Radio interview with Kabayan Noli de Castro of DZMM

Kabayan: Ay kayo na lang daw ho ang pag-asa sa Senado pero mag-isa lang ho kayo papano yun kung ang mga kasama ninyo ay iba ang nasa isip? Ano ho ang akala ninyo ay iniisip ng inyong mga kasamahan dyan sa Senado? 

BBM: Ay sa palagay ko naman ay…kaya nga ay maraming nalungkot dun sa nangyari sa House of Representatives na akala natin maraming papalitan dun sa BBL at aayusin mabuti e ang nangyari bumalik lahat yung gustong palitan at nabalik halos dun sa original.

Kabayan: Nag-weekend lang nag-iba na?

BBM: Pero palagay ko, kasi lahat ng ating kapwa senadoryung mga nakakausap ko tungkol dito, ay sinasabi naman nila na gusto nilang isa-isahin, line by line, section by section. Tingnan natin. Sa ngayon ay ganun ang kanilang gustong gawin at sinasabi talaga na ayaw naming magpasa ng isang version na alam namin na unconstitutional. Kaya’t napakahirap naman kung meron na namang lilitaw na Palace version at ito’y pipilitin–kasi alam naman nating unconstitutional. Kaya nga nagtataka ako ako hinahamon daw ng Palasyo at nagsasabi na unconstitutional sa Supreme Court na lang. Ay yun na nga ang trabaho namin e, para hindi magkaroon ng ganong klaseng problema, inaayos nga namin. Pero nagtataka nga ako bakit ganun ang approach na ginagawa ng Palasyo.

 Kabayan? Opo. Kayo ho ba’y ilan din ang inyong nakikitang unconstitutional sa provision sapagkat noong panahon na malakas pa ho ang paninindigan ni Cong. Rufus Rodriguez ang sinasabi niya’y pito hanggang walong provision na laman ng BBL ang malaking question na labag sa  saligang batas, sa Senado ho ba’y mga ilan, ganun din?

 BBM: Well ang unang naglabas ng listahan ng mga area na sinasabi ay labag sa constitution ay galing sa Philconsa at saka sa IBP, at ito’y labis sa 30 ang kanilang nakita. Pero siguro ang pagbabasehan namin ay yung committee report sa committee ni Sen. Miriam sa constitutional amendment, merong walo—mga halos pito, walo—na kailangang palitan sa purely constitutional issues. Pero yung pagpalit dun sa mga provision na yun ay kailangan din, magbabago rin ang ibang provision, dahil lahat ito kumplikado nga mamapektuhan lahat e, kapag may pinalitan ka kailangan natin i-adjust din yung ibang provision. Kaya’t marami-rami pa rin, marami-rami pa rin.

 Kabayan: Opo. Ay ano bang mangyayari ngayon, hearing ho uli, may hearing kayo, ganun ba?

 BBM: May hearing kami ngayon dahil ang ginagawa ko na lang ay tinatapos ko at gumagawa ako ng hearing para sa lahat ng mga sektor na hindi naman daw kinunsulta. Dahil ang lumalabas nga sa mga hearing namin, ang nag-usap lang tungkol dito sa Framework Agreement, sa Comprehensive Agreement at hanggang sa pagsulat ng draft BBL, OPAPP lang at saka MILF, hindi kinakausap ang sultanate, hindi kinausap ang MNLF, hindi kinausap ang local government unit, kaya’t lahat ito ay…mga IP, kaya’t today ang gagawin namin sultanate at saka IP at ang kahuli-hulihang magigiging hearing next week ay para sa mga local government officials. Kasi nga ipinaalala sa akin, ay committee on local government ka tinatalakay ninyo yung BBL walang nakipag-usap sa mga governor, walang nakipag-usap sa mga city mayor at sa mga local government executives. Kaya’t parang malaking pagkululang iyon dun sa aming pag-aaral dito sa BBL.

 Kabayan: Ay hindi ho ba kayo nagpunta rin ng Mindanao senator?

 BBM: Nung last week galing kami ng Jolo at saka Zamboanga, kasi yun ay aking ipinangako at ito nabitin dahil nga sa Mamasapano. Pero noon nga naituloy din namin at marami kaming natutunan. Napakahalaga talaga na yung mag hearing sa mga local dahil kahit papano kahit iniisip mong alam mo na yung kanilang isyu ay pag nandun ka iba, marami pang lumalabas na detalye na importante din dito sa ating pag-aaral sa BBL. Pero tapos na yung mga out of town hearings. Lahat na ng hearing namin ay dito na sa Maynila.

