Radio interview with Kabayan Noli De Castro on DZMM Teleradyo

Kabayan: Senator, magandang umaga po.

Sen. Bongbong : Magandang umaga po sa inyong lahat.

Kabayan: Ano na po ang nangyari sa hearing ng BBL, ito ho ba’y suspendito o tuloy-tuloy?

Sen. Bongbong: Well ang nangyayari ngayon yung mga hearing tungkol nga sa imbestigasyon kung ano ba talaga ang nangyari. Me dalawang—ang House of Representatives ay magkakaroon ng hearing sa susunod na Miyerkules. Kami naman sa Senado ay  Lunes at Martes—gagawa kami ng hearing at kailangang malaman natin kung ano ba talaga ang nangyari. Dahil ito’y maaapektuhan yung pagsulong ng BBL. At palagay ko kailangan malaman lahat ng talagang nangyari, in the perspective ng magkabilang panig: from the side of the MILF, from the side of the government kung ano ba talagang, sa kanila ang nangyari? Bakit nagkaroon ng ganitong problema.

In the meantime sinasabi ko nga, na kailangan dahil nawala ang tiwala talaga, nawala yung ang tiwala sa magkabilang panig, at saka sa taong bayan dito sa proseso. Kaya’t para matuloy yung prosesong ito meron akong mga suggestions na confidence-building measures na dapat sigurong gawin ng magkabila—MILF at saka sa gobyerno.

Kabayan: So tuloy-tuloy ang hearing po ninyo pero hindi pa pag-uusapan yung niluluto ho nating batas sa ilalim ng BBL , ang pag-uusapan pa ho natin ay may kaugnayan pa sa rin sa nangyari sa Mamasapano?

Sen. Bongbong: Hindi pa natin nalalaman kung anong talagang totoong nangyari. At ito ay kailangan nating malaman ito dahil kaya tayo nagkakaroon ng BBL, kaya tayo me peace process e para hindi nga mangyari ito e nasa gitna tayo ng peace process at nilalakad na nga..yung BBL pero merong ganito. So ibig sabihin merong kakulangan ang proseso natin.

Kaya’t kailangang nating malaman exactly kung anong nangyari ng sa ganun e gawan natin ng paraan, lagyan natin ng bagong provision yung BBL, amyendahan natin yung mga nasa BBL ngayon para sa ganun e makatiyak tayo na hindi na maulit ito.

Kabayan: Masasabi ho ba natin senator na, well ewan ko kung dapat nating gamitin itong salita na ito, na blessing in disguise ang nangyari sa SAF na sakripisyo sila para sa ganun ay ating masyadong himayin ang laman po ng BBL?

Sen. Bongbong: Well, mahirap sigurong sabihin na blessing kahit papano. At least ang masasabi ko ay ipinakita ng pangyayaring ito, naipakita sa ating lahat na meron pa rin tayong kailangang gawin, kailangan pa nating pag-aralan ang proseso, pag-coordinate, at lahat yan. Dahil kahit papano, kahit ano pa ang mga paliwanag ng kung sino-sino. Ang maliwanag 44 sa pulis natin ay namatay. Papano nangyari ito at papano ang gagawin natin para hindi na ulit mangyari?

Ang magkabila sa ngayon, sa ngayon ang magkabila ay nag-iinit ng, syempre matataas ang emosyon ng lahat. Siguro kailangan palamigin muna natin ang sitwasyon. Palagay ko me magagawa ang MILF—kausap ko nga si Chairman Iqbal kahapon—e sabi ko kausapin mo ang leadership ng MILF at sabihin natin gumawa naman ng confidence-building measures.

Unang-una sabi ko, yung mga hinihiling ng PNP, SAF—ibalik yung mga armas, mga gamit, yung mga personal effects nung mga nasawing sundalo. Tapos siguro tumulong sila dun sa paghuli kay Usman. Kailangan nilang ipaliwanag mabuti ang relasyon ng MILF at BIFF. Dahil sinasabi nilang hindi sila magkasama hindi sila magkatulong pero nung laban e parang sabay silang lumalaban sa mga pulis.

Sa panig naman ng pulis at saka sa gobyerno, kailangang maipaliwanag ng mabuti kung anong nangyari sa chain of command. Dahil ang MILF din nawawalan ng kumpyansa kasi sino ang kausap nila? Ano ba ang proseso dun sa gobyerno.

Kailangan din nilang malaman para nga lumakas din ang loob nila, bumalik din ang tiwala nila.

So, kailangan nating tingnan na mabuti, bakit nga nangyari ito at hanggang ngayon hindi natin nalalaman kung sino ang nagbigay ng order na ituloy itong operation na ito, na sinabi sa SAF sige at ituloy ninyo, maganda yang operation na yan, ituloy na ninyo. We haven’t gotten that information yet. Hindi natin nalalaman kung papano nangyari na ang acting Chief PNP ay hindi alam ang pangyayari; si Sec. Mar Roxas hindi alam ang pangyayari.

Kaya’t masyado pang malabo at we have to examine all of these issues dahil importante ito, hindi ito maliit na bagay. Importante sa atin ito dahil kung ipinasa natin, kung tapos na yung BBL at ni hindi natin napag-aralan na mabuti, e me posibilidad na mangyayari pa ito. Kaya’t habang pinag-aaralan pa at pinag-uusapan pa yung BBL at nakita na nga natin na me pangyayaring ganito e alamin natin ng mabuti kung ano ba ang nangyari, ano ba ang kailangang gawin, ano ba ang kailangang palita o dagdagan sa BBL ng sa ganun tayo’y nakakatiyak na hindi na maulit.

Kabayan: Maraming salamat po Senator Bongbong at magandang umaga po.

Back to Blog