Radio interview with Manang Audry of DXZL (RMN), “Balita at Balikatan”

Sen. Bongbong: Magandang umaga sa lahat ng nakikinig. Good morning!

Interviewer: Sen. Bongbong, inuna ko na sa lahat kasi ang daming nag te-text, peke daw kayo na Bongbong Marcos .

Sen. Bongbong: Ang tagal ko nang naririnig yang istorya na’yan at mula pa noong bata pa ako sabi ng nila na hindi na ako bumalik galing sa eskwela. Yung magulang ko nag imbento nalang ng bago.

Interviewer: Ang sadya ho namin sa inyo ngayon, ito nga hong sa kamara.

Interviewer: Uunahin ko muna siguro, ano ho ba itong inilabas ninyong patalastas?

Sen. Bongbong: Ito’y ulat. Lahat ng puntahan ko, lahat ay nag tatanong sa akin kung anong nangyayari doon sa BBL. Kung ano ba talaga ang gagawin ko, kaya mas mabuti para mas maging maliwanag, ako na mismo ang mag re-report, dahil iba-ibang report ang lumalabas. Kung minsan ay hindi naman mashadong accurate, kaya ang sabi ko para maliwanag kung ano ang aking ginagawa, kung nao ngayon ang sitwasyon dito sa BBL, at bukod pa doon ay kung ano ang aking posisyon tungkol sa BBL, dahil ‘yan ang tinaanong ng tao, kaya’t mabuti na manggaling na sa akin, para maliwanag.

Interviewer: Para ano ito Sen., sabi nila para e-angat kayo, o malinis ang inyong pangalan dahil sa hindi ninyo pag sangayon.

Sen. Bongbong: Hindi. Siguro para maging maliwanag na talaga kung anong nangyayari. ‘Yun talaga an gaming dahilan kung bakit nag privilege speech ako tsaka sinamahan ko na din nitong mga infomercial para nga malaman ng tao, para maging maliwanag nga, ano na ang, nasan na kami sa proseso sa pagsulat ng bersyon ng Senate Bill ng BBL, at ang pangalawa, kung ano ang posisyon ko.

Interviewer: Sino daw po ang nag pondo para sa inyong commercial?

Sen. Bongbong: Ay mga kaibigan ko, sila ang nag uudyok sa akin, sabi nila , “kailangan nang gawin ito.” Sabi ko, “baka sabihin na nga-ngampanya ako.” Sabi, “Hindi kami ang gagawa, kailangan maipaliwanag mo ng mabuti ang posisyon mo, kasi hindi na nga maunawaan ng tao’t naguguluhan dahil nga sa mga pangyayari sa house of Representatives, dahil sa mga statements na lumalabas, kani-kanino galling.” Sabi nila “Ikaw naman ang nag dadala niyan, dapat ikaw ang magpa liwanag.” Kaya’t nagkaroon nga ng ganyang klaseng Ulat sa Bayan.

Interviewer: Hindi poi to masasabing epal-tastas?

Sen. Bongbong: Wala naman akong bine-benta, wala naman akong ikina-kampanya. Nagpapaliwanag lang tayo para nga malaman ng tao kung ano ang nangyari kung nao ang gagawin.

Interviewer: Na kuyan na ho nayin ‘yan Sir, para maunawaan natin ‘yang punto ninyo na, bakit kailangan kanyo na magkaroon kayo ng alternative na bersyon ng BBL. Kasi kahapon sabi ni Congressman Rufus, pagka naantay niyo lang daw ‘yang ilalabas nilang bersyon sa kamara, eh malayo daw ito sa original na bersyon nab aka ‘yun daw ang sinasabi ninyong bersyon ng BBL na hindi talaga aayon sa Saligang Batas. “Atntayin niyo lang Senador Marcos itong ilalabas namin sa Kamara, palagay ko malayo ito sa sinasabi niyang BBL.” sabi niya.