 Kabayan: So ngayon po ay puro Maynila na, mga ilang araw pa hong hearing yan?

 BBM: Dalawa na lang, yung mamayang mga alas diyes tapos ang susunod dun ay yung LGU hearing, yun ay nasa June 3, so Wednesday next week.

 Kabayan: Yun ho bang report, yung draft report ni Sen. Santiago, ito ho ba’y…di ba kailangan ding pumirma yung ibang mga senador?

 BBM: Oo, at mukhang napirmahan na. Ito’y committee report na sinulat ni Sen. Miriam para dun sa committee nyang const itutional amendment kung saan inimbita nya yung magagaling na mga constitutionalit at talagang constitutional infirmities ang kanyang tinutukan, kaya naman kung makita ninyo napakaganda ng pagkasulat ng kanyang committee report. At titingnan natin kung ito ay isasama natin sa committee report. Dahil yung report nya ibinigay nya imbes na sa Senado ibinigay nya sa mother committee—yung committee ko, local government. Lahat nung mga nakita at lahat ng mga conclusion na naabot ni Sen. Miriam ay isasama namin dun sa amin namang committee report. Kaya’t kung ano yung mga recommendations nya ay gagawin namin dahil kaya namin pina-hearing sa kanya para mabigyan kami ng guidance. Ay yun ang kanyang mga nakita sa kaka-pagdinig sa ating mga constitutionalist ay yan ang lumabas na mga conclusions. So gagamitin yun, yung mga nakita nya at natutunan nya tungkol nga sa pagdidinig sa constitutional infirmities.

Kabayan: Sa House of Representatives po, sa panayam kay Cong. Rufus Rodriguez, inamin nya na ang peace council ay naka-impluwensya sa kanilang binubuong Bangsamoro Basic Law, kaya may nabagong ibang mga sinasabi nilang unconstitutional ay naipaliwanag daw ng  peace council. Dyan po sa Senado kamusta ang impluwensa ng mga sinasabi ho ng peace council?

BBM: Well, pinakinggan naming mabuti ang sinasabi ng peace council, ang rekomendasyon naman ng peace council, although sinasabi nila overwhelmingly acceptable–ganun ang salita—ay kung babasahin niyong mabuti ang kanilang report, lalong lalo na yung kay Chief Davidi, ay marami syang inirerekomenda na kailangn papalitan din. Kaya kahit sa peace council report mismo basahin na mabuti, nakalagay dun na hindi meron din tayong kailangang ipaliwanag. Halimbawa yung pinakamalaking rekomendasyon na ibinigay nila sa amin yung tungkol dito sa –not necessarily constitutional–ay yung tungkol sa opt-in….

 Kabayan: Opt in?

BBM: Yung opt in na sinasasabi na sa 10 percent o sa resolusyon ng sanggunian ay pwedeng sumama ang LGU sa Bangsamoro kahit non-contigous, kahit na hindi malapit dun sa core territory ay ang rekomendasyon ng peace council ay tanggalin. At sinubukang tanggalin ng House of Representatives pero nung dumating na yung LP version ay bumalik na naman. Kaya’t hindi rin sinundan ang sarilli nilang rekomendasyon sa peace council. Kaya’t nagtataka ako san galing—well alam natin kung saan galing—pero bakit nangyari na binalik na naman nga intong mga nirekomenda na nga hindi lamang ng peace council pero kundi ng buong House of Representatives ad hoc committee. Kaya’t maraming nalungkot sa pangyayari dahil marami tayong inaasahan na ipaglalaban na mabuti ay hindi naman sila nakapag-salita na mabuti, hindi sila nakapag-debate ng mabuti at parang ang ginawa sa House of Representatives ay sabi merong version galing sa Palasyo take it or leave it na ata ang ginawa sa kanila.

Kabayan: Yun na nga ho, yung chairman’s version …

 BBM: Wala na. Pero asahan ninyo—alam nyo naman na kahit na may kagululhan itong lahat, basta ang sinasabi ko sa lahat ay asahan ninyo na hindi naman tayo natatakot na gumawa ng tama, basta sa aking pananaw ay tama ang aking ginagawa palagay ko hindi tayo magkakamali.

