Radio Interview with Kabayan Noli de Catro on DZMM

Kabayan Noli de Castro : Magandang umaga po sa kanila Senator.

Sen. Bongbong : Magandang umaga Kabayan, magandang umaga sa nakakarinig, good morning po.

Kabayan : Senator, nag hearing po kayo kahapon, sino po ang ating mga panauhin?

Sen. Bongbong : Ang naging resource persons naming ay yung mga Local Executive, mga Governor, mga Mayor na nasa ARMM at tsaka nasa paligid ng ARMM, mga maaapektuhan ng BBL ng Bangsamoro Territory at tsaka yung mga dating opisyal ng military na nag silbi sa Mindanao noong nagkaka-giyera pa, at sila ay binigyan naming ng pagkakataon na magsalita.

Kabayan : Ok, kasi po nag palabas ang sa Philippine Daily inquirer ngayong umaga, itong mga ARMM Mayors daw na sumusuporta sa BBL at naka pirma dito yung mga sinasabing Mayor sa Maguindanao, Lanao Del Sur, Sulu, at tsaka Basilan, at Tawi-Tawi Mayors na ang sinasabi ay suportado nila ang BBL.

Sen. Bongbong : Well mayroong nag sasabing suportado nila ang BBL, lahat naman sila ay sinusuportahan ang Peace Process. Sinasabi, lahat naman tayo ay nais magkaroon ng kapayapaan, ngunit lahat din naman sila ay mayroong mga pangamba. Yung ibang mga Mayors sinasabing ayaw nilang sumama sa Bangsamoro Territory, yung iba lalo na yung mga Governors sinasabi bakit sila nasama sa listahan na magkakaroon ng plebesito, at ito ay lahat naman ay sumusuporta sa Peace Process, wala naming hindi sumusuporta sa Peace Process.

Kabayan : Yes, lahat po ng Pilipino syempre.

Sen. Bongbong : ‘Yun lamang, mayroon din silang sinasabing dapat palitan at pagka tinanong na namin, ang una nilang sasabihin, suportado nila ang BBL pero pag tinanong niyo pa ay pero dapat may dapat palitan itong Constitutional bodies, meron din, yung iba, suportado nila yung peace process, pero sa palagay nila, yung BBL yung draft BBL ay unconstitutional. Kaya’t ‘yun naman sa mga dati nating heneral ay sinasabi nila na ay mayroon silang yung kinakatakutan nila na hindi nagagawa yung pag bigay, pagbalik ng armas, o pag surrender ng armas. Pangalawa, yung pag tayo, paggawa ng Bangsamoro Police at tsaka Bangsamoro ARMM forces. ‘Yun ang kanilang pinag uusapan na issue.

Kabayan : Opo, sa bagay, sabi nila sa isang paragraph ay, “Does we humbly request our Legislators to review ang approve the proposed BBL.” Eh diba ‘yan ang ginagawa niyo ngayon?


Sen. Bongbong :
‘Yun talaga ang ginagawa naming, ‘yan ang sinabi… 14th hearing na namin itong ginawa kahapon. Kaya’t tuloy-tuloy, sinisimulan na naming mag sulat ng Committee Report at tsaka gagawin na naming yung mga listahan ng mga ammendments at sa palagay naming para baguhin ang BBL at ayusin ang mga problema ng BBL.

Kabayan : Yung tinatawag na “Opt-in” sa probisyon ng BBL. Ano ang napag kaisahan po dito?

 Sen. Bongbong : ‘Yan ang isang lumabas na issue, dahil lahat ng nag sasabing suportado ang peace process pero ayaw nilang sabihin, ayaw nila sa Opt-in. Yung mga ibang lugar, kagaya ng Zamboanga, kagaya sa Zamboang Del Sur, pati Plawan sumama. Sinasabi nila, Isabela ay ayaw nilang sumama sa Bangsamoro at nag tataka sila kung bakit sila sasama sa listahan ng magiging plebisito. Kagaya ng Palawan, wala naman doon sa original na, original na listahan ng plebisito, pero pagka daan sa House of Representative ay sumama na. ‘Yun na nga, sinabi nilang suportado nila ang BBL, mayroon pa ngang nag sabing governor, “Ibigay niyo ang lahat, pero huwag niyo kaming isama.” ‘Yun ang naging komendaryo nila.