Sen. Bongbong: Ay hindi maaaring ganon, dahil hindi ganoon ang proseso. Ang proseso ay ewan ko kung pareho ang House of Representatives at tsaka Senado. Sa Senado ay pinag aaralan ang issue na ‘yan, kaya nagkakaroon ng Bicameral Committee, para nga e harmonize, para gagawing pareho yung hindi pareho na provision. Palagay ko, isa pa, hindi tayo nakaka tiyak kung ano yung papasa sa House of Representatives. Mahirap naman na sabihin namasabi kung kelan matatapos ang kanilang magiging debate dyan, mukang hindi nga matatapos bago mag adjourn, kaya hindi pa maliwanag, hindi naman pwedeng itigil at antayin nalang ang bersyon nila, dahil kung hindi kami sang-ayon sa bersyon nila, tsaka palang namin sisimulan ang proseso ng pagsulat ng bersyon namin, mas lalong matatagalan, kaya’t mabuti na yung mag bersyon ang Senado para halos sabay lalabas titignan natin ang iba’t ibang probisyon na kailangan pa…

Interviewer: Ano po ba kasi yung batayang punto na hindi kayo sangayon sabersyon na nakita ninyo sa BBL kaya meron kayong panukala na, “teka, mas mainam na bumalangkas tayo ng bagong bersyon na sabi niyo nga na mas katanggap-tanggap sa lahat ng sector.”

Sen. Bongbong: Talaga, dahil ang nakita namin na approve sa committee ni Congressman Rufus ay yung tinatawag na Palace version o LP version. Hindi kami sangayon sa bersyon na ‘yon dahil sa aking pananaw maraming problema ‘yun, constitutional at ibat-iba pa. Kaya’t mas mabuti pa ay gumawa nalang kami, isulat natin dito yung bersyon na galing sa Senado, na lahat ng dapat gawin, lahat ng kailangang pagbabago ay nagawa na namin, tsaka na namin pag uusapan ngayon yunng dalawang bersyon kung papaano gagawing isa.

Interviewer: Tsaka may mga naniniwala na, Malacanang at MILF version yang lumusot sa Committee ni Congressman Rufus Rodriguez, sabi niya, “Hindi ‘yan Malacanang version, that is Rufus version.”

Sen. Bongbong: Well, hindi ‘yun ang una niyang naging Chairman’s draft. Nag bago yung chairman’s draft noong bumisita sila sa palasyo kaya nga yung kanilang napag usapan hanggan hating-gabi, kaya’t hindi natin malaman kung bakit nag bago ang lahat ang mga miyembro ng mga committee kaya nga kami na bahala dahil nung nakita nga namin yung mga inaasahan namin mga probisyon na dapat amyendahan ay yung plano nilang amyendahan ay hindi na nila na amyendahan. Dahil ang balita ko pag balik nila sa palasyo, hawak na nila yung Palace version bali ang sabi sa kanila, “take it or leave it” hindi naman pu-pwedeng ganon dahil dapat isa-isahin ang mga probisyon at ‘yan din ang ikinukunserida namin sa Senado.

Interviewer: So yung hawak niyo po ngayon, hindi po ‘yan yung Rufus Rodriguez version.

Sen. Bongbong: Ang starting point namin ay yung draft BBL, yung version na ibinigay sa amin, yung ibinigay samin ng kongreso na galing sa palasyo. Diyan mag sisimula ang lahat. Tapos titignan namin, tapos pag aaralan namin bawat line- line by line talaga ’yan eh, section by section titignan namin ng mabuti at papalitan namin, titignan namin kung saan nangangailangan ng amendment. Kung saan may kailangan, a-amendahan na namin. Pagkatapos mailagay lahat ng amendment na sa palagay ko kailangan, ‘yun ang ibibigay ko sa Senado na substitute bill.

Interviewer: Pwede nap o nating sabihin na hindi na ito mahahabol sa State of the Nation Address (SONA)?

Sen. Bongbong: Well, dalawa nalang ang session day namin, dalawa, ngayong araw na ito, tapos hanggang bukas. Baka pagka tapos noon wala nang session day haggang matapos ang SONA. Kayat sa palagay ko, sa House of Representatives doon sa labis na tatlongpung mag tatanong, ay lima palang ata ang nakapag interpelate. Doon naman sa amin ay hindi pa nasusulat ang substitute bill tsaka yung committee report kaya’t sa palagay ko ang lahat ng ito ay matutuloy nalang sa pagbalik namin sa hulyo.

Interviewer: Sir alam naman namin na maski kayo ay aminado na umayon diyan sa nagging committee report ni Senator Miriam Santiago, na kahit bali-baliktarin yang draft version na ‘yan, hindi talaga lulusot sa Supreme court dahil sa mga puno ng unconstitutionalities. Makita niyo ho agad ito, at hanggan hindi nababago ‘yan anong magiging tindig ninyo?