Kabayan: So yung June 11 deadline ay hindi nyo iniisip yan, hindi nyo kino-consider masyado?

 BBM: Hindi na masyado. Lahat ng ng ito, pagka merong nagsasabi….hindi naman sinasabi ni Senate President Franklin Drilon, wala namang nagbubuyo sa kin na madaliin, o kung ano. E sinasabi ko naman eto yung listahan ng hearing ko kung sa palagay ninyo meron ditong hearing na hindi na kailangan ay kakanselin natin. Pero wala naman, maliwanag na maliwanag. Hindi magiging matagumpay anb BBL kung hindi suportado ng sultanates, hindi magiging matagumpay kung hindi kasama ang MNLF, hindi magiging matagumpay kung hindi kasama ang mga local officials. Yun ang mga kausap ko sa nakaraang ilang hearing.

Kabayan: At yan ho ay mga hindi nakausap sa pagbubuo ng BBL?

 BBM: Ay ng problema ay walang kinusulta. Sa pagbuo ng BBL ang OPAPP lang saka ang MILF ang nag-usap, walang kinausap na kahit sino pang iba. Kaya’t nakakapagtaka kung pano nilang iniisip na walang magrereklamo at marami kaming nakikitang problema. Sana ang ginawa ng OPAPP sa pag-negotiation ay isinama na lahat itong mga grupong ito,itong mga sektor na ito, mga stakeholder na ito, sana isinama na nila ito ay magiging mabilis ang pagpasa ng BBL dahil maaayos na lahat ng nakikitang problema.

 Kabayan: Opo. As so bago mag sine die ay adjournment ay matatapos ho, June 11?

 BBM: Matatapos ang mga hearing. Yung committee report halos araw-araw ay isinusulat na namin. Pero yung mga proposed amendments meron pa ring lumilitaw sa mga hearing na proposed amendments. So hanggang sa last na hearing meron pa rin siguro kaming matututunan at ipapasok sa version ng BBL na ipo-propose ko. Pero ganun din, sa umpisa sa committee level muna. Kaya’t pag-aaralan namin sa committee level at pagagandahin na namin sa committee level pa lang.

 Kabayan: Pero syempre me araw na pagbibigyan nyo ang ibang senador para sa amendments?

 BBM: Pagdating sa floor. Kasi una, di sa committee pagdedebatehan namin tapos aayusin namin yung version ng committee, kung ano ba talaga yung pinaka maganda na pwede naming gawin. Pagkatapos, pag natapos yun, saka namin dadalhin sa floor. Ibig sabihin ire-report sa floor yung official committee report at kasama na rin dun yung mga proposed amendments. Ngayon yun ang pag-uusapan sa floor ay marami yatang tanong ang aking mga kasama sa senado kaya’t hindi ko masasabi na kung gaano katagal yung prosesong yun.

Kabayan: Oho, ay kilala naman yung mga senador, yung mga kasama nyo. Hindi pwedeng hindi magtanong ho yan lalo na ho dito….?

BBM: Ngayon pa lang marami na silang sinasabi na magtatanong ako ng ganito, magtatanong ako ng ganyan kayat paghandaan mo na. Kaya’t ako naman naghahanda para sa plenary debates.

 Kabayan: Opo, e kayo ho ba’y hindi ipinatatawag sa Malacanang?

 BBM: Hindi pa naman.

 Kabayan: Okay, pero alam nyo senator sabi nga nila ay parang nabigo sila, nawalan sila ng gana dito sa House, well ang pag-asa na lang daw nila ay Senado. At kung hindi pa raw maasahan ho kayo well ang Supreme Court. Pero sabi nila ay sana daw sa Senado ay maayos na.

 BBM: Well susubukan talaga namin at asahan ninyo at hindi namin pababayaan na ganun mangyari na hindi na lang mapag-usapan yung mga take it or leave it na ganung klaseng sistema. Ay palagay ko hindi papayag ang mga senador at inaasahan natin mas independent-minded ang mga senador. Sa mga usapan namin, palagay ko naman ay magiging mabusisi ang pag-aaral dito sa final version ng BBL dito sa Senado.

Kabayan: Maraming salamat po senator at magandang umaga po.

BBM: Magandang umaga Kabayan at magandang umaga sa mga nakikinig.

Back to Blog