Kabayan : ‘Yan hong sinasabi ni Senator Ralph Recto tungkol sa mahigit pitongpung bilyong piso na budget para po sa Bansamoro Basic Law. Although ang plebisito ay gaganapin naman sa sinasabing sinasakop po ng Bangsamoro. Ang katwiran daw po dito ay, bibigyan ng budget ang BBL ang Bangsamoro na manggagaling sap era ng taong bayan ng Pilipinas. And then hindi kasama ang buong Pilipinas sa gagawing plebisito?

Sen. Bongbong : Ang kwestyon naming at tinanong nga, sino ang mag babayad ng lahat ng budget ng lahat ng perang ibibigay sa Bangsamoro, eh syempre ang sagot, yung buong bansa. Pwera nalang yung nasa Bangsamoro, kasi kung titignan niyo ang naka sulat sa batas, lahat ng buwi na ko-koleksyunin sa loob ng Bangsamoro Territory walang parte ang National Government. Kung maaalala natin ay lahat ng LGU ay hinahati yung koleksyon ng buwis, hinahati sa National Government 60%, 40% ibibigay sa local Government. Ngunit dito sa Bangsamoro ang gusto nilang gawing sistema lahat ng makolektang buwis ay lahat sa Bangsamoro lang. Kaya’t sabi bakit puro ang nangyayari ay lahat hindi nag co-contribute yung Bangsamoro sa National Budget at lahat ng mako-kolekta ay mapupunta roon mayroon pang dagdag na mga pondo, sino ang magbabayan nitong lahat ang magbabayad ay ang taong bayan. Ang buong Pilipinas. Kaya’t ang tanong bakit hindi yung plebisito ay sa buong bansa, dahil apektado naman ang buong bansa.

Kabayan : So kung mangutang ang Bangsamoro ay tayo rin ang mag babayad o sila?

Sen. Bongbong : Hindi maliwanag kung “maari silang umutang., pero hindi pa maliwanag na pag sila ang mangugutang, saan manggagaling yung pambayad. Dahil hindi nga, walang share ang National Government at sa Bangsamoro lahat pupunta.

Kabayan : Ay totoo rin daw ho na automatic nga daw ang budget ng Bangsamoro at hindi na dadaan sa GAA?

Sen. Bongbong : … Yung napupunta ngayon sa ARMM ay pupunta ‘yan sa Bangsamoro, at ito ay dumadaan ‘yan sa GAA. May malalaking normalization fund at malalaking block grant, na ibibigay ‘yan ang nababanggit na 75 billion. ‘Yun ay hindi natin malaman kung papanong, saan gagamitin ang perang iyon, at black grant nga parang lump sum money. Ibibigay nalang sa Bangsamoro Government at sila na ang bahala kung saan nila dadalhin. Nag hahanap na kami, siguro mag lalagay na kami ng lenguahe sa BBL para may garantiya naman na kaya naman natin ibinibigay itong mga pondong ito ay dahil sa kakulangan sa sa nakaraang ilang taon sa development sa Mindanao, kaya’t dapat tiyakin natin na mapupunta sa Development ng Muslim Mindanao.

Kabayan : Pero Senator, atin ho bang nire-search, inalam ho ba natin kung magkano ang naibuhos nang gobyerno simula ng likhain ang ARMM?