Sen. Bongbong: Pagka hindi nabago pwede nating gamitin yung mga nakita ni Senator Miriam at naipaliwanag niyang mabuti sa kanyang committee report, wala ding mangyayari diyan, echa-challenge ‘yan sa Supreme Court at matatalo ‘yan at maliwanag na maliwanag din sa committee report ni Sen. Miriam kung bakit, dahil may mga constitutional problems. Noong gumagawa na kami ng pag dinig ay pinilit ko na yung committee ni Sen. Miriam ay makunsulta, malaman talaga kung anong direksyon ang pupuntahan namin para maayos ang mga problema sa constitutionalities,

Interviewer: Malinaw po, hindi lalabas ang BBL sa committee ninyo na hindi ninyo na titiyak na ito ay naaayos sa Saligang Batas?

Sen. Bongbong: Syempre, dahil ‘yan ang trabaho namin. Hindi naman kami pwedeng pumasa ng isang batas o isang version na alam namin na unconstitutional. Kayat napaka laking bagay niyan, napaka importante na kung alam naming unconstitutional, alam nating ma cha-challenge at matatalo sa Supreme Court, bakit pa natin gagawin ‘yun saying lang ang ginawa naming trabaho, kaya’t titiyakin namin na yung papasa dito ay yung pinaka maganda. Yung papasa sa Committee ay yung pinaka maganda. ‘yun ang aking ire-report. At titignan nalang natin kung ano yung magiging debate sa committee level at tsaka sa plenary level.

Interviewer: Sir, nabalitaan ko yung mga kababayan ko raw, yung mga board members sa Palawan nakipag usap din sa inyo, kasi nga yung takot nila na sa mga susunod na panahon ay makakasama sila sa BBL.?

Sen. Bongbong: Ayun na nga ang nagging pangamba ng marami, dahil yung sa tinatawag ko ngang Palace version, biglang nadagdagan ng ibang probinsya na hindi namna pinag usapan noon at nag tataka nga sila kung bakit sila biglang naisama kaya’t marami ngang dapat balikan. Nalungkot ang lahat doon sa nangyari nga sa House of Representatives, “Bakit nagging ganyan, imbes na pinaganda yung version, mas nagging labag sa constitutuion, mas maraming nadagdag, mas maraming pinalitan, mas mahirap gawin ang gusto nilang gawin sa panibagong version. Kami nga, sinabi na naming hindi na namin gagamitin ‘yun.

Interviewer: Pero may latest po ngayon sa kamara, ah? Para daw maging katanggap-tanggap, mukang payag na silang ‘wag nang isama yang opt-in provision na ‘yan.

Sen. Bongbong: Malaki, very controversial kasi yung opt-in provision at talagang mahirap talagang Makita kung papaano ‘yang mekanismo na ‘yan. Papaano naman tayo, para kang nag buo ng probinsya, pero yung probinsya, hindi mo malaman kung ilan yung bayan, pabago-bago every year, may nadadagdag, may umaalis, hindi pu-pwedeng ganon at sinasabi nga ng ibang lungsod na sinasabi na “dalawang beses na kaming bumoto ng, NO!” Bakit biglang sinasama kami sa pangatlong boto pa, eh sabi nila maliwanag daw na galing dito sa amin. Kaya’t ‘yan ang mga issues, hindi lang constitutional issues kasi, dahil lahat din ng bagong issue na kailangan hanapan ng bagong solusyon.

Interviewer: Sa iba naming tanong, hindi po ba nag paparamdam sa inyo si Wang Bo? Nag paparamdam sa Kamara, eh.

Sen. Bongbong: nung una nga kala ko mag nag bibiro lang ng pangalan, pero wala namna, wala naman kaming alam tungkol dyan. Parang hindi ko alam kung paano nasangkot ang taong ito sa kongreso, palagay ko naman hindi naman ako makapaniwala sa nag dadala ng pera para sa kongreso.

Interviewer: Naniniwala, para sa inyo ho na dapat pa talagang imbestigahan o pabayaan nalang?

Sen. Bongbong: Dapat imbestigahan, nang malaman kung ano ba talagang nangyari dyan. Dahil ang pagka alam ko, siya ay wanted sa China at muntik maka lusot, buti’t naagapan, mabuti naman at naka detained na siya, pero kailangan imbestigahan, ano bang ginagawa niya bakit marami siyang pera, bakit nag tatapon siya ng pera dito sa Pilipinas at kung sino-sino ang kasabwat niya.

