dahil nga unang una, kami ay magkasama nung isang araw at pangalawa eh tungkol nga sa federalism eh sabay kami… suportado kami pareho. Eh alam naman ninyo ang pulitika dito sa Pilipinas. Kung yung mga hindi mo akalaing mangyayari eh nangyayari kaya never say never. Abangan na lang ang susunod na kabanata.

Interviewer: Edi Duterte-Marcos o Marcos-Duterte?

Sen. Bongbong: Lahat yan eh everything is possible sa Philippine politics.

Tulfo: Yan po eh possible pong mangyari?

Sen. Bongbong: Hindi imposible, that’s for sure.

Tulfo: Ok so dyan na po magtatapos ang ating interview. Maraming salamat po sa time na binigay niyo samin Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sir good afternoon po thank you very much.

Sen. Bongbong: Thank you very much. Maraming salamat. Talagang hindi kayo magsasawa.

Tulfo: Hindi talaga. Thank you. Maganda yung sinabi niya eh. Wala talagang imposible.

Interviewer: Wala siyang period.

Tulfo: Wala siyang period. Open yun na pwedeng “Oo.” Normally pwedeng oo nang oo yun. Hindi niya tinuldukan eh.

Interviewer: Ganyan din naman si Duterte pag tinanong mo. He’s open to the…

Tulfo: Kasi na interview nga si Mayor Rodrigo Duterte twice few weeks ago and then… he speaks highly of Senator Bongbong Marcos. Na sabi niya kaibigan niya, na kakilala niya, maganda mga sinasabi ni Mayor Duterte off-camera yon. Pinupuri niya nga ito. And then ito namang si Senator Bongbong Marcos, kanina sa mga dyaryo, pinupuri din niya. Sinasabi niya “Eh mentor ko yan at sinusunod ko yung sinasabi niya”. So pag dinugtong mo, 1+1 equals tandem.

Interviewer: Kasi bilib na bilib siya dun kay dating pangulong Marcos. Kaya sinabi niya siya ang trend.

Tulfo: Sabi nga nila, humahanga sila sa isa’t isa.

Interviewer: Kaya nagkakasundo sila pagdating sa (…)

Tulfo: Kaya nga 1+1 equals tandem.

Back to Blog