Sen. Bongbong : Meron na tayo, dahil ay budget ng ARMM ay more or less mga 20 plus Billion nitong nakaraang mga ilang taon. Ngunit kailangan natin itama diyan dahil hindi lang yung binibigay na pondo sa ARMM mayroon din lahat ng Local Government Units kagaya ng lahat ng ibang LGUs’, meron parin silang IRA, Kaya’t gaya ng ibang probinsya at bayan binibigyan ng iRA share. Ang IRA share ay ibinibigay sa lahat ng provinces at LGUs’ at tapos, bukod pa roon mayroon pa this year ng 20.4 Billion ang budget ng ARMM. At kung sa mga next year, kung ARMM parin o Bangsamoro na, more or less ganon din. Pero pag nagging Bangsamoro na may mag dagdag na mga block grant at mga normalization fund at doon lumalaki an gang pondong ibibigay sa Bangsamoro.

Kabayan : At kapag ako ho halimbawa kayo ay kumandidato halimbawa kayo Senator, Senador ulit, Presidente, o Bise Presidente, kasama po ang Bagsamoro sa boboto sa inyo, tama po ba?

 Sen. Bongbong : Kasama yung Bangsamoro sa boboto sa lahat ng mga national, sa lahat ng National election pati sa Local election sa mga probinsya sa mga bayan pati barangay, lahat.

Kabayan : So yung binibigay na tulong halimbawa, kunyari ako’y Congressman o ako’y senator ang tulong na budget para sa mga infrastructure projects ay pwede hong mag request din ang Bangsamoro Region Senator of Mr. President, pwede bang budgetan mo itong mga ‘to mula sa iyong sariling budget.

Sen. Bongbong : Lahat halimbawa ng mga infrastructure ay manggagaling parin sa National Government. Ito naman ay lumabas din sa aming mga hearing dahil tinanong, barangay roads barangay parin ang mag baba, yung municipal road mga bayan parin ang mag babayad, mga provincial road probinsya parin ang mag babayad. Kapag National road, eh ‘di yung National Government parin ang mag babayad. Kaya’t sisnasabi naming, ang laki-laki ng pondong binibigay, saan ninyo gagamitin? Dahil lahat ng infrastructura ay galling padin sa National at Local, hindi galling sa mismong Bangsamoro Government.

Kabayan : Para saan daw po ang 75 billion?

Sen. Bongbong : Hindi naman masyadong maliwanag hindi nga maipakita dahil nga ang sinasabi eh dahi ito ay social equity dahil may pagkukulang ang pamahalaan sa nakaraang ilang dekada na hindi dinedevelop yung Mindanao dahil may gera dahil may conflict pero ang sinasabi namin ngayon “oh sige kung ganon, para mabigyan naman ng pagkakataon yung Mindanao na humabol sa buong Pilipinas pero kailangan meron tayong guarantee na itong malalaking pondo, ay doon talaga pupunta. Dahil kung titignan natin ang ARMM, alam naman natin ang nangyari doon sa pondong binigay sa kanila… bumili lang ng armas at hindi bumababa, hindi nararamadaman ng taong bayan at doon lang napunta sa mga namumuno sa ARMM.”

Kabayan : Eh kung nagawa ho yan ng ARMM, na ang pagkakabuo ng ARMM ay dumaan sa saligang batas, papaano hong hindi magagawa ngayon yan ng Bangsamoro?

Sen. Bongbong : Yun na nga hindi nga maliwanag. Maraming problema sa BBL hindi dahil labag sa batas, o hindi maaaring gawin… maraming mga bagay bagay na hindi lang maliwanag, hindi mo malaman. Halimbawa yung lumabas nga sa hearing, pinag uusapan namin ang Bangsamoro police. Eh sa tatlong taong nagsalita, tatlong iba’t ibang interpretasyon kaya’t yan ang magiging trabaho namin; liwanagin ng mabuti kung papaano ba ang mga sistema, papaano ba ang mga mekanismo para naman hindi masama ang bansang Pilipinas at yung konting pondo natin ay kailangan nating tiyakin na magagamit sa tama at mapupunta sa tao.

Kabayan : Senator pag tinatalakay ho ninyo ang GAA o ang ating budget taon taon, ay di ho ba ang bawat agency ng gobyerno kung halimbawang kung ilang billion yung kanyang budget, ay hinihimay ninyo kung saan pupunta yung mga budget na ‘yon? May mga pangalan doon kung saan papunta?