Interviewer: Sir, sa iba pong tanong, straight to the point, tatakbo ho ba kayo sa pagka-pangulo?

Sen. Bongbong: Ay wala pa, wala pa tayo dyan. Wala pa tayo para sa mga klaseng usapan na ‘yan. Basta’t ako, gagawin ko ang lahat ng trabaho, ipag papatuloy ko ang aking adbokasiya at pagka dating ng panahon, syempre kailangan mag desisyon, eh lahat ng option sa akin ay bukas at lahat ng option ay pag hahandaan ko muna.

Interviewer: Kelan po ang panahon na ‘yun sir? Sabi niyo, “pag dating ng panahon”

Sen. Bongbong: Well, ang talagang deadline dyan ay yung filling sa Oktubre at dyan lang natin makikita. Pero siguro naman, sa darating na ilang linggo, ilang buwan ay liliwanang naman yung picture. Si no ba talaga ang tatakbo, sino nag mga kaalyado, anong mga partido. Hanggat malaman ang mga ‘yon mahirap mag desisyon.

Interviewer: Per sir kasi, si Mayor Duterte may malaking pursyentong hinahangad siyang tatakbo siya, si Grace Poe daw nasa 50X50 rin, kayo ho, ilang percent po?

Sen. Bongbong: Wala, hindi ko masasabi yung mga pursyento kagaya ng ating mga kasama. At dipende talaga sa sitwasyon, palagay ko kung maging maliwanag, pabago-bago, eh. Dahil dati kahit na sinong kandidato galling sa administrasyon, siguro si Secretary Mar Roxas at Vice President lang ang nakikita natin, nagbago nag lahat. Kayat kailangan munang tignan natin kung saan ang bagsak ng pag babagong ito.

Interviwer: Wala parin po bang nag paparamdam sa Malacanang upang maka usap kayo?

Sen. Bongbong: Wala naman.Tungkol sa BBL? Wala naman, wala naman. ‘Yun lang statement ng pangulo na handa siyang makipag usap sa Senador tungkol nga dito sa BBL, pero wala naming ibang ganon. At tsaka infairness naman dito sa aming Senate President, hindi niya minamadali, wala siyang sinasabi, nag tatanong lang siya kung ano na ang status, pero hindi niya minamadali yung proseso ng pag aaral sa BBL.

Interviewer: Kung hihingi din ang pangulo, kunyari tulad ng ginawa niya sa mga congressman, dose oras niyang inupuan at kinutuhan ang bersyon nila papaya ho ba kayo na ganyan din kayo, dose oras din kayong uupuan ni PNOY?

Sen. Bongbong: Pagka may bersyon na kami, lahat ng ‘yan pwedeng pag usapan, pero asahan niyo, na maipapangako ko sa lahat ng nakikinig na hindi ko pababayaan na ma railroad ito, hindi ko pababayaan na imamadali ito, na kailagan na kailangan nga, dahil ang pinag uusapan nga dito ay hindi lang Muslim Mindanao kundi buong bansa. Malaking bagay itong ginagawa natin at komplikadong bagay na ito, So kung ano man ang magiging proseso, sino man ang makikipag usap samin, at ipapamadali samin, hindi ako papaya na mamadaliin ito, kagaya ng sabi ko lagi, dapat tayoy wag matakot gagawin ang tama. So, kahit sino pa ang kausap, sino pa nag kaharap, basta’t gagawin namin ang tama, asahan ng tao ‘yan.

Interviewer: Ano pong mga indikasyon para ma kumbinse ang isang Senator Bongbong Marcos na tumakbo, kasi kung saan, para daw pinulot na sa kangkungan ang Pilipinas, nababalik po ang lidereato ng inyong ama, na siya ngayong hinahanap na bumalik.

Sen. Bongbong: Marami nga akong naririnig na ganyan, eh palagay ko nung panahon nga ng aking ama, napapagusapan ay “Nation Building” laging pinapaganda ang Pilipinas, ngayon puro politika nalang ang nangyayari. Kaya’t siguro, hindi natin nakikita ang progreso na gusto natin sa bansa. ‘yan ang magiging campaign issue sa darating na halalan. Titignan natin kung tayo’y makasama sa usapan na ‘yan.

Interviewer: Sige po, magandang umaga Senator Marcos

Sen. Bongbong Marcos: Thank you very much, at magandang umaga po sa inyog lahat.

Back to Blog