 Sen. Bongbong : Well kailangan maliwanag na maliwanag at saka hindi lamang naka lista, kundi kailangan ipagtanggol nila kung bakit… sasabihin “bakit ko gagawin yan?” “bakit may project na ganyan?” “maganda yung project na yan pero mataas yata yun presyo”. Ganun, pag dedebatihan ng mabuti yan. Pero yung mga ibang pondo, sa block gun lalo, eh walang ano yan… automatic appropriation. Ibg sabihin, hindi na titignan yan basta’t kung sabihin natin sa taong to 75 billion, basta’t ibibigay na lang yun. Hindi na kailangan i-justify kung saan pupunta at kung san gagamitin, kung anong proseso, kung anong appropriation doon sa loob ng Bangsamoro. Bandang huli, yun ang tinitignan naming ng mabuti para yung proseso sa pag appropriate ng malaking pondo na yan, ay nakakatiyak tayo na tama ang gagawin.

Kabayan : Saan naman po kaya manggagaling yon? Yung 75 billion at saka yung yearly pa na tatanggapin nila. San kukunin po yun?

 Sen. Bongbong : Wala nang ibang pagkukunan kundi sa National Government kaya nga nakita namin na lahat ng koleksyon ng Bangsamoro na buwis, ay maiiwan sa Bangsamoro pero yung ibang pondo na ibibigay sa Bangsamoro, manggagaling sa buong bansa, sa pera ng bayan at ito’y ibibibigay (…)… sabi namin “papaano naman ito bakit lahat papasok sa Bangsamoro, eh wala tayong kontribusyon na nanggaling sa Bangsamoro” lahat ng ibang probinsya lahat ng ibang lungsod, lahat ng ibang bayan, eh pinaghahatian nga yung kolektadong buwis pero sa bangsamoro, lahat ng andun, lahat ng konektado doon ay maiiwan tapos magdadagdag pa ng pondo galing sa lahat ibang parte ng Pilipinas sa labas ng Bangsamoro.

Kabayan : Kung ganyan po ang nilalaman ng BBL para buuin ang Bangsamoro, ano ang kasiguruhan ho natin, Senator, na ang ibang rehiyon sa bansa katulad ng Cordillera… may naririnig na ho ako sa mga local government officials ng Cordillera, eh ano ang kasiguraduhan natin na hindi rin sila hihingi ng ganyang mga prebelehiyo mula sa National Government?

Sen. Bongbong : Well noong nagkaroon ng BBL, yung mga congressman ng Cordillera Autonomous Region, nasa loob ng Cordillera Autonomous Region, eh nag file na rin ng ganung klaseng sistema pero sa constitution kasi, dalawa lang ang autonomous region yung sa Muslim Mindanao at saka sa Cordillera at kung maaalala natin, yung Cordillera hindi natuloy dahil noong nag plebesito, ay natalo dahil sa botohon ang nangyari ay sabi na lang ng mga tao sa Cordillera na nais nila maging pangkaraniwan na LGU hindi na kailangan magtayo ng autonomous region. So ngayon nga dahil nakita na napaka laking pondo na binibigay, eh hindi lamang yung autonomous region… sinasabi ng mga iba “kung ganyan pala, at binibigyan natin ng malaking pondo yung lumalaban sa atin, eh manggegera na rin kami. Para itigil yung gera, bigyan kami ng mga 75 billion din.”

Kabayan : Eh diba nag armas na din ho ang Cordillera kaya nabigyan sila?

Sen. Bongbong : Yan ang nangyari doon sa pagsulat ng 87th Constitution. Eh sinama sa dalawang autonomous region. Ngayon, ang CAR kung tawagin, yung Cordillera Autonomous Region ay iniisip na kung paano… eh dapat sila din, dahil autonomous region din sila, dapat ganun din ang gagawing sistema para sa kanila. Eh kahit anong region ang pinag uusapan sa buong Pilipinas, eh yung mga ganyang klaseng usapan na 25 Billion na pondo, 75 Billion tapos yung mga block gun eh malalaking pera yan at hindi namin nakikita yan sa ibang region.

Kabayan : Senator sa nakita po ninyong maraming question sa Bangsamoro Basic Law, ano po ngayon ang plano ng inyong committee dito sa pagbuo ng BBL?

 Sen. Bongbong : Yun ang aming gagawin ngayon at maliwanag na hindi makakaabot sa June 10, June 11 sa pagtapos nitong session. Ang gagawin namin pagka recess namin, doon sa recess, gagawin na namin yung committee report at saka yung substitute bill yung bill na kapalit na inayos na lahat ng nakikita naming problema at palagay ko pagbalik namin sa Hulyo, sa July 27, pagbalik namin doon ay naka ready na lahat ‘yon at pwede na naming pag aralan sa senado at yun ang gagawin namin, iisa isahin naming bawat probisyon, page by page, section by section para lahat na maidentify na problema ay madidiskusyonan na, mapag aaralan at mabibigyan na ng remedyo para maging maayos na ang BBL at itong mga hindi maliwanag na bagay eh ililiwanag na namin, lalagyan namin ng detalye yung mga constitutional na problema eh gagawin namin, susubukan namin gawan ng paraan para nga hindi na maging unconstitutional na ang BBL.

Kabayan : Syempre isasangguni rin ninyo sa mga kasamahan niyong senador yan, Senator BongBong.

 Sen. Bongbong : Of course at ngayon pa lang nag uusap usap na kami kung papaano ang magandang sistema at sa palagay ko eh pinag agreehan na nga namin na ganun ang gagawin dahil siguro may isa pang hearing ng BBL, pagkatapos nyan tapos na at tapos na rin ang session. Eh pag recess, ako na muna ang susulat ng committee report at saka yung substitute bill at pag natapos yun eh bibigay ko na sa aking mga kasama, sa aking mga kapwa senador at pag aralan na nila at yun na nga titirisin na namin, iisa isahin na namin yung iba’t ibang probisyon.

Kabayan : Senator medyo masakit pakinggan pero itong mga nagtetext samin, “Hindi kaya si Senator Bongbong Marcos ay mag ala-Congressman Rufus Rodriguez o ang mga senador ay mag ala-Congressman na kapag naipatawag sa Malacañang ay biglang magbabago ang isipan?”

 Sen. Bongbong : Hindi… asahan po nila na hindi mangyayari na basta’t bigla na lang mawawala itong aming mga proposal na pag aamyenda. Hindi ko alam kung ano talaga nangyari doon sa House of Representatives dahil iba iba ang mga report na ating naririnig. Pero sa kanila na hindi ako papayag na ma-railroad ang BBL sa committee ko. Hindi ako papayag na basta’t na lang tatanggapin kagaya ng nangyari na binigay ang palace version at sinabing “take it or leave it”. Eh kung ganun ang gagawin sa senado, alam siguro ng palasyo ay “leave it” ang magiging sagot. Eh hindi naman siguro gagawin sa senado ‘yon.

Kabayan : Malaki ho ba ang impluwensya doon sa committee report ninyo yung report naman ni Senator Miriam Defensor-Santiago, yung committee niya?

Sen. Bonbong : Lahat ng constitutional issues, pinagbasihan namin sa committee report ni Senator Miriam Santiago. Dahil kilala naman natin lahat yan na si Senator Miriam eh napaka husay at napaka dunong tungkol dyan sa mga issue na legal, issue na constitutional at yung mga pumunta sa kanyang hearing para pag-usapan ang mga constitutional infirmities ng BBL, ay mga pinaka magagaling at pinaka sikat nating mga constitutionalist at abogado.

Kabayan : Okay. Senator maraming maraming salamat po at magandang umaga po, Senator.

Sen. Bongbong : Magandang umaga kabayan at magandang umaga sa lahat ng nakikinig. Maraming salamat po.

De Castro : Mabuhay po kayo! Si Senator Ferdinand “Kabayan” Marcos.

Back to Blog